Georgina Wilson receives negative comments for bashing Paris Hilton’s rumored courtesy call to PNoy

"I dnt mean to offend anyone or be negative I jst think that Paris Hilton isnt important enough for a president to meet up with," defends Georgina Wilson (in photo) about her previous negative Twitter post about Paris Hilton’s (left) rumored meeting with PNoy (not in photo).


Kasabay ng malugod na pagtanggap ng ilang mga Pilipino sa pagdating ng Hollywood star na si Paris Hilton, isa namang mainit na pagbatikos sa Twitter ang ipinost ng local celebrity-model na si Georgina Wilson.

Ilang oras bago dumating si Paris sa bansa, may mga usap-usapan na magkakaroon daw siya ng courtesy call kay Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III.

Ito ang naging dahilan kung bakit nakapag-post ng negatibong komento si Georgina tungkol sa pangulo kagabi, August 14.

Sa kanyang personal Twitter account ay ito ang ipinahayag ni Georgina: "why is PNOY taking time out of his "busy" schedule to meet with Paris Hilton tomorrow. So shameful that he doesn’t have better things to do."

Umani agad ito ng mga negatibong reaksyon mula sa iba pang Pinoy Twitter users.

"Don’t be such a hater, Georgina Wilson! Paris Hilton is waaaaaay better than youuuu," tweet ng isang user na nagngangalang Charlene Dacara.

Sinabi naman ng Twitter user na si Madox Llaguno, "The only reason why Georgina Wilson has strong opinions re Paris is because she doesn’t have the opportunity to meet her."

Samantala, isang PEPster naman na may username na "jjjjjjjjjj" ang nagpahayag na, "dapat magpatingin si georgina wilson sa doctor apectado sya masyado ng pag dadting ni paris hilton sa bansa.,,ang laki ng problema ng georgina na yan."

Sa kabila ng mga batikos na ito, tila hindi naman nagpatinag ang TV host-VJ.

Sa halip, ipinaliwanag pa niya ilang oras ang makalipas na, "I dnt mean to offend anyone or be negative I jst think that Paris Hilton isnt important enough for a president to meet up with.night guys :)"

At kaninang umaga, positibo pa rin ang naging Twitter message ni Georgina: "morning everyone! :) glad my tweet yesterday evoked such strong feelings, both positive and negative. means we have opinions and we care :)"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, nilinaw na sa isang radio interview kanina ni Deputy Presidential Spokeperson Abigail Valte na hindi totoo ang kumalat na balitang magku-courtesy call si Paris kay PNoy.

"Sa amin pong pagkakaalam, wala po. Wala pong naibibigay na advice sa amin.

"However, we are coordinating with the President’s private office kung sakali pong mayroon talagang courtesy call," sabi ni Valte sa dzRB.

Mananatili si Paris sa Pilipinas sa loob ng limang araw.

Kasama sa agenda ng kanyang pagbisita ay ang pakikipag-ugnayan sa isang local real estate company sa pagdidisenyo ng isang bahagi ng property na dine-develop nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN