Paris Hilton loses two iPhones before landing in Manila

Kasabay ng excitement ng Hollywood star at hotel heiress na si Paris Hilton ay ang lungkot nito matapos mawala ang dalawang iPhones niya, bago lumapag ang sinasakyan niyang eroplano dito sa Maynila.


Ilang araw rin pinanabikan ng kanyang fans ang pagdating sa bansa ng Hollywood star at hotel heiress na si Paris Hilton.

Kagabi, bandang 11:20, lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang flight ER 334, na sinasakyan ni Paris.

Sa Twitter account ng Hollywood star, ipinarating nito ang kanyang pagkatuwa sa dami ng taong naghintay sa airport para abangan ang kanyang pagdating.

Aniya, "Mabuhay Philippines! I just arrived, thousands of fans waiting at the airport when I walked in. I feel so welcomed here! Mahal ko kayo! :)"

LOST PHONE. Gayunman, ang saya ni Paris ay naunahan ng lungkot, matapos mawala ang dalawa nitong cell phones.

Ayon sa article ng ABS-CBN News kanina, August 15, sinabi nitong nawala daw ang naturang mga cell phone bago lumapag ang kanyang eroplano dito sa Manila.

Kaagad naman hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pahayag ang NAIA airport tungkol sa insidenteng ito.

Paglilinaw ng Media Relations ng NAIA, base daw sa report na ipinasa sa kanila, dalawang iPhones ang nawala sa Hollywood actress.

Gayunman, hindi daw nila sagot ang pagkawala nito, dahil hindi rin matiyak ng aktres kung sa airport ba sa Dubai niya ito nawala, o sa sinasakyan nitong eroplano.

PNOY COURTESY CALL. Limang araw raw mamamalagi si Paris dito sa ating bansa.

Sa limang araw raw na iyon, may kumakalat na balitang magke-courtesy call daw si Paris kay Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III.

Kaya naman sa panayam ng DZRB kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nilinaw niya ang naturang issue.

Dito’y itinanggi niya ang kumakalat na balitang ito.

"Sa amin pong pagkakaalam, wala po. Wala pong naibibigay na advice sa amin," pagtanggi ng spokesperson ng Pangulo.

"However, we are coordinating with the President’s private office kung sakali pong mayroon talagang courtesy call."

Narito si Paris sa Pilipinas para sa pagbubukas ng kanyang luxury store sa SM Megamall, at para tumulong sa paggawa ng disenyo para sa isang real estate property sa Parañaque.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN