Xian Lim denies taking advantage of Vice Ganda’s crush on him: "Wala namang gamitan na nangyayari."

"I’m happy na we’re good friends. I’m really happy na nagkakakilala kami," says Xian Lim about comedian Vice Ganda, who has a crush on him.


May intrigang masyado raw sinasakyan ng Kapamilya young actor na si Xian Lim ang pagkakaroon ng crush sa kanya ni Vice Ganda, to the point na may gamitan issue na diumano.

Pero ayon kay Xian, "Wala namang gamitan na nangyayari. As long as napapasaya namin ang mga tao, di ba?

"Tuwang-tuwa nga sila every time they see us together.

"Talagang yung Twitter ko, overloaded na yung mga messages, na they really show their love, yung happiness na nakukuha nila, talagang kinikilig sila.

"Yung isa nga, nakalagay, ’Grabe, pagod na pagod ako sa trabaho pero nakita ko kayong dalawa!’

"Tawa daw siya nang tawa. Nakakawala daw ng pagod.

"So, at least napasaya namin yung tao. So, walang gamitan na nangyayari."’

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Xian sa presscon ng My Binondo Girl ng ABS-CBN noong Tuesday, August 16, sa Golden Bay Restaurant, Macapagal Avenue.


JOKE ONLY. Ano ang comment niya na willing umano si Vice na magpaloko sa kanya, na parang pag humingi siya ng kotse ay baka ibigay sa kanya?

"Hindi naman, joke lang yun, joke lang yun!" tawa niya.

"I’m happy na we’re good friends. I’m really happy na nagkakakilala kami."

What if umabot sa puntong hindi na joke?

"Uy, hindi, joke lang yun," ulit niya.

What if may ibang bading na seryosong mag-alok sa kanya ng kotse?

"You mean indecent proposal?" tanong niya.

"Hindi pa ako nakaka-experience ng ganyan but if it does happen, I would decline.

"Of course, I would decline politely. I would not be rude about it.

"I would just tell him straight up na I’m not that kind of person."

Yung kay Vice, sabi nga niya ay joke lang, pero if ever umabot sa puntong seryoso na si Vice at magkagusto sa kanya, wala bang chance?

"No, no... kasi I’m not... What I’m saying is I’m happy na Vice... me and vice are good friends.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But more than that, I don’t think, di ba, I don’t think anything will happen.

"We’re just happy," sabi ni Vice.


GOING SEXY. Bukod sa guwapo na ay maganda pa ang katawan ni Xian. Kaya naitanong namin sa kanya kung open ba siya to sexy roles.

"A, for now huwag muna siguro," sagot niya.

"But in time naman siguro, kasi ayokong magsalita ng tapos. In time, I just might, you know."

What about pictorials?

"I’ve done some topless shots, yung mga ganun, yung sa mga pictorial."

Kahit underwear shots or underwear fashion shows?

"Maybe boxers."

Naranasan na rin daw niyang rumampa dati for Cosmo Bash.

"Naka-jeans ako, pero shirtless."

But daring roles sa pelikula o telebisyon?

"Maybe in time, ayokong magsalita ng tapos.

"Ayoko namang sabihing ayoko, but over time, I guess."

Kailan niya masasabing ready na siyang magpaseksi?

"Baka mararamdaman ko na lang yun," sagot niya.

KIM’S LEADING MEN. Handa ba siyang makipagkumpitensiya sa dalawa pang leading men ni Kim Chiu sa My Binondo Girl na sina Matteo Guidicelli at Jolo Revilla?

Si Jolo ay balitang dinalhan ng fifty pieces na siomai si Kim.

"I don’t think... wala namang kumpitensiya dito, e.

"Pero siguro nauna lang siyang magbigay ng fifty siomai kay Kim!" ang natatawang sinabi ni Xian.

Dadag niya, "Hindi, hindi, wala namang kumpitensiya."

Ano ang gagawin niya para lumamang siya kay Jolo sa damdamin ni Kim?

"Gagawin kong fifty-one [na siomai]!" at muling tumawa ang binata.

"No, no, hindi ko alam... I really don’t know, baka maramdaman ko na lang ’yan when the time comes."

Hindi pa ba siya nagpaplano na gumawa ng move para hindi siya masapawan ni Jolo?

"Wala pa naman, hindi pa naman umaabot sa ganung punto."

Type ba niya si Kim?

"Yes!" pag-amin ni Xian.

"Like ngayon na nakilala ko na siya, nakakatuwa nga kasi totoo yung pinapakita niya sa tao, hindi plastik, palaging nakangiti.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit isang linggo nang walang tulog, nandun pa rin yung smile niya.

"And she’s very down to earth, so I guess lahat naman ng guys would be in love or magugustuhan nila yung ganyang klase ng babae."

So, may chance na ligawan niya si Kim?

"Wala naman akong sinasabing ganun," paglilinaw ng binata.

"Like what Kim said kanina, two months pa lang kami talagang magkakilala, as in well bonded together.

"Kasi, hindi kami ganung kadalas nagkikita before.

"But now we’re getting to know each other really well, but two months pa lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN