JC de Vera proud of Ang Utol Kong Hoodlum: "Dream come true siya, e. Ever since, gusto ko talagang gumawa ng full-length na action show."

JC de Vera talks about how he made his fight scenes different from those done by Robin Padilla in the original Ang Utol Kong Hoodlum.

"Pinasok ko yung sport na ginagawa ko talaga, yung mixed martial arts. So, yun ang mapapanood nila pagdating sa fight scenes. Siguro masasabi ko rin na parang modernized yung fight scenes, kasi mas uso ngayon yung fist-fight at mixed martial arts e," JC says.


Matapos ang pagkakaudlot ng airing ng bagong action-serye ng TV5, Ang Utol Kong Hoodlum, sa wakas ay maipalalabas na ito sa darating na Setyembre.

Dapat sana ay noong Hunyo pa ang airing nito, pero bilang respeto sa orihinal na gumanap nito sa pelikula na si Robin Padilla na kasalukuyang may teleserye sa ABS-CBN, ay pinili ng TV5 management na huwag na itong sabayan at palampasin na lang ang dalawa hanggang tatlong buwan.

Kasama ang ilang piling press, dumalaw ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa last taping day ng Ang Utol Kong Hoodlum sa Binangonan, Rizal noong August 13. Doon nga ay nakapanayam ng PEP ang bida ng action-serye na si JC De Vera.

Ano ang pakiramdam ni JC na sa wakas ay malapit nang maipalabas Ang Utol Kong Hoodlum?

"Honestly, excited ako pero at the same, ano ako, kinakabahan. Kasi parang inaantay siya ng lahat. Matagal na kasi namin itong nasimulan at nakapaglabas na rin kami ng teasers noon," sabi ni JC.

Mas na-pressure ba siya dahil sa pagkakaudlot ng airing nito?

"Meron siyang ups and downs, e. Yun nga inaantay na siya ng mga tao.

"Siyempre ang expectations ng mga tao, ’Ano ba yan ang tagal namang ipalabas?’ Pero positive naman ako na okay ang palabas namin.

"Pero hindi mo rin maiaalis na kabahan din ako kasi first time lang magkakaroon ng TV remake ng pelikula ni Robin Padilla.

"Siguro ang maganda lang na nangyari nung tumagal yung airing, mas naging malaki yung preparations ng lahat. Even yung promotion namin mas na-push pa siya.

"Yung dati kasi, parang we only had a few weeks na lang para dun sa promotion. Eto, mas mahaba na yung time na ibinigay sa amin.

"Pati yung editing mas natutukan. Kaya mahirap para sa akin na hindi kabahan. May pressure talaga."

Sumama ang loob niya noon sa pagkakaudlot ng airing nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman. Bakit naman sasama ang loob ko? Inisip ko na lang na mas okay na rin kasi habang nagsu-shoot kami, mas magiging relaxed at magiging fresh pa yung idea.

"Nung sinabi nga na mauurong yung airing date namin at least hindi namin kailangang mangarag or hindi namin kailangang madaliin lahat."

Ano ang nararamdaman niya ngayon na dumating na ang last taping day nila?

"Sobrang happy lang ako na eto nga last taping day na namin. Parang alam mo yun, fulfilled na, kasi nagawa ko yung gusto ko na mag-aksyon.

"At the same time na-enjoy ko yung ginawa ko. Marami sa mga fight scenes ang hindi ako nagpa-double at ako ang gumawa.

"Siyempre, mami-miss ko yung mga kasama ko sa cast, pati yung mga tao sa production. Sama-sama kami sa hirap at saya. Naging close na rin ako sa mga tao."

PROUD AND GRATEFUL. Malaki nga ang pasasalamat ni JC sa TV5 at siya ang pinagkatiwalaan ng network para sumunod sa yapak ni Robin Padilla.

"Hands down ako sa kanila, bow ako sa TV5 kasi naibibigay nila yung gusto ng bawat artist.

"Meron kang chance to explore and to learn. I’m very grateful lang dahil ang dami kong natututunan sa kanila dahil sa mga shows na ibinibigay nila. They’re giving me the chance to grow.

"Parang experiment din siya dahil hindi lang drama ang ibinibigay sa akin, may hosting jobs din ako, comedy tapos eto nga action. Lahat tina-try nila sa akin kung kaya ko. Ako naman excited akong mag-try ng kahit ano. Kaya, thank you sa TV5."

Sa lahat daw ng nagawang projects ni JC, ang Ang Utol Kong Hoodlum ang pinaka-proud siya.

"Kahit hindi ko pa nasisimulan yung show, very proud na rin and grateful na nakakuha ako ng ganitong project kasi dream come true siya, e. Ever since, gusto ko talagang gumawa ng full-length na action show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos mahilig pa akong manood ng local movies na action. Halos lahat ng palabas ni Mr. Robin Padilla ay napanood ko. Nasubaybayan ko kahit sa TV na naipalabas."

Kasama nga raw sa mga napanood niya ang part one and two ng pelikulang Ang Utol Kong Hoodlum.

"Pinanood ko talaga siya. Actually, napanood ko na siya noong high school pa lang ako. Pero medyo nakalimutan ko na. Hanggang sa maalala ko nga na yun pala yung show na gagawin ko. Pero alam ko na siya dati pa."

CHANGES AND REVISIONS. May mga binago ba sila compared sa movie version nito?

"Yung part one and part two ng movie pinagsama. Ang sabi kasi sa akin, pag yung part one lang ang ginawa namin, masyadong maigsi.

"Kaya ang ginawa nila pinagsama nila yung part one and part two. Nagkaroon lang ng mga things na dinagdag para mapahaba yung story at maging TV series siya. May mga bagong characters ding nadagdag para mas maraming twists yung story.

"May ginawa ring konting revisions. Pero pag napanood n’yo yung original, mako-connect n’yo talaga yung bersyon sa TV.

"Nag-taping kami sa Baguio, the same festival sa movie ni Mr. Robin, yung Panagbenga festival. Nadagdag lang siguro yung mga eksena namin sa Australia."

Maging ang karakter niya raw na Ben Maningding ay nagkaroon din ng konting revision. Kung si Robin daw kasi ay mas madalas na gumamit ng baril sa pelikula, si JC naman ay mas nakatutok sa fist-fighting.

Intentional ba na gawing iba ang action scenes ng TV remake?

"Inisip ko kasi kahit sa konting paraan, maiba ko yung ibang action scenes. Gusto ko kasi magkaroon ako ng sarili kong identity pagdating dun sa action.

"So, ang ginawa ko, pinasok ko yung sport na ginagawa ko talaga, yung mixed martial arts. So, yun ang mapapanood nila pagdating sa fight scenes. Siguro masasabi ko rin na parang modernized yung fight scenes, kasi mas uso ngayon yung fist-fight at mixed martial arts, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang pinakabonggang fight scene na ginawa niya sa show?

"Marami, e. Basta pag napanood n’yo siya medyo maninibago kayo kasi bago lahat yung makikita n’yo. Hindi siya yung usual na suntukan.

"Tapos may mga blastings din. Marami yung habulan, car chase, ganun, hinahabol kami palagi ng mga goons. Pero minimal lang yung paggamit ko ng baril. Choice din kasi ng mga direktor at saka ako na rin.

"At saka pinasukan din namin ng ibang routines na ginawa dati ng mga action stars like sina FPJ [Fernando Poe Jr.], Lito Lapid. Yung signature moves nila pinasok talaga namin kasi nag-usap-usap kami na gagawa kami ng action on TV na more on fist-fighting talaga.

"Sabi namin, pasukan natin ng mga routines ng mga sikat na action stars para at least ma-cater din natin yung ibang tao na fans din ng mga dating action movies."

MEETING ROBIN. Natutuwa ring ibinalita ni JC na na-meet na niya si Robin. Nagkita raw sila by chance sa isang restaurant sa Tomas Morato, Quezon City. Feeling niya raw ay ibinigay ni Robin ang blessing nito sa kanya.

"One time, nagkita kami sa isang restaurant. Hindi ko alam na nandun siya. Sinabi lang sa akin ng mga tao na nandun si Robin sa second floor.

"Tapos inakyat ko at nakita ko yung manager niya, si Ate Betchay. Sabi ko gusto ko sanang magpa-picture. Yun lang papa-picture lang ako tapos okay na ako. That time kasama ko si Danita [Paner, girlfriend ni JC].

"Nung unang bungad sa akin ni Sir Robin, ’O, ikaw pala yung Ben.’ Ginanun niya ako. At least kahit papaano na-recognize na niya ako bilang bagong gaganap na Ben."

Hindi raw sila masyadong nakapag-usap dahil papaalis na rin si Robin nang magkita sila.

"Hindi na kami nakapag-usap nang matagal. At saka na-starstruck na rin ako sa kanya e. Nasabi ko lang sa kanya na pinapanood ko ang mga pelikula niya. Sabi ko, ’Isa po akong fan.’ Tapos yun, nag-picture na kami. And then umalis na siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong siya na ang bagong Ben, may effort din ba on his part na magkaroon ng bad boy image katulad ni Robin?

"Yung bad boy image siguro ibigay na natin kay Mr. Robin Padilla ’yan. Sa kanya na yun, e."

Hindi ba siya natatakot na maikumpara kay Robin?

"Takot na takot ako. Actually, sa lahat ng magiging comments nila at comparisons, kasi siyempre hindi naman ako talaga action star. Kaso dito, nag-try ako talaga.

"Ang isa pang ikinakatakot ko kasi pag action star, parang ang tingin ng tao astig, siga, at malakas ang dating. Natatakot lang ako na baka sabihin ng mga tao na pinipilit ko lang magmukhang astig or pinipilit kong magsiga-sigaan.

"At saka hindi naman natin maide-deny na big star si Mr. Robin Padilla, so mahirap para sa kahit na sinong artista na maikumpara sa kanya.

"Pero ginawa ko naman ang best ko dito sa show. Binuhos ko yung buong puso ko dito. Tapos tinulungan din ako ng mga tao sa production at ng ibang cast."

Gaganap bilang leading lady ni JC sa Ang Utol Kong Hoodlum si Jasmine Curtis-Smith.

Kasama rin sa cast sina Jay Manalo, Ara Mina, Arci Munoz, Rainier Castillo, Empoy, Carlo Aquino, IC Mendoza, Regine Tolentino, Bella Flores, Flora Gasser, Dennis Padilla, Bau Bollinger, Noel Trinidad, at Anton Bernardo.

Tatlong direktor naman ang nagtulung-tulong sa pagdidirek ng show: sina Soxie Topacio, Topel Lee, at Argel Joseph.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN