Amy Austria bids goodbye to showbiz again after Minsan Lang Kita Iibigin

On Amy Austria’s decision not to accept offers after Minsan Lang Kita Iibigin: "Matagal na talaga akong hindi lumalabas. Ayaw na ng asawa ko. Kumbaga, kaibigan ko lang talaga si Lorna [kaya pumayag lumabas uli]."


Nagpahinga at nawala sa show business si Amy Austria, pero maganda ang kanyang pagbabalik sa telebisyon via her role as Lora in Minsan Lang Kita Iibigin.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) recently si Amy kaugnay sa pagtatapos ng Minsan Lang Kita Iibigin ngayong linggo.

Tiyak na ikalulungkot ng mga tagahanga ni Amy ang desisyon niyang muling magpahinga.

"Matagal na talaga akong hindi lumalabas. Ayaw na ng asawa ko.

"Kumbaga, kaibigan ko lang talaga si Lorna [kaya pumayag lumabas uli].

"At hindi ako napahiya sa asawa ko kasi ang ganda ng role ko dito sa Minsan Lang Kita Iibigin at napakaganda ng show.

"Alam nila na wala akong plano after this. Pagkatapos nito, pupunta naman ako sa New Zealand to visit my daughter. And if ever, mga next year yun [punta ko].

"Supportive naman ang asawa ko [Duke Ventura]. He’s very supportive if I really want to.

"While we’re doing this kasi, nagkasakit ako. Yun yung ayaw niya. Ilang days akong nasa hospital.

"Ayaw niyang maulit yun. Hindi na rin naman ako bata. Forty-nine na ako."

Marami sa mga relasyon sa show business ang nauuwi lang sa hiwalayan. Sa tingin niya, mas maganda ba kung non-showbiz ang mapangasawa ng isang artista?

"Hindi naman," sagot niya.

"Nasa tao lang ’yan. Wala sa trabaho ’yan.

"Wala sa kinalalagyan ninyo sa buhay.

"Nasa pagmamahalan ninyo ’yan. Nasa karakter ng tao. Nasa personal relationship ng tao sa Diyos."

FOUNTAIN OF YOUTH? Nagulat kami sa pag-amin ni Amy na 49 na siya dahil mukhang bata at di makikita sa kanya ang edad.

Ano kaya ang sikreto ng aktres at parang di nadadagdagan ang kanyang edad?

"Hindi lang ako bugnutin. Hindi ako mareklamo. Hindi ako mahilig mag-complain.

"I’m easy to please, at the same time mayroon akong peace and maganda ang personal relationship ko with God.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mayroon akong assurance na nandiyan lang siya palagi. Na hindi ako pababayaan ni Lord," saad niya.

BYE LORA. Aminado si Amy na sobrang minahal niya ang karakter niya bilang Lora sa Minsan Lang Kita Iibigin katulad ng kung gaano niya minahal ang mga kasamahan niya rito.

"Minahal ko yung karakter ko dito as Lora. Yun ang talagang nasa puso ko.

"Lalo na kasi first time ko din kasi after a long while na di ako lumabas.

"Tapos ngayong lumabas ako, sabi, ko, ’Hindi ko ito sasayangin. Matagal akong nawala. So, ngayong nandito yung trabaho, ayoko naman na pa-easy-easy lang.’

"Masaya ako in the sense na makakapagpahinga na. Makakapag-relax na.

"At the same time, nakakalungkot din, magkakahiwa-hiwalay ang cast and staff.

"Pero iba yung may dahilan kayo almost every day na magkita-kita. Tapos hindi lang basta trabaho kungdi magkaka-bonding kayo.

"Mami-miss ko yung Tanay [Rizal location] where we taped. Yung gubat, siyempre yung food."

IMPRESSIVE CAST. Nagpapasalamat din si Amy dahil puro mahuhusay ang mga nakasama niya sa Minsan Lang Kita Iibigin—mula sa mga beteranong aktor at aktres hanggang sa mga kabataang artista.

"I pray and thank the Lord for Minsan Lang Kita Iibigin," sambit niya.

"Blessing yung project na ito. It’s a blessing para sa lahat, kasi yung quality niya bihira.

"Yung kinalabasan, hindi parating makikita sa mga regular seryes, tapos ang huhusay ng mga kasama ko.

"Sa mga bata naman, talanted sila at the same time, mahal nila ang trabaho nila. Wala silang mga superstar attitude.

"When it comes to acting, di na sila kailangang bigyan ng advice. Magagaling na ang mga ’yan.

"Habang tumatanda, mas lalalim pa ang mga ’yan.

"Sa personal na lang nilang mga buhay [dapat gabayan]. Dapat ganito, dapat ganyan," pahayag ni Amy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN