Dennis Trillo on reports that ex-girlfriend Jennylyn Mercado refuses to work with him: "Baka siya ang tinanggihan ko."

When asked if he has moved on after his breakup with girlfriend Jennylyn Mercado, Dennis Trillo says: "Ayoko na lang pag-usapan ’yan. Ngayon ang gusto ko ay maka-partner ang iba. Ayokong ma-stuck sa isang kapareha lang."



After mabalita na tinanggihan daw ni Dennis Trillo na makasama sa isang proyekto ang ex-girlfriend na si Jennylyn Mercado, may bulung-bulungan na kahit naman daw ang aktres ay tumanggi rin na makatrabaho uli si Dennis.

Sa tinatakbo ng pangyayari, mukhang di pa talaga handa ang dating magkasintahan na magkita at magkasama sa isang trabaho.

Understandable naman daw ang sitwasyon kung saan hindi naging maganda ang paghihiwalay ni Jen at Dennis.

Sa birthday party ni Mother Lily Monteverde last Friday, August 19, sa Imperial Palace Suites, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dennis at hiningan namin siya ng reaksyon sa bali-balitang kahit naman daw ang ex niya ay tinanggihan siyang makatrabaho.

"Tinanggihan niya ba ako? Ewan ko, wala akong alam dun," sabi niya.

"Sa akin naman, walang problema kasi may mga trabaho naman ako.

"Actually, hindi ko nabalitaan ’yan. May ganyan bang balita?

"Baka siya ang tinanggihan ko, di ako ang tinanggihan niya."

Napapanood ngayon si Dennis sa afternoon soap na Sinner or Saint, samantalang si Jennylyn naman ay kasama sa cast ng early primetime series na Futbolilits.

Nangangahulugan ba ito na hindi pa siya bukas makatrabaho ang dating kasintahan?

"Ayoko na lang pag-usapan ’yan," iwas ni Dennis.

"Ngayon, ang gusto ko ay maka-partner ang iba. Ayokong ma-stuck sa isang kapareha lang.

"Kailangan mong mag-grow as an actor; di naman puwede na sa isang leading lady ka lang."

Masasabi ba niya na naka-move on na siya after the breakup?

"Alam mo, di ko nga naaalala ’yan until binanggit mo sa akin. Masaya ako, sobrang saya ko," saad ng aktor.

Kahit nga sa bagong pakikipagrelasyon, sa ngayon ay hindi pa bukas si Dennis, kahit nababalita na nakikita siyang may kasamang iba’t ibang babae.

"Sa ngayon, sobrang busy ako, ang dami kong ginagawa.

"Masaya ako na I’m single, I’m free and I can do whatever I want to do.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At the same time, ang dami kong trabaho, everything is perfectly balanced sa career ko, sa buhay ko."

LESSON LEARNED. Nang tanungin namin at hingan ng komento sa balitang nagkakamabutihan na sina Jennylyn at Luis Manzano, iwas namang magbigay ng anumang pahayag si Dennis.

"Ayokong mag-comment tungkol diyan."

Ang mga naging girlfriends ni Dennis ay sina Cristine Reyes, Carlene Aguillar (ina ng kanyang anak na si Calix), at ito ngang huli, ay si Jennylyn.

Makahulugan ang sagot sa amin ng aktor nang tanungin namin siya kung anu-ano ba ang natutuhan niya sa pag-ibig at pakikipagrelasyon?

"Wag kang magmadali at kailangang kilalanin mo muna ang magiging karelasyon mo," aniya.

CALIX. Kinumusta din namin sa aktor ang anak ni Dennis kay Carlene na si Calix Andreas.

"Magpu-four na siya this coming September. May kaunting celebration, lagi namang mayroon. Pero sinelebreyt namin yun privately, with the entire family lang.

Okay lang din ba sa kanya kung saka-sakaling mag-showbiz ito gaya ng ibang anak ng mga artista?

"Wala pa yun [pag-aartista] sa priorities; ang importante sa akin ay makatapos siya ng pag-aaral.

"Napapanood niya ako sa TV, pero hindi ko alam kung gusto niyang gayahin yung mga ginagawa ko," sabi ni Dennis.

MY NEIGHBOR’S WIFE. Bukod sa Sinner or Saint ay tinatapos din ni Dennis ang pelikulang My Neighbor’s Wife, kung saan kasama niya sina Jake Cuenca, Lovi Poe, at Carla Abellana.

"Malapit na siyang matapos, three days na lang kami tapos na," banggit niya.

"It’s a sexy-drama, lahat kami dito may sexy scenes.

"PG-13 naman so di naman siya ganun ka-sexy gaya ng iniisip ng iba."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN