Steven Silva chooses to focus on showbiz career rather than take relationship with Diva Montelaba to the next level

"I wouldn’t say love, but I mean siyempre si Diva, close talaga kami. So she really inspires me, siyempre. She helps me, you know, whenever nahihirapan ako sa script or sa mga scenes, I can always come to her for help," says Steven Silva about Diva Montelaba.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang StarStruck V Ultimate Male Survivor na si Steven Silva sa taping ng huling episode ng Mind Master (second season) last Wednesday, August 18.

Isa si Steven sa mga guest noong episode na ’yon.

Madalas magkasama ngayon si Steven at ang batchmate niya sa StarStruck na si Diva Montelaba dahil pareho silang nasa cast ng GMA-7 primetime series na Time of My Life.

During StarStruck ay na-link sila. Ngayon ba ay may pag-asa na ma-rekindle o matuloy na ang naudlot nilang relasyon?

"Actually nung nag-start na kami mag-taping for Time of My Life, so minsan, you know, kapag wala kami eksena, we have time to talk, to bond.

"So far, ayun, parang steady pa rin kami.

"I mean, we’re still close, we’re still close naman," pahayag ni Steven.

Ano ang humahadlang at hindi pa matuluy-tuloy ang relasyon nila?

"A, kasi ano, e, as in before, dati pa, naka-focus lang talaga kami sa career and even more so, parang ngayon talaga...

"Ito ang big break namin, ang Time of My Life. ’Tsaka ano siya, primetime din.

"So, parang naka-focus talaga kami sa mga role namin sa Time of My Life."

Hindi ba inspirasyon nga iyon kapag in love sila sa isa’t isa?

"I wouldn’t say love, but I mean, siyempre, si Diva, close talaga kami.

"So, she really inspires me, siyempre.

"She helps me, you know, whenever nahihirapan ako sa script or sa mga scenes, I can always come to her for help."

Sa recent guesting nila sa "Don’t Lie To Me" segment ng Showbiz Central, sa tanong kay Diva kung may chance si Steven if ever seryosohan itong manliligaw sa kanya, "Yes" ang sagot ni Diva. Pero "Lie" ang lumabas na resulta nito sa lie detector.

Ano ang reaksiyon dito ni Steven?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo nga. Kahit walang lie detector, yung sinabi niya na may chance ako, siyempre natutuwa ako na may chance ako.

"Pero for now, parang okay na ako na ganun ang closeness namin," sabi niya.

Paano kung may manligaw na iba kay Diva at mahulog ang loob dito ng dalaga at sagutin ang manliligaw?

"Supportive pa rin ako."

Hindi siya mahe-hurt?

"I think I would be hurt," pag-amin niya.

"Maybe kasi siyempre kung mangyari ’yan, di ba, mas focused na siya sa ibang tao.

"So, ang feeling ko, I would be hurt.

"But for now, I mean I’m happy, with me and Diva."

May iba pa bang pumipigil para ligawan niya nang seryosohan si Diva?

"I mean, right now, happy kami talaga na ganito kami so far.

"Pero I mean, I’m never gonna say na we couldn’t take it to the next level or anything like that.

"But right now, nasa situation kami na it’s really best right now na we focus sa career.

"Kasi ang Time of My Life, it’s a really big show, as in big talaga."

DIVA IN A BEAUTY CONTEST. Next year, malaki ang posibilidad na sumali si Diva sa isang national beauty contest, tulad ng Miss World-Philippines or Binibining Pilipinas.

Papayag ba si Steven?

"Oo naman, oo naman," sagot ng binata.

"Maganda talaga si Diva and if ever na kasali siya sa mga beauty contests, mga ganyan, supportive talaga ako."

Kahit mag-swimsuit si Diva?

"Oo, go!" bulalas niya.

"Kung kaya niya, go, go! I will really support her.

"Kasi ever since naman si Diva, dati pa sa Cebu, sumali siya talaga ng mga beauty pageants.

"So, alam ko na if ever she did that, I think she would do well. She would do well, oo."

Mas gusto ba ni Steven ang mga dusky o morena na girls?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi, sa totoo, I really don’t care," sabi niya.

"Kahit anong kulay ng skin ng girl, I wasn’t even thinking about that.

"It doesn’t matter, the skin it doesn’t really... it’s not a factor, wala talaga.

"I couldn’t care less kung kunwari lang my future girlfriend, kunwari if she is purple.

"If she’s beautiful to me, yun lang.

"It doesn’t really matter."

Ang ex-girlfriend daw ni Steven ay isang Koreana.

"So, di ba? Pero really for me, sa tingin ko lang, that’s not the first thing I notice na, ’Ay, ang ganda ng babae. Ay, hindi siya maputi, ay ayoko!’

"Hindi ako ganun."

BATCHMATES. Sa career naman, naitanong kay Steven kung hindi ba siya nagtatampo na tila mas magaganda ang projects na ibinibigay sa runners-up niya sa StarStruck V na sina Enzo Pineda at Rocco Nacino.

As mentioned earlier, si Steven ang Ultimate Male Survivor ng kanilang batch.

"Ay, opo... A, siyempre napansin ko na medyo iba yung treatment sa mga distribution ng projects.

"Pero I mean, I’m still faithful to GMA, you know.

"I know siguro may kulang din sa akin, so for me, I still need to keep working hard.

"Kasi baka, you know, the next project could be something big, so I need to be ready," sabi niya.

Ang tinutukoy na "kulang" ni Steven ay ang matatas na pagsasalita ng Tagalog.

"Oo, siyempre, di ba, andito tayo sa Pilipinas, so that’s a big kulang if you can’t speak the language.

"So, I’m still learning naman and I think, you know, in time."

Speaking of Enzo and Rocco, rarampa ang dalawa sa Cosmo Bachelor Bash this September; si Enzo as one of the centerfolds this year and si Rocco bilang past centerfold.

Si Steven ay hindi rarampa this year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang gusto ko sana next year maging centrefold ako, so I want to prepare for that.

"So, parang this year, huwag na lang. Parang for next year talaga," sabi niya.

Ready na ba siya to bare?

"Ngayon, hindi pa, pero feeling ko next year.

"I’m going to the gym and I’m getting ready for that, kaya, kaya."

Hindi pa nagpu-pose si Steven for a pictorial na naka-underwear. Kaya ba niya if ever?

"If I’m ready," sagot niya.

"Pero pag sinabi kong ready, ready as in my body and also my mind, you know, my mental state din.

"Kasi pag nag-pose ka ng ganyan, parang mag-iiba ang tingin nila sa iyo.

"So, I would have to think about it.

"Pero feeling ko, if ever na darating ang point na sobrang ready na ang katawan ko, feeling ko, kaya, pati mental state.

"I think everything will come into place."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN