Jolo Revilla categorically denies rumored romance with Jodi Sta. Maria: "Basta ako, never naman tayong pumatol sa may boyfriend or may asawa."

"Konti na lang nga yung oras ko para sa sarili ko, magdadagdag pa ako, di ba? Focus muna ako sa showbiz at saka sa politics. Siyempre, sa mga constituents ko sa Cavite," says Jolo Revilla about his decision to stay single for now.


Wala raw lovelife ngayon si Jolo Revilla, at kahit makipag-date sa ibang babae ay hindi raw niya ginagawa.

"Sa ngayon, wala. Trabaho muna," sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Siyempre, napakahirap pagsabayin ang politics at showbiz.

"Kumbaga, ipapahinga ko muna, isasantabi ko muna ang lovelife."

Masasabi bang ang pinakahuling babaeng niligawan niya ay si Melissa Ricks?

"Hindi naman tayong nanligaw kay Mel, e," tanggi niya.

"Last girlfriend ko, last relationship ko, yung kay Lovi [Poe] pa naman. Si Lovi pa rin.

"Hindi pa rin ako nagkakaroon ng girlfriend."

Bagamat hindi itinanggi ni Jolo na ipinakilala niya si Melissa sa ina niyang si Lani Mercado, pero bilang kaibigan lang daw.

"Wala akong lovelife ngayon. Kahit dating wala. Wala talaga," sabi niya.

Iniisip tuloy ng ibang press na baka kaya hindi nakikipag-date si Jolo sa ibang babae ay dahil kapag nalaman ito ni Kim Chiu—ang leading lady niya sa My Binondo Girl—ay baka lumiit ang chance nitong mapaibig ang dalaga?

"Hindi naman. Hindi naman.

"Siyempre, yung sa akin, kumbaga, napakahirap kung sasamahan ko pa ng lovelife.

"Konti na lang nga yung oras ko para sa sarili ko, magdadagdag pa ako, di ba?

"Focus muna ako sa showbiz at saka sa politics. Siyempre, sa mga constituents ko sa Cavite.

"Doon muna ako focus," saad ng barangay captain ng Panapan VII sa Bacoor, Cavite.

Ayaw paniwalaan ng iba ang sinabi ni Jolo na si Lovi ang huling girlfriend niya. Pero giit ng aktor, dalawang taon na siyang walang kasintahan.

"Nakaka-text ko pa siya before. No’ng sa Boracay [last summer], yun ang huling pagkikita namin.

"But I’m very happy for her sa narating niya. Bow down ako.

"Yung pagsisisi... wala akong pagsisisi.

"Ako, basta masaya ako sa kanya kung ano ang naabot niya," sabi niya.

THE WOMEN. Nito kasing mga nakaraang mga buwan ay na-link si Jolo sa Kapuso star na si Kris Bernal. Pero itinanggi niyang niligawan niya ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nag-text rin minsan dahil kasama nga ng kapatid ko, pero hindi," sabi niya.

Ang isa pang na-link kay Jolo ay ang kapwa niya Kapamilya star na si Jodi Sta. Maria.

Naging kontrobersyal pa nga ang tungkol dito nang malantad ang matagal nang hiwalayan ng aktres sa asawa nitong si Pampi Lacson Jr., na anak ni Sen. Panfilo Lacson.

May bulung-bulungan pa nga na si Jolo diumano ang "third party" sa paghiwalay nina Jodi at Pampi.

Pero ayon kay Jolo, "Ako, malaki ang respeto ko kay Jodi Sta. Maria. Nagkasama kami sa Noah, hanggang doon na lang yun.

"Ngayon nandito tayo sa My Binondo Girl at bilang respeto kay Kim."

Natapos na yung sa kanila ni Jodi?

"Siyempre, magkakaibigan kami. Friendship lang talaga," diin niya.

Itinanggi rin ni Jolo na naging sila ng aktres.

"Wala, hindi totoo yun. Walang katotohanan.

"Sinagot ko na ’yan for so many many times," sabi niya.

Bakit hindi natitigil yung speculations na naging sila ni Jodi?

"Hindi ko alam... hindi ko alam. Basta My Binondo Girl," pasimple niyang iwas sa issue.

Hindi kaya dapat na siyang magkaroon ng bagong girlfriend masabing wala naman na talaga sila ni Jodie?

"Wala naman talaga in the first place. Wala namang dapat pag-usapan dahil wala talaga," giit niya.

Kahit wala sa priority ni Jolo ang magkaroon ng kasintahan sa mga susunod na araw, kung sakali raw raw magmahal siya uli, dapat ay tanggap siya.

"Basta ako, yung susunod kong girlfriend, basta sa kanila, nirerespeto nila ako kung anuman ang desisyon ko.

"Basta, yung susunod kong girlfriend, mahal ako at tatanggapin ako kung sino at kung ano meron ako. Regardless kung showbiz or non-showbiz.

"Basta ako, never naman tayong pumatol sa may boyfriend or may asawa," sabi niya.

SHOWBIZ AND POLITICS. Nakahinga naman ng maluwag si Jolo nang mabaling sa kanyang political career ang usapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman daw siya nahihirapan na pagsabayin ang showbiz at public service.

Aniya, "Pag walang taping, doon pumapasok yung sa public service commitment ko.

"Every Monday, nagbi-beg off ako sa tapings dahil kailangan kong mag-session sa Kapitolyo sa Trece Martirez.

"Tapos, kahit paano, pag morning, kahit may work, nagpupunta ako sa barangay.

"Tapos, pag walang trabaho, talagang umiikot ako sa Bacoor.

"Kumbaga, sa akin, showbiz and politics, kaya naman.

"Nagagawa ko pa rin naman yung trabaho sa showbiz at sa pagiging public servant ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN