Nora Aunor pledges support for indie cinema and theater

Dahil may kontrata si Nora Aunor with Channel 5, sinagot niya ang issue kaugnay sa pagpunta niya sa istasyon ng GMA-7, kung saan naging bahagi siya sa promosyon ng pam-bagets na pelikulang Tween Hearts Academy: Class of 2012.

"Alam mo, h’wag na nating bigyan ng ano [issue] ’yon, kasi, siyempre, nu’ng isama ako ni Kuya Germs [German Moreno], sa GMA-7, wala namang iniisip yun


Tuluy-tuloy at halos walang patlang ang pagtatrabaho ni Nora Aunor mula nang bumalik siya sa bansa noong Agosto 2 at magsimulang mag-shoot, on August 8, para sa pelikulang El Presidente: The True Story of Gen. Emilio Aguinaldo.

Ang pelikula na prodyus ng Scenema Concepts, Inc. sa direksiyon ni Amable "Tikoy" Aguiluz IV ay nagtatampok sa Superstar, sa papel ni Maria Agoncillo, ang naging ikalawang kabiyak ng unang Pangulo ng ating Republika, si Hen. Emilio Aguinaldo, as portrayed by Gov. ER Ejercito.

Halos mag-iisang linggo pa lang ang shooting nina Nora at Gov. ER sa Kawit, Cavite, and yet, may pagbabago naman agad sa work schedule ng Superstar dahil naitakda na diumano ang pagte-taping ng aktres sa gagawing mini-series sa TV5.

"Next week na kami mag-start ng taping sa TV5, isinasaayos ang schedule niya," pag-inform through text ni Boy Palma sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, August 12.

Boy is Nora’s friend and former manager, and one of her current assistants.

Bukod dito, may mga nabanggit din si Boy na mga pagbabago sa casting ng Sa Ngalan Ng Ina, ang mini-series na ididirek ni Mario O’Hara.

Napag-alaman ng PEP na nai-consider na rin, bagama’t hindi pa official, ang mga pangalan nina JC De Vera at Matet de Leon na posibleng makasama sa series. Hindi ito nabanggit ni Direk Mario sa unang panayam.

Meanwhile, positibo ang naging pagtanggap ng industriya sa pagdating ni Nora matapos ang walong taong pamamalagi sa Amerika.

Kabilang sa naisahimpapawid na interview at mensahe ay ang kay Gov. Vilma Santos, Guy’s "kumare," na masayang-masaya sa naging pag-welcome niya kay Nora. (CLICK HERE to read related story.)

In an earlier presscon, natanong din nga si Nora ng tungkol kay Gov. Vi at sa posibilidad na magkita sila’t maipasyal din siya sa Lipa City, tulad ng ginagawa ng Star For All Seasons sa mga nagiging bisitang artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Nora: "Hindi ko pa talaga alam kasi... depende siguro... kasi sa ngayon, ang schedule ko talagang tight. Dahil hindi naman ako talaga magtatagal din [sa bansa], e.

"Tatapusin ko lang talaga yung schedule kay Gov. [ER] at saka yung .. 20 days lang yung [mini-series taping] sa TV5, tapos kailangan ko nang bumalik [sa States]."

ISSUES AND ANSWERS. Sa mahabang interviews ng PEP at ng iba pang taga-media, sinagot ni Nora ang ilang issues and related issues na kaugnay ng kanyang propesyon, noon at sa kasalukuyang panahon.

Tulad ng pagtuntong niya sa istasyon ng GMA-7, at naging bahagi sa promosyon ng pam-bagets na pelikulang Tween Hearts Academy: Class of 2012 ng GMA Films, sa direksiyon ni Mark Reyes, nang magtungo sila ni German Moreno sa nasabing istasyon.

Ang purpose talaga ng visit ni Guy ay upang mag-guest sa show ni Kuya Germs. Pero hindi naiwasang bumisita ang superstar, kasama si Kuya Germs, sa opisina ng mga executive ng network.

May mga nauna nang pahayag sa PEP sina Kuya Germs at ang GMA network officials tungkol sa nasabing issue.

As for Ate Guy, ito naman ang kanyang nabanggit:

"Alam mo, h’wag na nating bigyan ng ano [issue] ’yon, kasi siyempre nung isama ako ni Kuya Germs sa GMA-7, wala namang iniisip yung tao... gusto lang naman na magkasama kami maghapon.

"Hindi naman natin siya masisisi, at saka nung araw naman, nagpupunta rin naman ako sa GMA," pagtutuwid ni Nora.

Back in the mid-’90s, nagkaroon ng afternoon drama series ang GMA-7, ang Modern Romance Sa Telebisyon. Week-long drama ito for several seasons na si Nora ang nagsilbing narrator.

Maunawain naman si Nora sa naging sentimyento sa kanya ng mga network officials, na itinuturing ding mga kaibigan.

"A... first time na nakita [nila uli] ako, so hindi natin masisisi yung mga tao, pagbigyan na lang natin," sabi ni Ate Guy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Huwag na nating bigyan ng intriga yung kung ano yung mga nangyari... Sa Channel 5, kasi alam ko naman maiintindihan [din yun] ng 5.

"After na lang nun, kung sino yung kukuha sa akin para interbyuhin ng ibang istasyon, magpapaalam sa 5."

"INDIE" EXPERIENCE. Partikular ding tinanong ng PEP si Nora tungkol sa kanyang paggawa ng independent films, sa kabila ng napag-alaman naming hindi naging magandang karanasan ng Superstar sa una niyang paggawa ng indie movie.

Ito’y noong 2006. Ang indie movie ay nai-release sa commercial theaters sa Pilipinas simula noong September 28, 2006.

’Yon ang panahon ng bagyong milenyo. Despite the onslaught of the killer typhoon, maraming Noranians ang nanood ng pelikula in select mall theaters.

Pero inintriga pa rin ang tungkol sa naging resulta ng Nora movie, sa takilya.

"Ay, ’wag na nating ungkatin ’yon," hiling ni Nora.

Pero ang kaibigang aktres at direktor ni Nora na si Suzette Ranillo, masama ang loob para sa kanyang actress-friend.

"Hindi Ingrata ang title nu’n," said Suzette about Nora’s first so-called indie-starrer, which was shot in the States at nagtampok sa kanila ng premyado ring aktor na si Bernardo Bernardo at John Rendez.

"Nakasamaan niya [Nora] ng loob ang producer nun, tapos pinalitan na ang title, ginawang Ingrata.

Gayunpaman, sa last sequence ng pelikula ay may pagtukoy ang character ni Bernardo sa Nora character, saying "Hindi siya ingrata..."

That same year, ipinalabas din sa bansa ang second indie movie ni Nora Aunor, ang Care Home. Ito naman ang directorial debut ni Suzette Ranillo.

Ginampanan ni Nora ang papel ng isang nursing home caregiver, na mismong ang kanyang ina, played by Gloria Sevilla (Suzette’s real mom) ang kanyang inalagaan.

Care Home was a more welcome indie project for Ate Guy. Nagkaroon din ito ng special screening (non-competition entry) sa 8th Cinemanila International Filmfest, na si Direk Tikoy Aguiluz ang festival director.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Itinanghal din ang pelikula the following year in July 2007, sa 3rd Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

"Hopefully maipalabas natin uli para sa mga supporters ni Ms. Nora Aunor," said Suzette.

NORA PLEDGES SUPPORT FOR INDIE AND THEATER. At willing pa rin naman daw sumuporta si Nora sa mga gumagawa ng indie movies sa bansa.

Not to mention theater, na isa rin si Nora sa bina-value ng mga tauhan nito, having appeared in three successful local theater productions: Minsa’y Isang Gamu-Gamo (1991) at DH (Domestic Helper, 1992), ng PETA (Philippine Educational Theater Association) at Trojan Women (1994), base sa dula ni Euripides, prinodyus ng isang independent theater company, at dinirek mismo ng isang Greek dramatist.

"Oo naman, kung kinakailangan ang suporta ko’t pagtulong, nandiyan ako. Kahit walang pera diyan, pag-usapan natin.

"Pati sa teatro, kung talagang kailangan ako, nandiyan ako," pahayag din ng superstar-actress.

NORA DOCUMENTARY. Unang-unang naging masaya sa naging pahayag ng pag-suporta ni Nora sa cause ng indie cinema movement sa bansa ay si Direk Tikoy, na isa sa mga unang proponents ng local indie filmmaking.

In fact, ang Cinemanila International Filmfest, na nasimulan noong 1999, ay pinagsikapang itatag at ipagpatuloy ni Direk Tikoy (CIFF Festival Director) bilang pag-suporta din sa mga independent filmmakers.

This time, na idinidirek na niya si Nora, naisatinig din ni Direk Tikoy ang kanyang malaon nang balak.

"Gusto ko po siyang gawan ng documentary," sabi rin ni Direk Tikoy.

"Nung nasa Amerika si Nora, meron na kaming konting communication.

"Kasi, para po sa akin, si Nora pa rin ang Superstar.

"Talaga pong ibang-iba ang buhay ni Nora, ang pagkatao niya.

"So, sabi ko nga, bakit walang gumagawa pa ng documentary tungkol sa buhay ni Nora?

"Matagal ko na pong ambisyon na gawan siya ng documentary. Ito na po siguro ang pagkakataon na maumpisahan ko na habang ginagawa namin ang El Presidente," saad ni Tikoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN