Ai-Ai delas Alas understands Boy Abunda’s decision to leave Backroom

"Alam ninyo naman na mahal ko si Boy, di ba? Saka na mahal din ako nun. Nalulungkot ako kasi siyempre family ko yun, e. Kaya nga ’ama,’ di ba? Pero may mga bagay na minsan isasakripisyo natin for our family, e. Sobra ko naman siyang naiintindihan," says Ai-Ai delas Alas about Boy Abunda’s decision to leave Backroom.


Iniwan na ni Boy Abunda ang pangangalaga sa Backroom, Inc., ang talent management na itinayo niya.

Hindi na kasi niya ito mabibigyan ng atensyon dahil sa dami ng kanyang trabaho, bukod pa sa gusto rin niyang lagi nang nakakasama ang kanyang ina na kasalukuyang maysakit. (CLICK HERE to read related story.)

Isa si Ai-Ai delas Alas sa maraming talents ng Backroom, Inc.

Kuwento ni Ai-Ai sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), una siyang kinausap ng King of Talk para sabihin ang naging desisyon niya.

"Nagkausap kami ni Boy, ako muna... Siyempre I’m the favorite kaya ako yung kinausap niya na magpapahinga muna siya.

"Yung mama niya... maraming dahilan, basta siya ang gusto niya, magkaroon din ako ng...

"Gusto niya mag-self-manage ako at maging manager din ako later on.

"Gusto niya yun, paplanuhin namin yun."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai noong Sabado, August 13, sa Zirkoh Tomas Morato.

Patuloy pa ng comedienne, "Pero lahat ng gig, account ko. Lahat ng commercials ko, sa Backroom pa rin.

"Pero puwede rin akong mag-self-booking. Puwede rin silang mag-book sa akin.

"Pero yung mga malalaki kong account, sa Backroom pa rin."

Nagkaiyakan ba sila ni Boy nang mag-usap sila?

"Naiyak ako sa kanya kasi nararamdaman ko yung napi-feel niya," sabi ni Ai-Ai.

"And alam ninyo naman na mahal ko si Boy, di ba? Saka na mahal din ako nun.

"Nalulungkot ako kasi siyempre family ko yun, e. Kaya nga ’ama,’ di ba?

"Pero may mga bagay na minsan isasakripisyo natin for our family, e. Sobra ko naman siyang naiintindihan."

Later on, kukuha rin ba siya ng magiging bagong manager niya?

"Siguro self-manage muna ako," sagot ni Ai-Ai.

"Tapos kukuha rin ako ng ibang artista na ima-manage ko.

"Siyempre, sila naman ang ang pagkakakitaan ko!"

MOVIE WITH BOSSING VIC. Ilang beses nang nasulat ang pagsasama sa pelikula nina Vic Sotto at Ai-Ai para sa Metro Manila Film Festival this year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano na ba ang balita sa pelikula nila ni Bossing?

"Actually, yung totoo, hindi ko pa talaga alam. Kasi magmi-meeting pa lang kami sa Tuesday," sabi niya.

Aware ba si Ai-Ai sa sentimiyento ni Direk Wenn Deramas sa Star Cinema dahil yung concept daw niya sa Tanging Ina ang siyang gagamiting concept sa pelikula nila ni Vic?

Ang title kasi ng movie ay Enteng Ng Ina Mo. Tapos hindi naman daw si Wenn ang kinuhang direktor kundi si Tony Y. Reyes. (CLICK HERE to read related story.)

Ayon kay Ai-Ai, "Sabi nga nila minsan sa isang pamilya, may tampuhan.

"And at this point, sa pamilyang tampuhan, ako ay isang bunso lamang. Isa akong baby girl.

"Kaya ang masasabi ko lang ay ’No comment’. Ang mga bunso ay hindi nakikialam sa mga masyosyonders [matatanda]!" tawa pa niya.

Kung sa pagmi-meeting nila ng Star Cinema ay hindi pa rin si Wenn ang kukuning direktor nila ni Vic, ipaglalaban ba niya na ito na lang ang maging direktor?

"I think alam na ng Star Cinema yun kung ano [kanilang gagawin].

"Alam n’yo naman ako, sundalo lang ako ng Star Cinema," sabi ni Ai-Ai.

Kailan sila huling nagkausap ni Direk Wenn?

"Matagal na. Siguro two months ago," sagot niya.

Pero okey lang ba sa kanya na si Tony Y. Reyes ang maging director nila?

"In case na si Tony Reyes, reunion movie namin ito. Kasi siya ang director ng first movie ko, yung Romeo Loves Juliet," sabi ni Ai-Ai na ang tinutukoy ay ang pelikulang pinagbidahan nina Aiko Melendez, Keempee de Leon, at Rene Requestas.

Ano ang role niya sa pelikulang yun?

"Dyusko, e, di nanay ako ni Aiko, ’no! Hello! Kakaloka nga.

"Kaya, di ba, nakakatuwa kasi mayroon kaming koneksyon?" tawa niya.

Dalawang beses na raw naging director ni Ai-Ai si Tony.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung isang movie na ginawa ko sa kanya, that time ay buntis ako kay Sancho.

"Yun yung pelikuka na si Joey de Leon ang bida at si Rene Requiestas ulit.

"May isang eksena ako doon na pinapatakbo ako. Sabi niya [Direk Tony], ’O, tatakbo ka rito!"

"Sabi ko ’Direk, huwag kang maingay, buntis ako.’

"Tapos nagmura siya. Kasi daw, direk ako nang direk, ayaw kong sabihin. Pero tawa naman siya nang tawa.

"Tapos sinumbong niya kay Joey!" natatawang kuwento ni Ai-Ai.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN