Derrick Monasterio sacrifices feelings for Bea Binene for her loveteam with Jhake Vargas; admits he is a Noranian

"Kasi, alam ko naman po na someday puwede namang ipagpatuloy yung ano [panliligaw]. Pero, si Bea pa rin talaga. Ever since na nagkakilala kami, I like her na talaga," says Derrick Monasterio on sacrificing his feelings for Bea Binene for the sake of her loveteam with Jhake Vargas.


Maraming press ang humanga sa galing kumanta ni Derrick Monasterio sa grand presscon ng GMA Films movie na Tween Academy: Class of 2012 na ginanap kahapon, August 18, sa SMDC Grand Showroom sa MOA Complex, Pasay City.

Para sa kanyang solo performance ay isang Martin Nievera song, "Ikaw Ang Pangarap" ang kinanta ni Derrick na talagang pinalakpakan ng mga dumalo sa presscon.

Nag-duet din sila ni Kristoffer Martin para sa Bruno Mars original na "Lazy Song," na kasama sa soundtrack album ng Tween Academy movie.

Pagkatapos ng presscon ay tungkol sa pagkanta niya ang agad inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Derrick.

Masaya nga siya na na-appreciate ng mga press ang kanyang pagkanta.

"Siyempre, happy ako kasi nagustuhan n’yo ang pagkanta ko.

"Masarap sa pakiramdam marinig yung mga palakpakan ng mga press. Kasi iba pag galing sa mga press, e.

"Kasi ang mga press, critic din kayo, e. Sinasabi n’yo pag okay, o hindi okay ang kumakanta," sabi ni Derrick.

Isa nga si Derrick sa mga pambato ng Tween Academy pagdating sa kantahan.

Mas magagamit niya nga ang kanyang talento lalo na’t in-announce na ng direktor nila na si Mark Reyes sa presscon ang tungkol sa Tween Academy: The Musical na Part 2 ng movie at ipalalabas next year.

Ano ang feeling na naipapakita na niya ngayon ang talent niya sa pagkanta?

"I feel fulfilled. Kasi siyempre, iba ang pay pag singer ka pa, di ba?" biro ni Derrick.

Totoo ba na kinukuha na siya ng Sony Music Philippines para maging recording artist?

"Hindi pa po sure. Pero totoo, may alok po," sagot niya.

Inamin naman ni Derrick na bata pa lang siya ay sumasali na siya sa singing contests.

"Sa singing contests po sa school. Nung bata po ako, nagtsa-champion po ako. Mga grade three po ako noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang kinakanta ko pa po noon ay ’Through The Fire.’ Yung mga ganun."

Sino ang idol niya sa singing?

"Si Josh Groban po. Sa local si Jed Madela."

Nang maging teenager na raw siya ay tila isinantabi niya ang pagkanta. Ni hindi nga raw siya sumali sa mga singing contest ng GMA-7 gaya ng Pinoy Pop Superstar at Are You The Next Big Star?.

"Feeling ko po kasi, hindi ako marunong dati. Pero sa kabila [ABS-CBN], sumali ako nung bata pa ako. Yung Little Big Star.

"Kaya lang po, talo. Kasabayan ko po sina Sam Concepcion at Charice Pempengco."

Bakit hindi ang pagiging singer ang una niyang pinasok at mas nauna ngang nakilala siya bilang artista?

"Kasi po namangha ako sa showbiz. At saka ang unang dumating na mga opportunity ay sa commercials, tapos sa acting na nga," sabi niya.

HIS KIND OF GIRL. Biniro naman si Derrick ng mga kasama niya sa cast na dedicated daw ang kinanta niya sa presscon kay Bea Binene, na kasama rin sa cast ng Tween Academy.

Inamin naman ng young actor na gusto na sana niyang ligawan si Bea, pero binawalan muna sila ng parents nila at pinayuhang mag-focus muna sa career.

In time, at pag nasa tamang edad na raw si Bea ay itutuloy rin daw ni Derrick ang panliligaw sa young actress.

"Kasi, alam ko naman po na someday puwede namang ipagpatuloy yung ano [panliligaw]. Pero si Bea pa rin talaga.

"Ever since na nagkakilala kami, I like her na talaga."

Anong nagustuhan niya kay Bea?

"Kasi po, totoong tao siya. Hindi siya plastic. Kasi yung iba sasabihin, ’Ang guwapo mo naman ngayon.’ Alam ko na yun,’" biro niya.

"Pero si Bea, ’Ang pangit mo ngayon.’ Totoo siya talaga. Mas naa-attract ako sa ganun, e.

"Pero siyempre, bonus na lang yung looks and attitude. I like everything about her."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa parents nila, may iba pa rin daw naging hadlang sa kanila ni Bea. May iba kasing ka-loveteam si Bea ngayon sa katauhan ni Jhake Vargas.

Sa tingin niya ba makakasira sa loveteam nina Bea at Jhake kung sakaling ituloy niya ang panliligaw sa young actress?

"Oo, makakasira talaga," pagsang-ayon niya.

"Pero alam ko naman po na someday hindi naman po sila yung panghabambuhay na loveteam.

"And siguro, sa tamang oras magiging ka-partner ko rin si Bea.

"Actually, sa Maynila, naka-partner ko na siya, e. Dun kami mas naging close."

Hanggang kailan siya maghihintay kay Bea?

"Hanggang kailan siya ready. Basta ako nandirito lang ako."

Paano kung mas bomongga ang loveteam nina Bea at Jhake?

"O, di I’m happy for her. Pag bomongga ang loveteam nila, proud ako kay Bea. Proud ako sa kaibigan ko kasi magiging big star na siya.

"And makikilala na siya. Basta I’m proud of her and I’m happy for them."

Napag-usapan din ba nila ni Jhake ang tungkol kay Bea?

"Actually, si Jhake nakasuporta siya sa akin."

Sa isang interview, inamin ni Jhake na hindi raw mauuwi sa ligawan ang relasyon nila ni Bea. Pabor ba kay Derrick ito?

"Kung ganun, aba, e, di maganda. Matutuwa ako niyan. Pero kung para po sa loveteam, iiwas ako.

"Pero sabi ko nga, alam ko dadating din yung time, e. Yung time ngayon, sila. Darating din yung time ko someday."

Sa ngayon daw ay gusto munang mag-focus ni Derrick sa career niya, ’tsaka na muna ang lovelife.

"Focus po muna ako sa aking showbiz career and my singing career, as well."

NORA’S FAN. Very open naman si Derrick sa pagsasabing ang idolo niya sa acting ay ang Superstar na si Nora Aunor.

"Totoo po, si Nora Aunor ang idol ko. Magaling siya.

"Malaki ang TF [talent fee] niya, ha!" natatawang sabi ni Derrick.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakita na ba niya sa personal si Ate Guy?

"Hindi pa po," sagot niya.

"Pero gusto ko siyang makita kasi idol ko po talaga siya, e. Magpapa-picture po ako at magpapa-autograph.

"Noranian ako, e. Gusto ko po talaga siya."

Kung mabibigyan daw ng pagkakataon ay gusto niya ring makatrabaho si Ate Guy kahit sa pelikula.

HONEST AND OPEN. Isa sa mga hinahangaan ng mga press kay Derrick ay ang pagiging open niya at honest sa kanyang interviews. Bakit ganito ang naging ugali niya?

"Sa akin po kasi, mas mahahalin ka ng mga tao kung totoo ka.

"Feeling ko kahit masama yung gusto mong sabihin basta totoo ka, mamahalin ka ng tao.

"Kasi po yung ibang artista na straightforward, talagang iniidolo natin sila, minamahal ng mga tao.

"Yung mga plastic, parang walang pinatutunguhan."

Sino sa mga artista yung iniidolo niya sa pagiging straightforward?

"Si Ms. Kris Aquino. Sorry for the word, taklesa, pero totoo siya.

"And mas maganda yun para sa akin."

TWEEN ACADEMY. Ano ang best experience na naranasan niya sa shooting ng Tween Academy?

"Siguro po yung bonding namin. Kasi in real life, magbabarkada rin po kami."

Wala bang nangyaring sapawan sa kanila?

"Wala pong sapawan."

Feeling ba niya nabigyan siya ng enough exposure sa movie?

"Honestly, feeling ko hindi ako nabigyan ng ganung exposure.

"Kasi, aminado ako na bago pa lang ako dito. First movie ko ito.

"At saka ang bilis naman nun kung ako agad yung bibigyan nila ng malaking exposure. Step by step po iyan, e.

"Okay lang sa akin kung yung iba sa amin ay nabigyan ng mas malaking exposure.

"Kasi, alam ko naman na sila yung mas matagal sa ganitong field.

"Basta ako, masaya po ako para sa aming lahat. And being part of the film is an honor for me."

Bukod kina Derrick, Bea, at Jhake, kasama rin sa cast sina sina Elmo Magalona, Joshua Dionisio, Barbie Forteza, Louise delos Reyes, Alden Richards, Kristoffer Martin, Joyce Ching, Lexi Fernandez at Yassi Pressman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Produced by GMA Films, in partnership with SM Development Corporation (SMDC), ang Tween Academy: Class of 2012 ay showing na sa mga sinehan sa August 24.

Magkakaroon naman ito ng premiere night sa SM Megamall Cinemas 9 at 10, bukas, August 20.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN