Daiana Menezes reveals engagement to Direk GB Sampedro; plans to wed in an elevator

"Yes, you know why? Because we met in the elevator. Because we live in the same building. So I told him, ’Let’s just get married inside the elevator na lang,’" says Daiana Menezes.


Daiana Menezes was going to and fro at the backstage of Music Museum before the first night of Erik Santos’s PowER IKons concert started last Saturday, August 13.

Ang boyfriend niyang si GB Sampedro kasi ang direktor ng show.

Once in a while, lumalabas din si Direk GB to check on Daiana who was seated with the director’s kin.

After the show, finally ay nagkaroon ng chance ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) para kausapin ang Brazilian co-host ng Eat Bulaga!. We assumed that Daiana was there because of Direk GB.

"This is the first time I see a concert of Erik. Siyempre I only watch him sa ASAP [Rocks].

"Magaling din talaga siya kumanta and of course he’s the best friend of [Direk GB]," panimula ni Daiana.

Kaya siya nando’n?

"Not naman that’s why I’m here. I’m friend na rin naman with him [Erik]. Siyempre I also want to congratulate him and be here for him.

"First time to watch him and I’m really, really impressed. He did a great job.

"So, great job Erik," sabi pa niya uli na impressive both sa salitang English at pagta-Tagalog.

THE RING. During that time na kausap namin si Daiana, Direk GB was a few steps behind na may mga kausap din.

Mukha kasing in love na in love sila sa isa’t isa kaya may plano na ba sila to get married?

Tumawa lang si Daiana groping for what to say until mapansin namin ang singsing sa kanyang daliri.

"Puwede bang magtago ’yan?" referring to the ring.

"Sana hindi ako nag-ring!" tawa pa rin siya nang tawa.

"So you’re engaged already?" tanong namin.

"Puwede bang secret muna?" tawa niya ulit na obviously ay iba ang kasiyahan.

Maitatago pa ba yung singsing samantalang nakita na ng press?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sinong nakakita? Baka naman ito [singsing] from debut," natatawang palusot niya.

"No, I’m just kidding," bawi niya.

We wanted to take a closer look sa singsing na medyo tinatagu-tago niya, pero natutuwa rin naman siyang nakikita rin namin.

"No, huwag muna. Mamamanhikan pa siya [Direk GB] sa Brazil on December. So, tingnan natin kung papayagan ng tatay ko.

"Kasi, very conservative kasi yung tatay ko, e. Ayaw niya ng... alam mo yun, basta-basta may boyfriend ka at magpakasal ka sa ibang bansa.

"Para sa kanya, hindi gano’n. Dapat mamanhikan. Magpaalam.

"So, anong ring talaga ’yan? Ang laki-laki ng bato?" tanong uli namin for confirmation.

"Tanungin n’yo kay Direk kung ano. Ano ka ba? Ano ba kayo talaga?" hindi mapigil sa katatawang sabi ng Brazilian model-TV personality.

WEDDING PLAN. Pero in case magpakasal sila, saan nila plano? Dito sa Philippines o sa Brazil?

"I hope, if ever I will get married to GB, siyempre, both," sagot niya.

"I want to have a wedding in Brazil and sana dito also because I want to become a Filipino also.

"And I guess both the families should [have the] privilege [to share in] our happiness."

Gaano na ba katagal ang relationship nila ni Direk GB?

"Siguro, less than a year. Let’s say it that way," medyo nahihiya niyang sagot.

Whirlwind romance kasi may engagement na agad?

"Di ba? Parang ang bilis. Ang bilis magpamahal," na ang ibig niyang sabihin ay madali niyang minahal si Direk GB.

What made her say "yes"?

"Siyempre love ko siya," walang gatol na sagot niya.

How will their wedding be like?

"I want something very simple.

"Actually, I always say to him na parang, if ever we will get married, ’Let’s do it in the elevator.’"

Elevator?

"Yes, you know why? Because we met in the elevator. Because we live in the same building.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So I told him, ’Let’s just get married inside the elevator na lang.’

"Yes, I’m serious," pangungumbinsi niya sa amin. "That’s the civil wedding.

"And if we want to have a party, so why not sa beach, so people can also enjoy with us."

"E, di sa elevator na rin ang party!" biro namin.

"Not party in the elevator. ’Wag na lang. Kasi kawawa naman yung ibang tao na [a-attend]!" natatawa niyang pag-explain.

Paano nag-propose si Direk GB sa kanya?

"Tanungin n’yo sa kanya, ’wag muna sa akin.

"Mas maganda siya [magkwento]. ’Wag muna ako," sabi niya.

MARRIED MEN. Change topic kami bigla to get Daiana’s statement sa pagkaka-link ng pangalan niya kay Ryan Agoncillo, who we all know is already married to Judy Ann Santos.

Natanong kasi ang isyung ito sa isang presscon ni Juday linking Daiana to Ryan. (CLICK HERE to read related story.)

"Well, ako naman, napaka-offensive ng mga tweet na na-receive ako.

"It’s really below-the-belt," biglang lungkot siyang nagpaliwanag.

"Kasi, parang sa Eat Bulaga! talaga, we’re all a family. And do’n lang kami nagkasama [ni Ryan] and also in Talentadong Pinoy which is his own show.

"And some people you know, they confuse [misunderstand] us. That, parang the family status [closeness] of ours that [is] something that could become an affair, or something.

"And there’s nothing between us. So I just honestly don’t know [how it started].

"So, it’s not just Ryan Agoncillo [that I get linked to]. There’s also Vic Sotto.

"Iba-iba. Bakit naman pag may asawa [ang] isang tao naili-link sila sa akin? Hindi ko alam kung bakit.

"Siguro dahil before, wala akong boyfriend. Pero now, they can be assured na wala talaga.

"Kaya guys tumigil na kayo na wala talaga. Wala kami ni Ryan Agoncillo," pakiusap niya sa mga naninira sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE PROPOSAL. At this point, palapit naman si Direk GB para sunduin na si Daiana. Bigla nagliwanang ulit ang mukha ng Brazilian beauty nang makita ang kanyang fiancé na palapit.

"Dad, dito ka. Dito ka, Dad. Nakita nila yung ring.

"Paki-explain mo kung bakit may ring daw," parang batang lambing niya kay Direk GB.

Ano nga ba ang ibig sabihin ng diamond rin sa daliri ni Daiana?

"Yun na yun," maigsing sagot ni Direk GB na ang ibig sabihin ay engaged na nga sila.

Paano siya nag-propose?

"Simple lang. Sa elevator sa Hong Kong," seryosong sagot ng direktor.

Singit naman ni Daiana, "Sabi ko sa inyo, e. Sa elevator lahat nangyari, e.

"Sabi nila, ’Paano yung wedding?’ Sabi ko sa elevator. ’Ano, seryoso ka ba?’’

So, kailan ang kasal?

"Tingnan natin kung tatanggapin ako sa Brazil," ayon kay Direk GB.

"Oo, kasi yung tatay ko, medyo conservative," sabat naman ni Daiana.

Direk GB: "First time naming magmi-meet in person [ng daddy ni Diana]."

Daiana: "And they don’t speak the same language, so tingnan natin kung ano mangyayari."

Biro naman ni Direk GB, "Magdadala ako interpreter! Nagkakilala na kami sa Skype."

Kuwento naman ni Daiana, "Tinatago namin ang mga tattoos niya kasi very conservative ang tatay ko.

"Tapos yung tatay ko naman, nakita niya yung tattoo namin. Na parehong tattoo na mero’n yung pangalan [family name nila] ng daddy ko."

Dugtong naman ni Direk GB, "Ang ipinakita ko sa kanya, sa daddy niya, yung Menezes [na tattoo sa kaliwang kamay].

"Yung Menezes. Tapos tuwang-tuwa yung tatay ko, ’Wow, pina-tattoo niya yung pangalan ko.’"

Date ng kasal?

"Pagka naayos lahat ’yan, next year," pag-assure sa amin ni Direk.

"Tingnan natin kung kailan available ang elevator namin sa condo!" kinikilig na sabi naman ni Daiana na di maitago ang kasiyahan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN