Mark Bautista has grown tired of waiting for Sarah Geronimo: "Natanggap ko na, matagal na."

"Natanggap ko na, matagal na," says Mark Bautista when asked if he has already moved on after three years of waiting for Sarah Geronimo. He chooses to focus on his career right now.


After two years, nag-release na ng kanyang fifth album ang OPM singer na si Mark Bautista.

Nagsimula ang break ni Mark matapos niyang manalo ng second place sa talent search show na Star For A Night, kung saan nag-champion ang Pop Princes na si Sarah Geronimo.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang entertainment press si Mark kahapon, August 18, sa presscon na naganap sa Viva office sa Tektite Bldg., Ortigas, Pasig City.

"Ito, pang-fifth album ko. Ang kaibahan nito ay puro Tagalog yung laman, mas pino-promote ko yung OPM music.

"Mas naging professional din ’tong album na ’to dahil may sinulat akong dalawang songs.

"So, may dalawang ballads pa din yung album, hindi pa din nawala yung pagiging balladeer ko," sabi ng singer.

ON SARAH GERONIMO. Bagamat successful ang career ni Mark, patuloy pa rin ang pagpupukol ng intriga sa kanya.

Isa sa mga ito’y ang issue sa kanila ng kasabayan niyang singer na si Sarah Geronimo.

Hindi inilihim sa publiko ni Mark ang kanyang paghanga sa Pop Princess. Sinabi pa nga niya noon na "worth waiting for" si Sarah. (CLICK HERE for related article.)

Pero hindi nagtagal, tila nawalan na rin ng pag-asa si Mark, lalo na nang lumabas ang Sarah-Rayver-Cristine issue noong nakaraang taon.

Totoo nga bang heartbroken siya noon kay Sarah?

"Alam mo, hindi ko alam kung heartbroken kasi hindi naman naging kami rin ni Sarah," maingat na sagot ni Mark.

"Pero dumating siguro sa point na... Siguro, siyempre bilang kaibigan, nalaman ko na may ganun palang nangyari sa kanila, na hindi alam ng tao, di ba?

"Kaya siguro, sabi ko, bilang kaibigan, parang ba’t ganun yung nangyari sa kanya?

"Sinaktan siya, nasaktan din ako para sa kanya."

Kapwa talents ng Viva sina Mark at Sarah, kaya naman matapos ang mga nangyari sa kanila noon ay patuloy pa rin ang pagkakaibigan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayundin, inamin ni Mark na noong kainitan ng nasabing issue, nainis siya sa ginawa ni Rayver kay Sarah.

Inamin kasi ni Rayver na siya ang nagsabi sa kanyang nobyang si Cristine Reyes ng kontrobersiyal na tweet ni Sarah, na siyang pinagmulan ng away ng dalawa. (CLICK HERE for related article.)

"Ayaw ko na mag-ano diyan, e," nangingiting sagot niya.

"Pero, siguro kasi bata pa si Rayver, e, di pa siguro niya alam yung ginagawa niya.

"Pero nung time na yun, kung ano yung reaksyon ng mga tao, yun din talaga yung reaksiyon ko.

"Parang naiisip ko lang na sana hindi ko ’to makita, or sana hindi ko ’to makasalubong.

"Yung mga fresh pa, ha, yung mga bago pa lang."

Pero kahit pa man daw may inis siyang naramdaman ng mga panahong iyon, hindi niya naisipang manghimasok sa problema nila.

"Kasi, unang-una naman, wala din naman akong kinalaman sa kanilang dalawa," saad niya.

"I mean, kaibigan ko si Sarah, pero hindi ko alam kung ano yung totoong nangyari.

"So, mahirap din magbitaw agad ng salita.

"Siguro, kung magkita kami, iiwas na lang, iiwas na lang siguro ako at ’wag na magsalita, baka ano pa masabi."

BEING SINGLE. Matagal din naghintay si Mark kay Sarah.

Nagsimula ito noong 16 years old pa lang ang dalaga, mga panahong kapapanalo pa lang nila sa Star For A Night.

Nagkaroon ba siya ng sama ng loob kay Sarah matapos lumabas ang balita sa kanila ni Rayver?

"Umabot din ako sa ganun point," pag-amin ni Mark.

"Well, iba yung sakit na naramdaman ko, e.

"Hindi dahil naisahan ako, or parang binalewala ako, or parang may pinili kang iba, hindi ganun, e.

"Nasaktan ako dahil sa choice niya, nasaktan siya, sa lalaking hindi naman worthy sa pagmamahal niya. Parang ganun."

Paano siya naka-move on sa nararamdaman niya para kay Sarah?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Natanggap ko na, matagal na," mabilis na sagot niya.

"After ng nangyari, after nun, parang, a, okey.

"Ang bilis! Parang after nun, nabunutan ako ng tinik.

"Parang, yun pala yung path na pinili niya, parang ganun.

"At least, parang hindi ka na aasa pa, di ba?"

Kaya naman matapos daw ng experience niya na yun, mas pinili ni Mark na pagtuunan ng pansin ang kanyang career.

"Hindi ko naman sinasara ang puso ko sa ibang babae.

"Pero, alam mo yun? Pag may dadating, e, dadating naman yun.

"Ayoko namang pilitin para lang magkaroon ng girlfriend.

"Gusto ko pang mag-concentrate sa trabaho ko."

Dagdag pa niya, ayaw niyang magkulang sa kanyang makakarelasyon.

Wika niya, "Alam mo yun, aside sa maging hindrance sa akin, alam mo yung baka mas hindi ako makabigay ng oras, ma-distract ako sa trabaho ko.

"Parang may gusto pa ’kong ma-achieve sa career ko na ayaw kong ma-distract, na ayaw kong maging unfair dun sa babae."

Anong tipo ba ang "ideal partner" para sa kanya?

"Gusto ko mas strong personality," nakangiting sagot ni Mark.

"Kaya siguro yung date ko, or sinasamahan ko yung mas may strong yung personality.

"Kasi, ako yung mas parang medyo mahiyain pa, parang ganyan-ganyan.

"Siguro, kailangan ko pa ng mas ba-balance sa akin."

Kaya naman matapos ng lahat ng kanyang pinagdaanan, magiging mas maingat na raw si Mark pagdating sa pag-ibig.

Aniya, "Siguro nasa point na ko na, okey, dapat yung seryoso na. Parang, alam mo yun?

"Kung may ide-date man ako ngayon, dapat yung mahahanap ko, dapat okey, ito na.

"Parang, 30 na ko, ’wag na tayong maglokohan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN