Lorna Tolentino says she still misses her late husband Rudy Fernandez: "Habang tumatagal, parang nag-i-intensify ang mga emotion mo."

Gusto ni Lorna Tolentino na mag-focus na lang sa kanyang pamilya. Kahit marami ang nagtutukso sa kanyang puwede na daw siyang makipag-date o tumanggap ng ligaw, wala na raw sa isip niya ito dahil na rin sa kanyang mga anak.

Very vocal sina Raphael at Renz na ayaw daw nilang mag-asawa uli ang kanilang Mommy at ganun na rin daw ang pakiramdam ngayon ng aktres.


Nagpapasalamat si Lorna Tolentino dahil matatapos na ang teleserye niyang Minsan Lang Kita Iibigin. Matutuloy na rin daw ang matagal nang pinaplano nila ni Amy Austria na bakasyon sa Boracay.

Baka sa September daw ay magbu-Boracay na sila kasama ang buong barkada at ang pamilya.

Ayaw munang isipin ni Lorna ang susunod niyang gagawin pagkatapos ng kontrata niya sa ABS-CBN 2 dahil ang gusto raw muna niya ay magpahinga.

Ani Lorna, "Masyado mabigat ang ginawa namin sa Minsan. Maski ako nag-decide na ang susunod, kung meron, gusto ko mabait na uli, kasi mahirap magkontrabida. Dusa talaga, masyado siyang nakaka-drain."

Ito raw ang kontrabida role na napagod siya nang husto dahil sa sobrang sama ng karakter na kailangan niyang i-internalize.

Kaya pagkatapos ng taping ngayong linggo, balak muna niyang mag-stay nang matagal-tagal sa kanyang farm sa Cavite kasama ang dalawa niyang anak.

Gusto na rin ni Lorna na mag-aral ng farming dahil marami na nga raw siyang tanim sa apat na ektaryang farm nito.

HE’S STILL THE ONE. Gusto ng aktres na mag-focus na lang sa kanyang pamilya. Kahit marami ang nagtutukso sa kanyang puwede na daw siyang makipag-date o tumanggap ng ligaw, wala na raw sa isip niya ito dahil na rin sa kanyang mga anak.

Very vocal sina Raphael at Renz na ayaw daw nilang mag-asawa uli ang kanilang Mommy at ganun na rin daw ang pakiramdam ngayon ng aktres.

Aminado itong lalo pa niyang nami-miss ngayon ang kanyang late husband na si Rudy Fernandez.

"Madalas nga kapag marami akong ginagawa — yung sagad-sagad ang schedule — may mga times na nami-miss ko pa rin si Rudy. Hindi ako nakakatulog pa rin nang maaga. Hindi ako makatulog, hinahanap ko pa rin siya. Siya pa rin," pahayag nito.

"Parang habang tumatagal, parang nag-i-intensify ang mga emotion mo.

"Kasi dati, alam mo na natatanggap mo na sa utak mo, wala na. Yung acceptance na matagal na to ah, na wala na. Yung reality na iyun. Ang nangyayari tuloy, lalo mong nami-miss, lalo mong hinahanap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lalo na pag may konting problema, kasi wala kang karamay, wala kang katabi, wala kang susumbungan, wala kang sasabihan na, wala kang hihingan ng tulong," seryoso na niyang pahayag.

Ganun pa rin daw ang ayos nito sa kuwarto dahil hindi pa rin niya ginagalaw ang mga gamit ng nasirang asawa.

"Minsan nga sinusuot ko pa ang shorts niya, pati T-shirt, sinusuot ko pantulog.

"Siguro hindi ko na gagalawin iyun, kahit magdagdag pa kami ng aparador, hayaan mo na lang siya diyan, magagawan naman ng paraan. Ganun talaga e," patuloy nito.

Inaamin din niyang iniiyakan pa rin niya ang sobrang pagkasabik na makita uli si Rudy, pero pinipigilan daw niya ang sarili niya.

"Sinasabi ko, ’Sayang ang luha.’ Iipunin ko na lang, ipunin ko may bayad pa to," natatawa niyang pahayag.

FOCUS ON SONS. Ang nakikita na lang daw ngayon ni Lorna ay habang buhay na siyang biyuda dahil ang plano daw ng kanyang dalawang anak, magkakasama pa rin sila kahit may asawa na sila’t mga anak.

"Ayaw nila makipaghiwalay, gusto nila kahit may asawa na sila at mga anak, magkakasama kami.

"Kaya dapat compound na ito. Kaya kailangan ko magtrabaho para sa isang compound," bulalas ng aktres.

Kaya kung sino mang may balak na ligawan si Lorna Tolentino, mukhang hanggang paramdam na lang daw talaga.

Bukod sa dalawang anak niyang nakabantay sa kanya, nandiyan pa ang mga best friends ni Rudy na sina Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Bong Revilla at Phillip Salvador na nakabantay daw sa kanya at sobrang seloso.

"Parang iniisip ko, ano ba ’yan? Hindi na ako bata sa age ko ngayon.

"Gusto ko naman — maging proud sa akin ang mga anak ko, sa pagiging ina ko sa kanila."

TIME FOR HERSELF. Bago magbakasyon si Lorna, tatapusin daw muna niya ang commitments niya sa Flawless na isa sa ini-endorse niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama raw sa pagpapahinga niya ay ang ayusin ang kanyang sarili sa tulong ng Flawless at ng Belo Medical Group.

Hindi pa raw niya alam kung tuloy siya sa pelikulang pang-filmfest ng TV 5 at Regal na Yesterday, Today and Tomorrow.

Tinatawagan daw siya ni Mother Lily na may gagawin nga itong pelikulang pang-filmfest pero hindi pa raw sila nagmi-meeting tungkol dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN