Paulo Avelino moves to ABS-CBN to reinvent himself

"Dun [GMA-7] na ako lumaki, kaya lang dumarating talaga sa point na kailangan mong gumawa ng move para sa career mo. And so far, ito na yung pinakamalaking move na ginawa ko—to reinvent myself," says Paulo Avelino.


Isa si Paulo Avelino sa mga artistang dumalo sa birthday party ng Regal matriarch na si Lily Monteverde kagabi, August 19, sa Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City.

Siyempre pa, hindi pinalagpas ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press na makausap ang young actor. Lalo na’t isang malaking career move ang ginawa niya nitong linggong ito.

Noong August 15, Lunes, ay pumirma na ng kontrata sa ABS-CBN ang dating Kapuso talent. (CLICK HERE to read related story.)

Nang tanungin kung ano mga nakasaad sa kontratang pinirmahan niya sa Kapamilya network, tumanggi ang StarStruck 4 alumnus na magbigay ng detalye.

"Pero it’s a fair contract. Yun lang," matipid niyang sabi.

Nilinaw ni Paulo na wala siyang sama ng loob sa GMA-7, na naging home network niya sa loob ng limang taon. Gusto lamang daw niyang i-"reinvent" ang kanyang sarili.

"Never naman akong pinabayaan ng GMA-7," sabi ng 23-year-old actor.

"Nag-decide lang akong lumipat sa Kapamilya network to reinvent myself.

"Dun [GMA-7] na ako lumaki, kaya lang dumarating talaga sa point na kailangan mong gumawa ng move para sa career mo.

"And so far, ito na yung pinakamalaking move na ginawa ko—to reinvent myself."

KIM CHIU. Pero sinasabing isa sa dahilan kung bakit nagdesisyon si Paulo na lumipat sa ABS-CBN ay para makatrabaho niya ang young actress na si Kim Chiu.

Inamin naman ito ni Paulo.

"Siyempre si Kim Chiu, hindi lang naman siya magandang mukha magaling din siya na aktres.

"Kaya siyempre, bilang nasa kabila ako at hindi ko pa nakakatrabaho yung....

"Ewan ko, si Kim Chiu talaga agad ang unang pumasok sa utak ko, e," sabi niya.

In another interview, sinabi ni Paulo na ang gusto niyang makatrabaho sa roster of talents ng ABS-CBN ay si Kim Chiu.

FIRST PROJECT. Nasulat sa PEP Alerts na posibleng ang unang proyekto na gagawin ni Paulo bilang Kapamilya ay isang teleserye na pagsasamahan daw nila nina Coco Martin at Julia Montes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi pa ito makumpirma ng young actor.

"As of now, may sinabing project pero di ko pa sure... di ko pa kilala kung sino yung ibang cast. Kaya hindi ko pa masasagot sa ngayon," saad niya

REGAL BABY. Bukod sa pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN ay pumirma rin ng kontrata si Paulo sa Regal last year.

Anong feeling na isa na rin siyang Regal baby?

"Being a Regal baby, parang masaya, e. Kasi it opens new things for you.

"Iba rin kasi yung big screen sa telebisyon. Maraming natututunang bago and nakakatulong din sa craft ko bilang isang aktor," sabi ni Paulo.

Dapat sana ay ang naipalabas nang Pau ang unang pelikula ni Paulo para sa Regal Films. Pero nagkasakit siya nang sinimulan na ang shooting kaya pinalitan siya ni Mikael Daez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN