Joseph Bitangcol recovering from injuries sustained from vehicular accident

"Isa sa pinasasalamat ko, hindi malala yung natamo kong sugat. Kasi inakala ko, mamamatay na ako. Thank God, kahit na mabigat na aksidente ang nangyari, ganito lang ang nangyari sa amin," says Joseph Bitangcol.


Sariwa pa sa isip ng publiko ang nangyaring vehicular accident kay AJ Perez, a few months ago, na kumitil sa buhay ng young actor.

Kaya naman marami ang nagulat at nag-alala nang nabalita ang pagkabangga ng sinasakyang kotse ni Joseph Bitangcol, kasama ang ilang mga kaibigan nito, sa Antipolo noong Miyerkules ng umaga, August 10. (CLICK HERE to read related story.)

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Joseph noong Miyerkules ng gabi sa Marikina Valley Hospital, kung saan naka-confine ang aktor, kinumusta namin ang kanyang kalagayan pagkatapos ng nangyaring aksidente.

"Okay naman, heto gising na ako, humihinga na nang maayos," simula niya.

"Parang may sa kabilang buhay, yung sinasabi nila na ganun, mapi-feel mo talaga.

"Nag-blackout ako, nawalan ako ng malay. Paggising ko, ang sakit ng katawan ko, duguan ako sa ospital. Grabe!"

Ipinakuwento rin namin kay Joseph kung ano nga ba ang nangyari sa kanila ng mga kaibigan niya.

"Galing ako sa taping ng Lokomoko U [gag show sa TV5]," sabi niya.

"May dalang Montero yung kaibigan ko, dun ako sumakay para pag-usapan yung gadget na balak kong bilhin.

"Tapos, biglang nagkayayaan na mag-road trip. Sa akin, sige, aangkas lang naman ako.

"Tapos, yun nga, pagdating ng Antipolo, maluwag yung daan, around 3:30 a.m. siguro, medyo mabilis yung takbo ng sasakyan namin, yung truck mabilis din.

"Pa-curve yung road, tapos walang nagbigay kaya nagsalpukan.

"Bale, nakapuwesto ako sa pinakalikod.

"Wala namang namatay, pero matindi rin ang tama ng isang friend ng friend. Malalim."

Itinanggi naman ni Joseph ang usap-usapan na nakainom sila ng mga kaibigan niya noong maganap ang aksidente.

"Ay, hindi naman nakainom," sabi niya.

"Siguro may gusto ding message na ipahiwatig sa amin.

"Ang lesson siguro, kasi sabi nila magpahinga ka na, e, may lakad.

"Puwedeng nag-stay na lang ako sa bahay, pero sumama pa rin ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matindi ang naging tama ng nasabing aksidente sa young actor.

"May sugat ako sa chin, sa cheek, sa kamay.

"Medyo may crack yung cheekbone ko, pero di naman total wreck, kailangan lang ng metal plate," saad niya.

Sa kabila ng mga nangyari, nandun ang pasasalamat ni Joseph na walang nasawi sa kanila.

"Isa sa pinasasalamat ko, hindi malala yung natamo kong sugat.

"Kasi inakala ko, mamamatay na ako.

"Thank God, kahit na mabigat na aksidente ang nangyari, ganito lang ang nangyari sa amin.

"Anim kami, pero wala namang namatay."

Nagpapasalamat din si Joseph sa mga taong naka-alala at nag-alala sa kanya.

"Kaninang umaga, nakakahawak na ako ng cell phone.

"Sobrang na-overwhelm ako at nagpapasalamt kasi ang daming nag-aalala at nag-express ng concern nila sa akin.

"Kanina sa Twitter, Facebook, text, dun ko naramdaman na marami ang nagmamahal sa akin.

"Sobrang thank you at mabuhay silang lahat!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN