Rachelle Ann Go speaks out on rumor between her and Cesar Montano, denies dating Andrei Felix

"Huwag po sana nating bigyan ng malisya. Dahil unang-una, may pamilya po yung tao. Kumbaga, respetuhin na lang po natin yun," says Rachelle Ann Go about the rumor between her and Andres De Saya star Cesar Montano.


Unbreakable ang titulo ng bagong album ni Rachelle Ann Go.

Kung susuriin, bagay na bagay kay Shin (palayaw ni Rachelle Ann) ang title ng album dahil sa kabila ng mga intrigang pinagdaanan niya, patuloy pa rin sa pamamayagpag ang kanyang career.

Heto nga’t matapos ang acting stint niya sa Nita Negrita, isa naman siya sa mga Mentors sa bagong GMA-7 talent search na Protégé at meron pa siyang bagong 14-track album, kunsaan may dalawa siyang original compositions.

Pero isa sa mga bagong intrigang kasalukuyang sumusubok kung gaano ka-"unbreakable" ang 24-year-old singer-actress ay ang tsismis sa kanila ng Andres De Saya star na si Cesar Montano.

Nagsalita na si Cesar tungkol dito at pinabulaanan nga ang tsismis na nagsimula muna bilang isang blind item. (CLICK HERE to read related story)

Sinabi sa blind item na isang aktor at isang singer na kabe-break lang sa boyfriend nito ang nagkamabutihan sa isang event abroad. Lumutang nga ang pangalan nina Cesar Montano bilang ang aktor at si Rachelle Ann bilang ang singer na kabe-break lang sa boyfriend.

Ani Rachelle Ann tungkol sa tsismis sa kanila ni Cesar, "Hindi po talaga totoo, kung anuman ’yan. Nagkasama po kami sa GMA PinoyTV, isang show po yun [sa Vancouver, Canada]. Yun lang. Hindi po totoo ’yan.

"Siguro nakita n’yo kami sa entablado nagdu-duet kami, magkahawak ng kamay. Ganun po. Duet po yun. Tapos.

"Huwag po sana nating bigyan ng malisya. Dahil unang-una, may pamilya po yung tao. Kumbaga, respetuhin na lang po natin yun," patuloy pa ni Rachelle Ann sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang umi-interview sa kanyang media, bago sumalang sa mini-concert niya na ginanap sa Eastwood City Mall Open Park, kahapon, August 13.

Nagkausap na ba sila ng asawa ni Cesar na si Sunshine Cruz tungkol sa tsismis?

"Hindi po... Hindi naman po kami magkakilala," sagot ni Rachelle Ann.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero si Cesar, humingi raw ng paumanhin sa kanya sa pagkakaroon ng tsismis sa kanilang dalawa.

"Sabi niya pasensiya na. Sorry na may ganun nga pong lumabas na hindi po magandang isyu," sabi pa ni Rachelle Ann Go.

GOING OUT WITH ANDREI FELIX. Isa pang isyung nilinaw ni Rachelle Ann ay ang pagkaka-link din sa kanya ngayon sa ex ni Jennylyn Mercado na si Andrei Felix.

Namataan daw kasi silang nagde-date.

"Hindi ibig sabihin siguro pag nakikita together, date na agad iyon.

"Lumabas kami, oo. Totoo yun at marami kami. Buong barkada namin. Ang dami-dami namin, at huwag sanang bigyan ng malisya yun. Dahil... wala po," natawang pahayag ni Rachelle Ann.

JOHN, A FINISHED CHAPTER. Isa sa dalawang kantang ginawa ni Shin sa Unbreakable ay ang "Whispered Fear." Tungkol daw ito sa lakas na nakuha niya dahil sa paniniwala sa Diyos sa kabila ng mga nangyari sa kanyang pagsubok at intriga.

Gusto ng dalagang kalimutan na ang pinagdaanang pagsubok at intrigang yun, at harapin ang kasalukuyang positibong nangyayari sa buhay at career niya.

Kaya nang tanungin tungkol sa reaksyon niya sa pagkaka-link ngayon ng ex-boyfriend niyang si John Prats sa dating beauty queen na si Bianca Manalo, sinabi ni Rachelle Ann na tapos na ang chapter ni John sa kanyang buhay.

"Tapos na po ’yan. Tapos na... Next chapter. Masaya na po tayo ngayon. So, hayaan na lang natin sila."

IT’S THE SYSTEM. Nalagpasan na rin ni Rachelle Ann ang chapter sa kanyang propesyon na kailangan pang itapat siya sa kung sino ang kilalang singer para lang makadagdag ng ingay sa kanyang career.

Kaya nang hingan ng reaksyon sa pagkakatapat naman ngayon ng tinanghal na "First Female Pop Superstar" na si Angeline Quinto sa itinapat sa kanya dati na si Sarah Geronimo, sinabi na lang ni Rachelle Ann na ganun talaga ang kalakaran sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ganun naman po talaga sa industriya natin, tapatan. Yung mga tao lang naman talaga yung mga nagbibigay ng, kumbaga, issue. Kung may bago, itinatapat, ganyan.

"Pero ganun po talaga yung sistema ng industriya natin."

Nagpahayag naman ng paghanga si Rachelle Ann para kay Angeline.

"Ako, I’m happy for Angeline. Kumbaga, bago siya pero ang layo na ng nararating niya. Talagang nakikilala na siya ng mga tao. So, I’m happy for her.

"At sana, wala nang tapatan," pagwawakas ni Rachelle Ann.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN