Angel Locsin reunites with John Lloyd Cruz in a movie; admits Phil Younghusband followed her to Paris

"Nahihirapan na akong humarap sa inyo kasi parang pare-pareho ang sinasabi ko. Pag sinabi naming hindi, hindi kayo maniniwala. Basta ako, tahimik lang ako. Gusto ko munang i-make sure, kilalanin pa siya. Basta masaya kami," says Angel Locsin about the status of her relationship with football player Phil Younghusband.


Pagkatapos ng unang pagsasama nila sa primetime series na Imortal, muling magtatambal sina John Lloyd Cruz at Angel Locsin sa isang pelikula na ipoprodyus ng Star Cinema.

Sa storycon ng nasabing pelikula sa Star Cinema office noong Huwebes, August 11, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angel na excited na sa muling pagtatambal nila ni John Lloyd.

"Ako, excited akong talaga. Si Lloydie, gaya ng sinasabi ko dati, siya talaga sa tingin ko ang pinakamagaling na aktor sa batch namin.

"Ako, excited talaga ako, iba kasi ang discipline pag pelikula, e.

"Saka sinasabi ko nga kay Lloydie, sana magakroon kami ng pelikula na hindi naman kami nagsusuntukan, hindi naman kami nagkakagatan na parang sa Imortal, di ba?

"So, eto, iba naman ito, tapos si Direk Cathy [Garcia-Molina] pa ang director.

"So, exciting, di ba?" saad ng aktres.

WEIGHT ISSUE. Isa sa ipinupukol na issue kay Angel ang pagdagdag niya ng timbang. Pero marami ang nagulat na malaki na ang ipinayat nito at bumagay sa kanya ang bagong style ng buhok.

"Excited kasi talaga ako na magtrabaho na," sambit niya.

"Siyempre para hindi nakakahiya kapag pinanood ka sa sinehan.

"Para naman matuwa kahit papaano yung mga tao at hindi ka babatuhin."

NEWS FROM PARIS. Kagagaling lang ni Angel sa Paris para sa series of shows at para magbakasyon na rin.

Habang nasa Paris ay naalarma ang lahat sa balita na lumubog daw ang sinasakyang barko ng aktres.

"Hindi ko alam, basta may mga tumawag sa akin at nag-aalala sila kasi may site yata na sinasabi na nangyari na...

"Tapos lumubog at hinahanap ako ng guard at walang makita na anumang remnant.

"Nalungkot lang ako kasi may effort yung gumawa ng website na yun. Hindi rin kasi ako nag-active sa Twitter that time.

"Sila yung tumawag sa akin, sinigurado nila sa akin kung hindi ako nawawala o walang nangyari sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Angel, "First time ko sa Paris, first time ko mag-show dun.

"Nakakatuwa ang mga tao dun, akala ko hindi sila manonood kasi lumabas na yung DVD ng In The Name of Love, pero ang dami pa ring nanood."

PHIL IN PARIS. Gaano katotoo na kasama niya ang rumored boyfriend na si Phil Younghusband sa nasabing tour sa Paris?

"Sumunod siya sa amin," pag-amin naman ni Angel.

"Nakapunta na siya nun sa Paris, pero hindi siya nakaikot kasi pumunta siya noon dahil may match sila.

"Nagbakasyon kami dun kasi hindi namin nagagawa dito yun."

Sa pagsunod ni Phil sa Paris, nagpapahiwatig na ito na seryoso na talaga ang relasyon nilang dalawa ni Angel.

Pero ano na nga ba talaga ang estado ng relasyon nila?

"Nahihirapan na akong humarap sa inyo kasi parang pare-pareho ang sinasabi ko," pauna ni Angel.

"Pag sinabi naming hindi, hindi kayo maniniwala. Basta ako, tahimik lang ako.

"Gusto ko munang i-make sure, kilalanin pa siya. Basta masaya kami.

"Sa totoo lang, as much as possible, ayoko talagang napag-uusapan ang pesonal kong buhay.

"Pero artista ako, ang hirap lang ngayon, ang bawat gawin, alam ng bawat isa. Pero okay naman."

Sa mga isyu sa kanila ni Phil, aminado si Angel na madalas siya ang nagwo-worry kaysa sa football player.

Pinagtatakhan nga raw ni Phil kung bakit sila paboritong pag-usapan ng aktres.

Ani Angel, "Clueless kasi siya kung bakit may issue. Hindi niya maintindihan, hindi niya alam.

"Kasi hindi naman siya sanay kung paano ang media ngayon.

"Hindi niya alam na popular siya kasi hindi naman niya iniisip dati.

"Minsan, siya na ang nagko-console sa akin, kasi ako na yung nagpa-panic, ’O, paano, baka isipin ng tao na it’s just for publicity.’

"Kaya as much as possible, ayoko talaga siyang pag-usapan kasi baka akala ng iba, gimik lang o ano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre matalino naman siya [Phil] para i-explain na bakit kailangang isipin ang iba kung masaya naman kami."

AZKALS. Sa pagkatalo ng national football team na Azkals sa Kuwait ay nagwakas na rin ang pag-asa ng Pilipinas na makapasopk sa World Cup sa 2014.

Ano ang reaksiyon dito ni Angel, bilang malapit sa puso ng isa sa star players ng Azkals na si Phil?

"Nandun ako nun, nanood ako," banggit ng Kapamilya actress.

"Siyempre malungkot dahil alam ko kung gaano sila kahirap mag-train, na i-represent ang Pilipinas.

"Pero alam ko naman may next year pa, and ang layo na rin ng narating niya. Dati nga wala akong kilalang football player, e.

"Kahit paano nakaka-proud na rin na nare-recognize na ang Pilipinas sa isang sport na hindi naman sila kilala."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN