Christopher de Leon says great directors make great actors; cites Gerald Anderson as actor with "X" factor

"Kasi more often, the directors now, would only follow the instructions of the network or the producer. Although magaganda. Lumalabas din naman ako sa ibang mga pelikula ngayon. Katulad ng mga pelikulang love story, romantic story, comedy. Magaganda, very entertaining. Pero wala pa yung... May classic movie ba tayo lately na tinangkilik ng tao, at the same time, tinangkilik ng mga estudyante, ng eskuwelahan?" Christopher de Leon reflects on the cur


Kung tatanungin ang ilang artistang lalaki sa ngayon kung sino ang iniidolo nila pagdating sa pag-arte, isang pangalan ang kung hindi man kasama sa listahan nila ng mahuhusay na aktor ay nag-iisa lang talaga bilang kanilang idolo.

Si Christopher de Leon.

Ayon sa TV at film data base na IMDb.com, si Christopher ay mayroong 18 awards mula sa kanyang 37 na nominasyon.

Nagsimula siya ng kanyang career sa murang edad na 17 at nagwagi ng una niyang Best Actor trophy mula sa Famas para sa pelikulang Tinimbang Ka Ngunit Kulang (1974) sa edad na 18.

Mula noon ay nakagawa na ng mahigit sa 120 pelikula si Christopher o Boyet, at patuloy pang gumagawa ng mga proyekto sa TV at pelikula.

WORKING WITH GREAT DIRECTORS. Reaksyon ng magaling na aktor sa pagbanggit ng kanyang pangalan bilang idolo ng karamihang artistang lalaki pagdating sa pag-arte sa harap ng kamera: "To God be the glory! He has given me the talent.

"And, thank you," mga paunang sambit muna ni Christopher nang solong makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos maganap ang story conference ng gagawin niyang mini-serye ng TV5, Sa Ngalan ng Ina, sa Max’s Roces nung Martes, Agosto 16.

"But ang masasabi ko lang is, I am very lucky lang, e," patuloy ng 54-year-old actor.

"Well, not lucky, but God blessed me with the opportunity to work with great directors."

Inisa-isa ni Boyet ang mga magagaling na direktor na para sa kanya ay siyang naghubog ng pagiging aktor niya.

"From Lino Brocka, to Ishmael Bernal, to Eddie Romero, to Gerry de Leon, to Mario O’Hara, Laurice Guillen, [Marilou Diaz] Abaya... Lahat ng matitindi. Mike de Leon, Maryo J. [delos Reyes], [Joel] Lamangan...

"’Yan ang mga nakatrabaho ko, and wow... di ba?

"Itong mga taong ito, are the ones who led me towards where I am now."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil sa sinabi niyang ito, tinanong ng PEP kung may nakikita ba siyang gano’ng mga dekalibreng direktor na puwedeng humubog nga ng mga magagaling na aktor sa ngayon.

Nag-isip muna si Boyet bago nagsalita, "Meron bang mga classic films tayo ngayon? Meron?"

Napaisip tuloy ang writer na ito ng puwedeng matawag na "classic" movie sa ngayon.

"Yung... ’Ha!’" umaktong tila nagulat sa paghanga si Boyet.

"May Himala ba tayo ngayon? Ganito Kami Noon..., Tinimbang Ka Ngunit Kulang, Maynila Sa Kuko ng Liwanag....

"Lahat yung ng mga nabanggit ko [na direktor], almost lahat sila mga National Artists.

DIRECTORS TODAY. "So far...ewan ko? But, merong mga magagaling ngayon, but they just have to make a statement.

"Kasi more often, the directors now, would only follow the instructions of the network or the producer.

"Although magaganda. Lumalabas din naman ako sa ibang mga pelikula ngayon. Katulad ng mga pelikulang love story, romantic story, comedy... Magaganda, very entertaining.

"Pero wala pa yung... May classic movie ba tayo lately na tinangkilik ng tao, at the same time, tinangkilik ng mga estudyante, ng eskuwelahan?"

Biglang naalaala ni Christopher ang pagbisita sa kanya ng ilang estudyanteng gumagawa ng pag-aaral sa isang lumang pelikula niya.

"Kagabi lang, may nag-interview sa aking taga-La Salle. Taking up communication arts and marketing. Sabi nila, pinapanood daw sa kanila— mga bata pa ’to, ha. Teenagers pa halos ’to, e, mga 19—yung Tinimbang Ka Ngunit Kulang.

"Hanggang ngayon, pinag-aaralan pa rin sa eskuwelahan," bida pa ni Christopher sa pelikulang pinagbidahan niya 37 taon na ang nakararaan.

WORKING AGAIN WITH MARIO O’HARA. Sa mga sagot na ito ng aktor, mahihinuhang wala siyang diretsahang mapangalanan na magaling na direktor ngayon na puwedeng humubog talaga ng magaling aktor.

Kaya tuloy sa mga subok na niyang direktor ang paghanga niya, katulad ng makakatrabaho niyang muli na si Mario O’Hara na nakatrabaho na niya noon sa Tatlong Taong Walang Diyos (1976).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ito siguro magiging classic na telenovela, dahil alam ko itong si Mario O’Hara hindi gagawa ng hindi matindi, e.

"Yung huli niya, yung Babae sa Breakwater [2003], ang ganda, nun, di ba? Isa sa mga magaganda yun.

"Magaling si Mario," sabi pa ni Christopher tungkol sa direktor ngayon ng Sa Ngalan ng Ina.

WORKING WITH NORA. Sa mini-seryeng ito, muling magkakatambal silang dalawa ng dati niyang asawa na si Nora Aunor. Biniro ng PEP na mabubuhay na namang muli ang fans nila at may kilig factor na naman kung sakali sa muling pagtatambal nila.

"Siguro iba na ang tingin nila ngayon, dahil hindi na sila kikiligin. May edad na kami," natawa pa pagkatapos na sabi ni Christopher.

"But mae-excite sila, sigurado ’yan. Pag nagharap na kami sa harap ng kamera at nagpalitan na kami ng talino. Ha-ha-ha!"

Pero seryoso ni Boyet, "Siguro yung drama. Yung istorya, definitely, maaantig sila."

"ULTIMATE LEADING MAN." Napag-usapan na ang tambalan, kilala rin si Christopher sa tagumpay ng love teams na kinasangkutan niya. Mula sa pagtatambal niya kina Nora Aunor, Vilma Santos, Lorna Tolentino, Kuh Ledesma, hanggang sa team-up niya kina Sharon Cuneta at Alice Dixson.

Nagkaroon tuloy ng reputasyon si Christopher bilang "the Ultimate Leading Man."

"Kasi I work closely with the actor, or my partner. Even kahit na sa sinabi mong father and son, I communicate, I listen...

"Yung sapawan, hindi uso sa akin yun, e. Kaya nga mahilig ako sa basketball, team work ito, e."

Nakikipag-usap daw siya sa kanyang kapartner o kaeksena tungkol sa gagawin nila at pinag-aaralan nila kung para kanino ba talaga ang eksena nang maiparating nang maayos ang mensahe ng gagawin nila.

"Ibibigay mo yun. Susuporta ka nang maigi. Magiging patient ka, kung saka-sakaling humuhugot pa yung artista. Magiging pasensiyoso ka."

Factor din daw sa pag-click ng partnership niya sa iba’t ibang leading ladies ay ang respeto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Lorna Tolentino, yung love scenes na ginagawa namin nung araw... I never took advantage of any of my leading ladies.

"So respect is very important.

"Like si Sharon Cuneta, pag humuhugot na ’yan, tumatabi ’yan. I just keep quiet."

"JUST ONE OF THE BEST". May maibabahagi ba siyang iba pang tips kung paano maging mahusay na aktor o leading man?


"Kanya-kanya tayong mga talent na binigay ng Diyos. Yung capabilities natin, use it to the max.

"Actually ako, I don’t really consider myself as a very, very good actor.

"I’m one of the best. But maraming best diyan. I’m just one of the best."

Humahanga raw siya sa mga nakakasama niyang mga aktor ngayon na nakakamemorya ng script pagkabigay sa mismong set o shooting na ng isang pelikula.

"Ako kasi, I need at least two days from the taping or shoot to prepare, to memorize. Pag nag-memorize ako ng script, walang makakaistorbo sa akin sa bahay.

"Plus I really need to prepare. An actor has to prepare. From his clothes... I study, I prepare. And I prepare a lot," pagbabahagi pa ni Christopher.

ACTOR WITH THE "X" FACTOR. Bago matapos ang interview ay tinanong ng PEP kung may aktor ba ngayon na nakikita niya ang sarili pagdating sa talento sa pag-arte.

"Wala," sagot muna ng beteranong aktor. "Pero nagagalingan ako kay Gerald Anderson.

"He’s got it. Meron siya nung... the ’X’ factor. Basta, meron siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN