Jade Castro’s Zombadings 1: Patayin sa Shokot Si Remington receives "A" rating from Cinema Evaluation Board

Despite Zombading’s A rating, Direk Jade Castro is worried his indie film might not do well in the box office as it has the same playdate as Star Cinema’s Wedding Tayo, Wedding Hindi, topbilled by Eugene Domingo and Toni Gonzaga. Both are comedies and both feature Uge.

"Kaya feeling ko parang maghahati... pero mas nakakalungkot for us dahil wala naman kaming TV commercial so parang posible kaming malamo


Na-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang young director na si Jade Castro last Thursday, August 11, sa Polari bar sa Tomas Morato sa presscon at press preview ng pelikulang Zombadings 1: Patayin sa Shokot si Remington, produced by Origin8 Media.

"Itong Zombadings, third movie ko na siya. First ko is Endo with Jason Abalos and Ina Feleo and then My Big Love sa Star Cinema, yung kay Sam Milby and Toni Gonzaga.

"So, pangatlo ko pa lang itong Zombadings, bale second ko itong indie film," umpisang sinabi ni Direk Jade.

Ipinakuwento namin sa kanya kung paano siya napasok sa directing.

"Nag-Film ako sa UP, iyon yung course ko, nag-aral ako ng Film. Engineering yung una kong course e, sa UP Diliman din, tapos nag-shift ako.


"Graduate ako ng Film, tapos nagsimula akong... marami akong ginawang kung anu-ano, nag-edit rin ako, nag-script continuity ako kay Direk Uro [dela Cruz]. In a way, mentor ko siya.

"Tapos nagsulat na ako sa ABS, sa Star [Cinema], tapos iyon."

Ang mga sinulat niya for Star Cinema...

"Ang huling lumabas [ay] yung My Amnesia Girl sa Star, tsaka RPG Metanoia."

INDIE VS MAINSTREAM. Ano ang difference ng indie films sa mga mainstream movies?

"Actually sa akin wala masyado, pareho lang."

Ang budget?

"Hindi rin kasi basta kakampi mo yung producer, sabay naman kayong magtatrabaho, kung paano ninyo gagawan ng paraan.

"Yun naman sa Star Cinema kahit mas malaki yung budget hindi rin naman... kumbaga meron din namang pagtititpid na nangyayari, yung hahanapan ng paraaan, yung mga location, yung mga ganun.

"So hindi masyadong nagkakaiba for me. I’m sure pag tinanong mo yung producer, may pagkakaiba dahil mas malaki yung kailangan niyang... yung Star mas malaki yung kailangan niyang paglaruan, yung kay Raymond [Lee, producer ng Zombagings 1], mas maliit yung kailangang paglaruan.

"Pero for me, creatively, pareho lang na gagawa ka ng magandang pelikula."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"A" ang ibinigay na grade ng Cinema Evaluation Board sa Zombadings 1: Patayin sa Shokot Si Remington.

"Ang saya ko nga e, nung nalaman ko!

"Hindi ko nga in-expect na magpapa-grade kami," ang natatawang sinabi ni Direk Jade.

"Ang sabi nila, ngayon, parang marami ring films na hindi raw nagpapa-grade so hindi ko na iniisip... hindi ko na iniisip dahil medyo busy kami sa pag-promote nung film. Hindi ko alam na meron palang naglakad sa amin [na magpa-grade].

"Nagpo-photo shoot kami nung nalaman ko, nagulat ako kasi hindi ko alam na nagpa-grade kami. Masaya ako kasi second A ko na siya, yung first yung Endo, A din, e.

"Tsaka parang in way parang na-vindicate din dahil pinaghirapan namin yung film tapos alam naming nag-enjoy yung mga tao nung nanoood sila.

"Pero para mabigyan ng A, isang malaking karangalan. Parang... galing sa mga experts tsaka sa authority na ’Gusto namin yung pelikulang yun!’"

DIRECTING MARTIN ESCUDERO. Hindi ba siya nahirapan na paartehin si Martin Escudero na bida sa pelikulang ito? Lalo pa nga at maraming nagsasabing nailabas ni Martin ang husay niya bilang isang aktor sa Zombadings 1?

"Hindi! Madali nga, e. Masarap siyang katrabaho, e. Masipag kasi siya, maganda yung attitude niya tapos may talent talaga si Martin kaya naging madali para sa akin.

"Parang kumbaga hindi ko masyadong... marami sa trabaho niya siya na yung gumawa, kumbaga. May dance sequence pa nga siya sa pelikula na ano e, siya na mismo nag-choreograph.

"Kasi wala yung choreographer namin, e sabi niya, ’Ako na lang direk!’"

Ipinalabas na last July sa Cinemalaya ang Zombadings 1 sa CCP.

Magkakaroon ito ng commercial run sa mga sinehan sa August 31, at ang Origin8 Media na producer ng pelikula rin ang magre- release nito. At hindi na Star Cinema na unang plano.

SAME PLAYDATE. "Hindi e, sasabayan nga kami ng Star e, yung... hindi ko alam kung gaano na ka-official, pero yung Eugene [Domingo]-Toni Gonzaga na Wedding Tayo, Wedding Hindi."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang naramdaman ni Direk Jade?

"Ako, nalungkot ako! Kasi ano, unang-una ayokong kalaban yung mga tao dahil gusto ko sila, si Uge katrabaho ko sila, si Toni, si Direk Joey [Reyes], mga taong gusto ko, so medyo nakakalungkot for me na magsasabay kami.

"Tapos pareho kasing comedy, parehong may Uge."

Nasa Zombadings rin kasi si Eugene.

"Kaya feeling ko parang maghahati... pero mas nakakalungkot for us dahil wala naman kaming TV commercial so parang posible kaming malamon nung Star.

"E, since naka-set na, susugod na lang kami, tapos inaasahan na lang talaga namin na maraming fans yung movie, enough na kumalat by word of mouth at meron pa ring, marami pa ring manood sa first day. Pero nakakatakot."

Hindi nila inisip na magbago ng playdate?

"Kasi yung parang naghahanap sila kung ano yung... wala na e, parang November, parang ang layo na."

Wala bang pag-uusap na huwag silang magsabay ng showing?

"Hindi ko alam kasi wala ako dun, pero si Raymond Lee siguro ang makakasagot. At tinanggihan nilang i-distribute yung movie e, hindi ko alam kung bakit, dapat si Raymond ang makakasagot."


Nag-usap daw sila dati...

"Nag-usap kami, hindi pa tapos yung pelikula, napanood nila. I think iba-iba sila sa loob ng Star, merong may mga ayaw, merong may mga gusto. Pero in the end iyon yung naging decision, so tinanggap na lang namin yun."

How about GMA Films?

"I think yung GMA, under ano pa, under talks, hindi sila ang magdi-distribute pero baka yung TV rights, pinag-uusapan pa nila kung with GMA."

Pero ang artista nila na si Martin ay contact star ng TV5; wala bang pag-uusap sa Kapatid network tungkol sa TV rights?

"Hindi ko alam, pero ang alam ko meron din, with Solar, meron din, e. Hindi ko lang alam kung gaano ka-close... ang alam ko lang yung sa Star kasi nga tinapatan na ng Eugene-Toni."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nalungkot lang siya, hindi naman siya nagalit?

"Hindi naman ako nagagalit kasi hindi ko naman sila kausap ng deretsahan. Pero pag nakaharap ko sina Tita Malou [Santos], tatanungin ko sila kung ano ang tingin nila dun sa magtatapat kami sa August 31.

"Yung ibang mga friends ko sa Star tinext ko ’Uy sigurado na ba yung ano?’ ganyan-ganyan. Hindi naman ako galit kasi hindi naman ako yung tipo ng tao na madaling nagagalit.

IT’S ALL BUSINESS. "Tsaka baka kasi it’s all business lang for them. Baka naman talaga kasing iyon yung playdate na gusto nila, na iyon ang best, business- wise.

"Naiintindihan ko naman yun, na it’s all business. Pero siyempre, nakakalungkot lang pero hindi ako nagagalit."

Inisip ba niya na hindi na siya tatanggap ng directorial jobs from Star Cinema?

"Wala naman akong ganung ano, hindi ko pinag-iisipan."

OTHER PROJECTS. May follow-up project na ba siya sa Zombadings 1?

"Meron ng mga offers, meron ng mga offers."

Hindi ba siya gagawa ng straight drama indie movie na gay- themed?

"Ah bakit hindi? Kung merong magandang concept na darating puwede. Ako kasi sa sarili ko may mga nakabangko rin akong mga gusto kong gawin pero wala dun na seryosong gay film."

Kung ano ang version ng Zombadings 1 na ipinalabas sa Cinemalaya, iyon rin mismo ang ipapalabas sa commercial theatres, walang inalis si Direk Jade.

"Wala! Natuwa nga kami kasi nandun kami sa MTRCB nung nag-review ang MTRCB.

"Tatlo yung reviewers, yung isa may concern siya sa kissing scene, pero dinifend nung isa. So ang naging compromise, inagahan lang namin yung music para lang maging mas comedy pa."

Ang naturang kissing scene ay sa pagitan nina Martin at indie actor Kerbie Zamora.

"Kasi nung pinanood natin sa CCP, walang music hanggang sa mag-kiss e, so medyo nakaka-shock, di ba?

"Ang ginawa lang namin, inagahan namin yung comedy music para yung mga bata na baka ma-disturb, iyon ang iniisip nila kasi, medyo alam na nila agad na comedy yung eksena."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod kina Martin, Kerbie at Eugene, nasa pelikula rin sina Lauren Young, Janice de Belen, John Regala, Angelina Kanapi, Leandro Baldemor, Daniel Fernando, at si Roderick Paulate.

Ang Zombadings 1: Patayin sa Shokot si Remington ay mula sa panulat nina Direk Jade, Raymond Lee (na sumulat rin ng Anak, Milan, at In My Life, at producer rin ng Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros), at Michiko Yamamoto na sumulat rin ng Magnifico.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN