Aljur Abrenica happy for rumored ex-girlfriend Rich Asuncion who is now exclusively dating Ervic Vijandre

"Para sa akin masaya, masaya ang nararamdaman ko para sa kanya... Siyempre napamahal na rin sa akin yung taong yun, si Rich. At kung anuman ang nakakapagpaligaya sa kanya, dun ako, di ba?" says Aljur Abrenica about Rich Asuncion.


Masaya si Aljur Abrenica sa balitang "exclusively dating" na ang rumored ex-girlfriend niyang si Rich Asuncion at ang model turned actor na si Ervic Vijandre.

"Masaya, masaya ako para kay Rich," sambit niya.

"Si Ervic kasi kailan ko lang nakilala, si Rich matagal na.

"So, sa nakikita ko naman kay Achie [Rich’s nickname] ngayon, masaya siya."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur sa taping ng Mind Master sa GMA-7 Studios kahapon, August 17.

Ayon pa kay Aljur, nagkukuwento pa si Rich sa kanya dati.

"Oo, oo, nasasabi sa akin ni Rich, napagkukuwentuhan din namin ’yan. Na masaya sila ni Ervic, na nagde-date sila.

"And sa tingin ko naman kay Ervic kasi, sa pagkakakilala ko sa kanya, safe si Rich sa kanya," saad niya.

Gaano niya kakilala si Ervic?

"Hindi naman sa masyado ko siyang kilala, pero sa naririnig ko... ’tsaka nakaharap ko na kasi yung tao, e.

"Mabait, mabait yung tao, wala akong nakikitang... hindi ko nakikitaan si Ervic na gagawan niya ng masama si Rich."

Wala siyang kirot na nararamdaman ngayong masaya si Rich sa piling ni Ervic?

"Wala, e," sagot ni Aljur.

"Para sa akin masaya, masaya ang nararamdaman ko para sa kanya. Iyon na lang yung tinitingnan ko.

"Siyempre napamahal na rin sa akin yung taong yun, si Rich.

"At kung anuman ang nakakapagpaligaya sa kanya, dun ako, di ba?"

HAPPY WITH KYLIE. Happy rin naman si Aljur sa closeness nila ngayon ni Kylie Padilla.

Isa nga sa mga gustong mangyari ni Aljur ay ang magkapareha sila ni Kylie sa isang teleserye ng GMA-7.

"Oo, oo naman!"

At tila may plano namang ganito ang Kapuso network.

"Naririnig ko rin yun, pero ayoko munang anuhan kasi baka maudlot," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN