Prince Stefan considers taking legal action against blogger who accuses him of marrying another man and using illegal drugs

"Hindi naman puwedeng wala ka lang gagawin, e, di ba? Sinisira yung name mo, sinisira yung pagkatao mo, naapektuhan yung self-esteem mo, yung confidence mo," says Prince Stefan.


Muling umalma ang young actor na si Prince Stefan sa balitang ikakasal na siya diumano sa rumored gay lover niya sa New York.

Ayon sa isang blog article na pinamagatang "Ang Pagbagsak Ni Prince Stefan," nakatakda na raw lumipad patungong New York ang StarStruck alumnus para legal na magpakasal sa kapwa lalaki.

Matatandaang nauna nang pinabulaanan ito ni Prince sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na lumabas noong August 2. (CLICK HERE to read related story.)

Sa taped interview naman sa kanya ng Showbiz Central na lumabas kahapon, August 14, sabi ni Prince, "Nakakatawa naman yun, ano ba yun? Masyadong ano... masyado siyang exaggerated, masyadong obvious na imbento.

"Twenty-two lang ako, magpapakasal ako, sa lalaki pa?!"

May hinala si Prince na kaibigan niya ang may pakana ng blog na ito.

"Kung babasahin mo kasi yung buong blog, halata kasing kaibigan ko yun, or part ng circle of friends ang gumawa.

"Kasi masyado siyang detalye, masyado siyang updated sa mga ginagawa ko," sabi niya.

Ayon din sa blog, namataan pa raw ang young actor sa isang club na gumagamit ng bawal na gamot.

Depensa naman ni Prince, "Siguro nakainom lang ako, at puwede naman sigurong uminom, di ba?

"Umiinom ako at yun nalalasing, pero hindi naman ako yung lasing na lasing or yung sobrang wasted sa club.

"Alam ko naman yung ginagawa ko.

"Lagi akong nasa gym so I feel healthy, kasi I eat a lot of healthy foods, ’yon.

"So, impossible yung sinasabi nilang addict ako or gumagamit ako ng drugs."

Sa ngayon ay tinanggal na ang nasabing blog entry ngunit patuloy pa ring nararamdaman ni Prince ang negatibong epekto nito.

"Ayaw lang siguro nila akong makitang masaya, or masaya sila na may nakikita silang sinisira nila.

"Hindi ko naman sila mapipigilan, e, gusto nila yun, opinyon nila yun for me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung iyon ang nakikita nilang ginagawa ko at pagkatao ko, siguro hindi na ako yung may problema, sila na ang may problema."

FRIENDSHIP. Dahil daw sa isyung ito, apektado na raw ang samahan ni Prince at ng mga kaibigang nabanggit din sa blog.

"Siyempre mapi-feel mo naman yun, e, as a friend, di ba? Na siyempre pag tine-text mo, hindi muna mag-aano.

"Yung friendship, naapektuhan, e.

"Kasi dito sa Maynila, wala akong pamilya.

"Kaya minsan din ang nangyayari, dahil sa sobrang pagsasabi ko sa mga kaibigan ng mga problema ko, kasi wala akong mapagsabihan, hindi ko na naisip na kailangan pala mamili ng tao na dapat na pagkatiwalaan.

"Naapektuhan yung work ko. Tapos ’yon, pati yung family ko, first, kasi siyempre nababasa nila yun, e."

SLOWLY BUT SURELY. Sa ngayon, pinag-aaralan na rin ng kampo ni Prince ang susunod nilang hakbang.

"Hindi naman puwedeng wala ka lang gagawin, e, di ba?" sabi niya.

"Sinisira yung name mo, sinisira yung pagkatao mo, naapektuhan yung self-esteem mo, yung confidence mo.

"Meron akong uncle, dalawa, lawyer. Nandito sila ngayon sa Manila to help us.

"Ayun, certain steps, ginagawa naming dahan-dahan kasi hindi ka naman puwedeng mag-akusa nang diretso pag hindi pa sigurado.

"So, ’yon. Slowly but surely," sabi ni Prince.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN