Xian Lim reveals his parents almost got him into an "arranged marriage"

Xian Lim on how he was told about a fixed marriage for him: "’May papakilala kami sa iyo. Chinese din.’ Mga ganun. I guess they were trying to keep it Chinese, di ba, but ever since nun, sabi ko, ’Ha?!’"


Ang Katorse na pinagbidahan ni Erich Gonzales ang last big project ni Xian Lim sa ABS-CBN bago dumating ang break na maging isa sa leading men ni Kim Chiu sa My Binondo Girl ngayon.

"Yeah, the last full length [role I had] would be Katorse pa," umpisang pahayag ni Xian sa interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng My Binondo Girl kahapon, August 16, sa Golden Bay Restaurant sa Macapagal Avenue.

Medyo matagal na ang Katorse bago nasundan ng big project.

"Yeah, yeah that was 2009."

May projects din naman daw siya sa loob ng nakaraang dalawang taon.

"There was. There was, but it wasn’t as big as this. I played [a character sa] sa Rubi.

"Like I was in Agimat and MMK [Maalaala Mo Kaya]. After that, parang this would be the biggest."

Hindi ba siya nainip na wala siyang big project for two years?

"At first naman, siyempre naramdaman ko rin yun. I was in the point na parang, ’What’s next for me?’

"Pero, I used that time. Kasi, I had a lot of time in between.

"I know I had a couple of [projects]. I had MMK and all that, but it was really far, yung gap.

"So what I did was... nagpraktis ako. Like I practiced playing the piano.

"Kasi, I really play the piano and all that. I’m really into music.

"So I focused on other things. I focused on honing my craft more as an artist.

"I took classes and all that. And I guess it turned out pretty well.

"Dahil nung lumabas yung Showtime, it was a really happy and exciting experience [for me]."

Ilang weeks siya sa Showtime?

"Two weeks din. Two weeks [I was a] judge.

"But it was a special [exit]. Hindi naman ako nabura but it was a special hurado, fun, yeah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And thankful naman sa kanila na um-okay after that."

SCHOOL BOY. Xian has plans to go back to school.

Aniya, "I stopped, around Katorse days. I used to be in UE [University of the East] but I stopped.

"My original course back in the States was Psychology. Pero nung lumipat ako sa UE, naging Marketing.

"I do have plans to go back [to school].

"I still don’t know if I’m going to take up Music in UP or Filmmaking. I still don’t know."

THE CHINESE WAY. Sa My Binondo Girl, gumaganap si Xian bilang Chinese na si Andy Wu, ang karibal sa negosyo ni Yuan, Kim’s male character sa naturang serye na ipalalabas na this August 22 sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

May challenge pa ba kay Xian ang kanyang Chinese role bilang may dugong Chinese naman siya talaga?

"Kasi my dad’s side is Chinese. They’re very genuine, like they do the rituals.

"They do everything. The tradition.

"But I wasn’t here to experience it. I was in the States," sabi niya.

Xian was born and raised in San Francisco.

"So, nung nalaman ko na merong My Binondo Girl, I studied. Pinag-aralan ko [ang Chinese culture].

"I mean, na-expose na ako dun nung maliit pa ako. But now, it’s more of refreshing [what I experienced before]. Nire-refresh ko siya.

"Pero yes, I do need to study it more kasi hindi ko talaga [alam] one hundred percent alam."

Marunong siyang mag-Chinese?

"I took up some lessons para malaman lang yung mga intonations. Especially, kasi I know for this role kailangan talaga.

"But now I’m slowly getting there."

So, minimal ang alam niya sa Chinese culture?

"Yeah, but I lived here up to mga grade four [or], grade three, that’s why I know how to speak Tagalog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, na-expose naman ako sa kanila [mga Chinese practices].

"Na-expose naman ako [sa practices], lalo na like when someone dies.

"Like especially yung traditions ng Chinese, na-expose naman ako."

FIXED MARRIAGE. Nabanggit ni Xian during the panel interview sa presscon proper na muntik na siyang ipagkasundo ng kanyang mga magulang sa isang fixed marriage sa kapwa niya Chinese.

"Sinabi sa akin na meron daw silang [irereto]. Nagpaparinig sila, so, I know naman na hinihiritan na [ako]," kuwento ni Xian.

Ilang taon siya noon?

"I don’t know, maybe mga eight. Sinasasabi na nila.

"I heard my dad na sinabi na, ’Papa-arrange marriage ka, ha. May papakilala kami sa iyo. Chinese din.’ Mga ganun.

"I guess they were trying to keep it Chinese, di ba? But ever since nun, sabi ko, ’Ha?!’"

Paano siya tumutol at an early age of eight?

"No, hindi naman ako tumutol, but lumipat na ako sa States.

"And when I got back here, obvioulsy hindi ko talaga [kaya], I guess..."

Hindi na naman daw inulit na sa kanya ang naturang "pagrereto."

"Hindi na rin, e. Hindi na rin."

Paano kung three years from now, sabihin ulit sa kanya na may fixed marriage ulit for him at itatakwil siya pag tumanggi siya?

"Well, sa totoong buhay kasi, my mom is really supportive, e. Lahat ng gawin ko, supportive siya.

"But just in case mangyari yun, hindi ko kasi... I’m the type of person na hindi ko talaga kayang gawin yung hindi ko gusto.

"Gusto ko palagi one hundred percent, puso ang susundin ko," sabi niya.

Kahit i-disown siya?

"Parang hindi naman nila kayang gawin yun sa akin."

What if lang, susundin niya ang parents niya or ang puso niya?

"I would still follow my heart. Alam ko naman, in time, maaano [maiintindihan] nila ako.

"Let’s say they disown me now, but in time they’ll learn to accept it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SINGLE AND AVAILABLE. Isang Filipina ang dating karelasyon ni Xian.

"Yeah, before naman, Pinay ang girlfriend ko in the States."

Ngayon ay walang girlfriend si Xian.

"Sad to say!" at tumawa ang binata.

By choice?

"Yeah! Ang dami ngang nagsasabi na ang hirap naman nun. But ganun talaga, e.

"I guess ano, mas okay yung ganun, e. Kasi mas focused. Mas walang iniintindi," sinabi pa ng 22-year old actor.

KIM IS NUMBER ONE. Dahil wala siyang girlfriend, paano pag itsinismis siyang bading? Natsimis na ba siyang bading?

"Wala pa naman akong nabasa. Wala pa naman akong naririnig," sagot ni Xian.

"Let them think what they wanna think. I can’t please everyone, basta alam ko deep down inside who I am."

May nililigawan siya ngayon?

"Wala nga ngayon, e. Wala ngayon, promise."

Sino ang crushes niya sa showbiz?

"Lahat naman kasi magaganda. Lahat sila magaganda.

"But the top one would be siyempre my leading lady right now, who is Kim.

"Kasi ngayon, nakilala ko talaga si Kim. Na we got to know each other very well. Nakita ko talaga yung mga good traits niya."

Ano ang meron si Xian na puwede niyang itapat sa dalawa pang leading men ni Kim sa My Binondo na sina Matteo Guidicelli at Jolo Revilla?

"Well, ang meron ako dito, ang masasabi ko, I’m very dedicated. I’m very focused."

Sina Matteo Guidicelli at Jolo Revilla ba ay hindi focused at dedicated?

"Hindi, ang sinasabi ko, ako, I’m speaking for myself," natatawang sabi ni Xian.

"Na I’m very passionate. I’m one hundred fifty percent focused.

"Talagang tutok na tutok ako dito and I want this to work."

Sino ang gusto niyang sundan ang mga yapak sa mga local actors natin?

"A, I always... lagi ko namang ina-idolize before pa si Christopher de Leon. How he touched people’s lives, ganun. I like how he influenced people."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, gusto niyang makilala bilang drama actor?

"Yes, I would love that! Of course andun din sana yung medyo pagka-action star.

"Of course, every guy would want to be an action star.

"Pero siyempre, gusto ko talaga yung mga drama."

Pero sa ngayon, happy naman daw siya sa mga proyektong naibibigay sa kanya.

"For now, yung mga nabigay sa akin, sobrang [okay], yun pa lang. Okay naman."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN