Matteo Guidicelli says rumored girlfriend Maja Salvador is free to entertain suitors

"Walang problema po yun. Walang problema yun. Kahit sino, it’s a free world, you know. Yeah, kahit sino walang problema," says Matteo if Maja can still entertain suitors.


Lagare ngayon sa dalawang shows si Matteo Guidicelli—ang noontime show na Happy Yippee,Yehey (HYY) at My Binondo Girl na ipapalabas na sa August 24.

Daily pa rin siya sa HYY. Paano iyon kung thrice a week ang taping ng My Binondo Girl?

"Kung walang taping, daily [ako sa HYY]. Kung may taping, mag-a-absent ako.

"Pero, hindi naman thrice a week may taping ako, e. Kasi maraming eksena si Kim [Chiu], tapos yung ibang artista.

"So, sana po, sana mabalanse lahat. At mabait naman po si Sir Deo [Endrinal] at si Tita Linggit [Tan].

"Aayusin na lang yung schedule kasi mahal ko talaga yung HYY. Tapos, mahal ko din talaga yung My Binondo Girl.

"So, blessing talaga," pahayag ni Matteo sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng My Binondo Girl kahapon, August 16, sa Golden Bay Restaurant sa Macapagal Avenue.

If ever magsabay ang taping ng My Binondo Girl at hosting niya sa HYY, alin ang priority niya?

"A, yung dalawa po! Mahal ko yung dalawa, e.

"Blessing talaga yung HYY at na-in love talaga ako sa show, lahat ng mga tao dun.

"Tapos, I’m very, very blessed and I’m very happy to be back sa primetime. Gusto ko talaga yan, to act again.

"So, yung dalawa po, yung dalawa."

ACTING OR HOSTING? Ang last primetime show ni Matteo ay ang Agua Bendita. Saan siya mas nag-e-enjoy—acting or hosting?

"Yung dalawa. Iba, e. Iba po. Acting, ngayon naa-appreciate ko talaga.

"Whenever I go on set, nai-inspire ako talaga at gusto ko talagang gawin.

"Yung HYY, every day pumasok ako, nai-inspire talaga ako. Kasi, yung mga kasama ko, e, sobrang gaan [katrabaho]. Sobrang saya, sobrang... basta maganda. Iba."

Inamin ni Matteo na madalas silang lumabas ni Kim. Silang dalawa lang ba?

"Hindi, marami kami. Marami kami," paglilinaw niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Last week nasa bahay nga kami. Nag-barbecue kami nina Kim, sila Direk Malu [Sevilla, My Binondo Girl’s director]."

COCO IN THE PICTURE? Click ang tambalan nina Maja Salvador—na espesyal na babae ngayon kay Matteo—at Coco Martin dahil sa Minsan Lang Kitang Iibigin.

Nakikita ba niya na mangyayari rin ito sa kanila ni Kim dahil sa My Binondo Girl?

"Alam mo, trabaho talaga. And gagawin ko ang lahat para sa trabaho ko, di ba?

"Whatever it takes to do it with Kim, I’ll do it, you know, for the work. Or the love of the work.

"I’m very, very happy for Maja, na sobrang patok yung ano nila, di ba, yung loveteam nila.

"Yung Minsan Lang..., sobrang galing. Iba, e, ang ganda."

Parang tunay na raw na nagliligawan sina Maja at Coco?

"Okay lang naman na magligawan sila. Wala namang problema yun, di ba?

"Free world naman [and lahat] puwedeng gawin.

"Pero, at the end of the day, ang desisyon ng bawat isang tao [ang mahalaga].

"Di ba sila, desisyon nila. Pero ako, trabaho lang ako."

Puwede pa bang ligawan si Maja?

"Si Maja? Oo naman. Oo naman, kahit sino, puwede. Puwedeng- puwede."

As of this moment, ano ba ang relasyon nila ni Maja?

"We are not committed or anything, but we are very very close."

May mutual understanding na ba sila? Is he courting Maja?

"We have an understanding together, but no commitment. We’re just happy. Masaya lang kami.

"Hindi ko alam kung MU. Basta hindi ko talaga alam."

Sila na ba?

"Hindi. Hindi."

"So, okay lang sa kanya kung may manliligaw kay Maja?

"Walang problema po yun. Walang problema yun. Kahit sino.

"It’s a free world, you know. Yeah, kahit sino walang problema."


HOW ABOUT KIM? "Si Kim Chiu na lang pag-usapan natin!" ang tumatawang pagtsi-change topic ni Matteo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

O, si Kim ba liligawan niya?

"Kim Chiu is a very, very wonderful person! Wala akong complaints kay Kim.

"Sobrang blessed ako na makatrabaho siya. Na we’re here [sa show]. Cebuana siya, Cebuano ako, so parang mas nakaka-relate kami, e."

Mas matagal na niyang kilala si Kim kaysa kay Maja?

"Oo, tama. Since nagsimula po ako, e. Since sixteen [years old pa ako].

"Since paglabas niya ng PBB [Pinoy Big Brother] house, magkakilala na kami.

"Si Kim, pag nasa labas kami tapos may mga secret, secret kami, ise-Cebuano lang namin.

"Hindi nila maiintindihan. Kaming dalawa lang [makakaintindi]."

Anong mga secret?

"Wala namang secret-secret talaga. Alam mo yung tsismis-tsismis, mga ganun ba!" at muling tumawa si Matteo.

Noong broken-hearted si Kim, ano ang mga advise na ibinigay niya rito?

"A, yun, ’Kim, just be strong! You know, kami lahat we’re all here for you. Mga kaibigan [mo], and we’re all here for you. Just be strong,’ Iyon."

Hindi ba siya nagseselos kay Jolo Revilla—na gumaganap bilang si Onyx at isa rin sa mga leading men ni Kim sa My Binondo Girl—na parang mas nakakalamang ito sa panunuyo kay Kim?

Balita ngang minsan ay limampung siomai ang dala ni Jolo para kay Kim sa taping nila.

"A, wala pong selosan.

"Oo nga, kailangan nga po mas kumita ng marami para mas marami akong siomai na madala!" pagbibiro ni Matteo.

"Mabait po talaga si Jolo. ’Tsaka sa una, sa umpisa, [no’ng] first time ko nakatrabaho si Jolo, sa umpisa sabi ko, ’Hala!’

"Parang takot ako dahil si Jolo kasi, parang astig, di ba?

"Parang... pulitiko, ganun-ganun. Pero when I got to know him, sobrang bait na tao.

"As in, iba! Very, very giving sa set, kapag gusto ninyo ng Starbucks, ’Bro, bili tayo ng Starbucks.’ He’ll buy everybody Starbucks.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta ang bait niya. Sobrang bait ni Jolo."

Kay Jolo hindi siya nagseselos. Kay Coco, hindi rin siya nagseselos?

"Hindi naman. Hindi naman. Hindi din.

"Wala. A... kilala ko si Coco. Mas kilala ko si Maja. Iyon."

Aware siya na sobrang close sina Maja at Coco?

"Oo naman po! Marami silang mall shows together. Alam ko, ’yon. Okay naman."

Hindi nagpapaliwanag si Maja sa kanya na kaya sila close ni Coco ay dahil kailangan sa show. Walang ganung scenario?

"Wala naman. I know it’s work. You know, she can do whatever she wants in work.

"I’ll do my work, and it’s all work. You know what I’m saying?"

Hindi siya nagtatanong kay Maja?

"A, wala. Wala. Kapag trabaho, trabaho. May boundaries kami, e."

May movie daw silang gagawin ni Maja?

"Yes po. Mero’n. Mero’n, pero hindi ko pa alam kung kailan, e."

THANK YOU, MATTEO. In an interview, sinabi raw ni Maja na flattered ito dahil sa ipinapakita ni Matteo na effort in caring for her.

"Ako naman, kapag mabait yung tao, extra bait ako sa kanila.

"Sobrang bait ni Maja. Sobrang bait ni Kim Chiu, so kailangan din na you have to be nice to everybody."

Yung effort daw niya na panliligaw at pagiging vocal niya ng pagkagusto kay Maja ang gusto ng dalaga sa kanya.

"Talaga? Wala lang, happy lang ako. Happy lang kami.

"We see each other a lot. But not that mag-uusap talaga kami kasi bising-busy siya sa Minsan Lang Kitang Iibigin.

"Kaming dalawa, busy naman. We see each other sometimes."

Ang tingin ng marami, sila na, pero ayaw nilang umamin?

"A, paano ko ba sasabihin ito? I just don’t wanna ruin anything, you know. With her loveteam and everything. And her work, so you know.

"I’m just keeping my distance. And yun lang, yun lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We’re very, very happy, iyon lang. Iyon lang kami, e.

"Masaya kami. Tapos we hang out a lot.

"You now what? Maja is a very, very nice person. She’s so blessed and very, very down-to-earth that sometimes she’s misunderstood by other people.

"Sa sobrang bait niya nami-misunderstood siya, di ba? Pero, she’s very wonderful.

"No complaints [from me]. She loves her work. She loves the people around her and she’s a blessed person.

"You know, pag magkasama kaming mga barkada, she’s always caring. Malambing and idol ko siya sa trabaho.

"Nung nag-work kami sa movie, you know I look up to her.

"Ang galing niya. So, parang role model ko siya po."

Aminado si Matteo na napakaespesyal sa kanya ni Maja.

So, mag-MU na nga ba sila?

"Hindi naman po. Wala namang label.

"We go out. We have group dates with other people."

Nakikipag-date ba si Matteo sa iba?

"Hindi naman. Busy sa trabaho, e."

So, exclusively dating sila ni Maja?

"Hindi naman po, hindi naman.

"Paano ba sasabihin? Mahirap na naman ’to!" at tumawa ang binata.

"We see each other, pero when we see each other, nandun si Kim, si Direk Malu. Marami kami."

Napag-usapan ba nila ni Maja na iwas muna sila sa isyu dahil baka makakaapekto sa loveteam nila ni Kim?

"You know kasi, I’m so happy for her and Coco and Minsan Lang..., so you know I’m just keeping my distance and make her work."

Yung kina Maja at Coco, work. Yung sa kanila ni Maja, pang-personal?

"We have fun with each other and we enjoy each other’s company," matipid niyang sagot.

So, mahal niya si Maja

"Oo naman, as a friend, oo naman. Mahal ko sila lahat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN