John Lloyd Cruz apologizes to fans hoping he’ll be paired again with their idols in new movie; teams up anew with Angel Locsin

"Gusto ko lang ipaalala na hindi ko ito call, kasi baka sa akin ang maging balik nito. Ako ay empleyado lang dito, kung ano ang ipinapagawa, yun ang ginagawa ko," says John Lloyd Cruz about the choice of Star Cinema for his next leading lady.


Ngayong kumpirmado nang si Angel Locsin ang kapareha ni John Lloyd Cruz sa susunod na pelikulang gagawin ng aktor sa Star Cinema, inaasahan na maraming John Lloyd-Bea Alonzo, John Lloyd-Sarah Geronimo, at John Lloyd-Toni Gonzaga fans ang magre-react at malulungkot.

Matagal na nilang inaabangan kasi na masundan ang mga pelikulang ginawa ng aktor kapareha ang mga paborito nilang idolo.

Pero ang naging desisyon nga ng Star Cinema ay si Angel ang muling itambal kay John Lloyd pagkatapos ng successful team-up nila sa telebisyon, ang Imortal.

Sa storycon ng pelikula last Thursday, August 11, sa Star Cinema office, nilinaw ng aktor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hindi niya sariling desisyon kung sino ang makakapareha niya.

"Gusto ko lang ipaalala na hindi ko ito call, kasi baka sa akin ang maging balik nito.

"Ako ay empleyado lang dito, kung ano ang ipinapagawa, yun ang ginagawa ko," sabi niya.

Pero naiintindihan naman daw ng aktor ang sentimiyento ng ibang fan clubs.

"Naiintindihan ko ito kasi bago ma-finalize yung movie, nakarating sa akin na may ilang fans na na-disappoint or nalulungkot dahil hindi malaman kung sino talaga [ang makakapareha ko].

"Well, I guess on behalf of Star Cinema, we apologize sa mga na-disappoint na fans.

"We just want you to know na sobrang importante kayo sa amin, yung mga sinasabi ninyo, yung mga suggestions ninyo.

"We value that in return, kaya lang, kung puwede lang na sabay-sabay gawin.

"Lahat kami ay may timetable na sinusunod, may mga pagkakataon na hindi pala pupuwede ang ganitong artista, hindi match yung schedule ng artistang ito.

"Maraming factors na dapat i-consider at nag-surface mula sa usap-usapan.

"Pero finally, hindi lang ito posible, totoo daw itong mangyayari.

"Sana i-welcome n’yo din kami ni Angel kung paano ninyo wine-welcome ako with others; like Sarah, Toni, and Bea," asam ni John Lloyd.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TEAM-UP WITH ANGEL. Sa pagtatambal nilang ito ni Angel, ano naman kaya ang patikim o dapat abangan ng mga manonood?

"Kahit lagi naming sinasabi kaming mga artista, pag gumagawa ng pelikula, we wanna offer something different, something new...

"Talaga namang totoo yun, talagang yun ang intention.

"Sana ito, kung mapag-uusapan yung konspeto and yung intention namin na ma-achieve namin yun, yung konspeto, we can definitely offer something different.

"Basta it’s a romantic-drama. Nasa ganun siya, pero hindi siya exactly na rom-com.

"Basically the whole journey of doing this film kasi kakaiba siya dun sa Imortal.

"So, panibagong mundo na naman yung papasukin namin.

"Iba ang pelikula, iba yung nature, iba yung environment."

Puro papuri naman ang lumalabas sa bibig ni Angel sa tuwing mapag-uusapan si John Lloyd. Sinabi pa nga ng aktres na si John Lloyd ang pinakamagaling na aktor sa henerasyon nila.

Very flattered naman dito ang aktor.

"Si Angel, wala naman ’yang sasabihing hindi maganda sa kahit na sino. Talagang napakabait niyang magbitaw ng salita.

"I’m sure marami diyan na kayang gawin ang hindi ko magagawa o hindi ko maibibigay.

"Ang gusto ko lang sa sarili ko, I’m still willing and very much eager to learn kung ano pa yung maio-offer ko in the future.

"And this project, sana I’m hoping na makapagbigay pa ako kung ano yung naibigay ko in the past," saad ni John Lloyd.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN