Rufa Mae Quinto still in shock, but trying to be strong after her Lola Lucing’s death

"Bago talaga siya mamatay, kinailangang marinig niya itong word na ito, dun lang siya napahinga na... Ang sabi ko, ang promise ko, ’Huwag kang mag-alala, okay na ako, kaya ko na ang sarili ko. Hindi ko pababayaan lahat ng mga kapatid ko, ang pamilya ko,’" says Rufa Mae Quinto about her Lola Lucing.


Inihayag ni Rufa Mae Quinto ang kanyang saloobin kaugnay ng pagkamatay ng kanyang Lola Lucing sa panayam sa kanya ng co-host niya sa Showbiz Central na si Raymond Gutierrez.

Ipinalabas ang naturang taped interview kay Rufa Mae kahapon, August 14.

Namatay si Lola Lucing—o Luisa Vergara Peña—noong August 8, Lunes, sa edad na 86, dahil sa sakit na Stage 4 colon cancer.

Ayon kay Rufa Mae, "Actualy, she’s not just my grandma, hindi lang lola, siya din mommy ko, siya din ang best friend ko, barkada... lahat, mentor, everything."

Sa kanyang Lola Lucing daw lumaki si Rufa Mae.

"Yung tipong baby pa lang ako, pag nagising ako, mga three years old ako, pag gumising ako nang wala siya sa tabi ko, iiyak ako buong magdamag. Hindi na ako makakatulog.

"So, ganun yung relationship namin."

Kumusta siya as a granddaughter; away-bati ba sila ng lola niya?

"Never kaming nag-away," sabi ni Rufa Mae.

"Siguro minsan pag sa lovelife, siguro nangyari lang yun isang beses lang, ganun. Hindi kami... wala kaming problema.

"Anything, kahit umiyak ka, kahit anong gawin mo, maiintindihan niya, mag-a-advise siya, maiintindihan ko.

"Pero wala, never... naging mabuti akong apo hanggang sa huli.

"Yung tipong siya yung hanggang huling hininga niya, I was there sa buong time.

"Hindi lang yung happy days niya, hanggang sa magwakas na nga."

Nabanggit niya ang lovelife; kailangan ba ay aprubado kay Lola Lucing ang suitors niya?

"A, suitors ko? Oo," sagot ng sexy comedienne.

"Kailangan, kasi kung hindi, hindi rin masaya, e.

"Ayoko rin ng ganun, yung hindi niya gusto tapos hindi rin siya gusto, ayoko ng ganun. Gusto ko lahat okay.

"Kasi lagi niyang sinasabi, malas yung may buwisit kaya hindi kami nagkokontra-kontrahan.

"Pero pag alam kong ayaw niya, ayoko na din kasi sasama ang loob niya.

"Or, if gusto ko, sasabihin ko na pagbigyan niya muna ako. Gagawin ko ito, pero ganito muna, ito yung nararamdaman ko, parang ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung we can live together every single day, twenty-four hours nang relaxed lang kami," saad niya.

There was a point in Rufa Mae’s life na ginusto na sana niyang magpakasal. Ito ba ay sinang-ayunan ng lola niya?

"Oo, sang-ayon siya!" sambit niya.

"Actually, lahat ng birthday ko, di ba, siya rin ang guest... May VTR, lahat ng interviews niya, ’Mag-asawa ka na.’

"Gusto na niya akong mag-asawa dahil... siguro gusto niyang makita bago siya mawala.

"Pero iniisip ko naman, kung meron naman akong asawa, may anak, paano ko rin siya maaalagaan?

"Yun pala din yung dahilan kung bakit hindi ako naka-focus din sa lovelife. Kasi bukod sa career, nandidiyan siya.

"E, siyempre ako yung apo, di ba? Parang nung lumaki ako, kami, di ba?

"Parang ako yung lagi niyang kasama, so ending siyempre, matanda na siya. So, ako na yung tagabitbit ng mga gamit niya.

"Ako na naging yaya niya, Nympha [Rufa Mae’s yaya character in Temptation Island]...

"Nympha niya sa buhay niya!" ang natatawang kuwento pa ni Rufa Mae.

Dagdag niya, "So, na-realize ko din na isa din yun sa dahilan kaya ngayon, parang at least alam ko happy na ako dahil nabigay ko na lahat sa kanya, nagkaroon kami ng bonding."

Paano pinatatatag ni Rufa Mae ang kanyang sarili sa pagkawala ng mahal niyang lola?

"Well, number one, siguro naubos na din yung tears. Unti-unti rin, e, hindi yung... mahirap din siguro yung sudden death, e.

"Ito, talagang unti-unti mo ring... masakit, masakit.

"Masakit, pero unti-unti ding nauubos yun, na natatanggal.

"Ngayon siguro shocked pa din ako dahil hindi ka din natutulog dahil siyempre binabantayan mo, naglalamay kayo.

"Siya pa rin kung bakit ako strong, kasi lagi niyang sinasabi, ’Huwag ka ngang umiyak, yung puso mo, o yung wrinkles mo!’ Yung mga ganun.

"So every time na iiyak ako, sasabihin ko, okay lang at least reminisce lang ng happy thoughts, or touch lang yung puso ko dahil nami-miss ko siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maaalala ko yung magagandang ginawa niya, itinuro niya sa akin, yung values niya.

"Pero tinatanggap ko, e, nang maluwag sa dibdib ko. Kasi kung hindi, baka siya din ang hanggang ngayon magsa-suffer pa ba siya, di ba?"

Ano ang huli niyang promise sa kanyang lola?

"Bago talaga siya mamatay, kinailangang marinig niya itong word na ito, dun lang siya napahinga na...

"Ang sabi ko, ang promise ko, ’Huwag kang mag-alala, okay na ako, kaya ko na ang sarili ko. Hindi ko pababayaan lahat ng mga kapatid ko, ang pamilya ko.’"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN