Gretchen Barretto gives an update on the progress of her upcoming teleserye, Alta

Excited na si Gretchen Barretto sa bago niyang proyekto na Alta. Bagamat hindi pa sila nagsisimulang mag-taping dahil sa ilang revisions sa script, hindi naman daw naiinip ang aktres dahil nauunawaan naman niya ang metikulosong proseso ng paghahanda para sa isang malaking teleserye tulad nito.


"It’s great to be back!"

Ito ang deklara ni Gretchen Barretto nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media kagabi, Agosto 15, sa kauna-unahang Philippine Fashion Ball na ginanap sa Manila Peninsula Hotel sa Makati City.

Suot ni Gretchen ang isang itim na gown na gawa ng batikang designer na si Inno Sotto.

"[He is] my favorite. When in doubt, [wear] Inno Sotto," ang sabi niya patungkol sa paborito niyang designer.

Tinanong si Gretchen kung ano ang kanyang partisipasyon sa event na ito.

"Well, I’m part of this [fashion] world. Huwag nating kalimutan na dito ako nag-umpisa.

"This is the reason why I got into show business," sagot ni Gretchen, na naging presenter din sa awarding ceremony na siyang nagbigay-parangal sa pinakamahuhusay na miyembro ng fashion industry.

Dagdag pa niya, "At 12 years old, isa na akong modelo. So, siyempre hindi tayo dapat makalimot kung saan tayo nanggaling."

ALTA. Inaabangan naman ang pagbabalik-telebisyon ng aktres via ABS-CBN’s teleserye, Alta.

"Malapit na malapit na," ang sagot ni Gretchen nang tanungin kung kailan maipapalabas ang naturang programa.

"Na-approve na yung script. It will be presented to us again and then very soon magte-taping na kami."

Sila pa rin ba nila KC Concepcion at Angelica Panganiban ang magkakasama sa show?

"Same cast, walang nagbago. Nagkaproblema lang sa creative team.

"Nagkaproblema lang sa script dahil talagang napakahirap gumawa ng script para sa tatlong babae—si KC, Angelica at saka ako—para walang gulo-gulo.

"But once we start, dire-diretso na.

"And I’m patiently waiting dahil alam ko naman that bago mag-umpisa ang isang teleseryeng malaking proyekto, you always have to wait because you know that the preparation has to be really, really careful.

"It has to be carefully done," saad ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN