Jake Cuenca on his love scenes in My Neighbor’s Wife: "Ito talaga yung pinaka-daring na nagawa ko."

Totoo bang may butt exposure scene si Jake Cuenca sa movie?

"Iyan ang abangan n’yo!" ang natatawang sabi ni Jake.


Isa si Jake Cuenca sa celebrities na dumating sa birthday party ni Mother Lily Monteverde na ginanap last August 19 sa Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City.

Sinikap daw ni Jake na makapunta sa naturang event dahil hindi niya pwedeng palagpasin ito. Malaki raw ang pagmamahal niya kay Mother Lily dahil ito ang unang nagtiwalang producer sa kanya na binigyan siya ng pelikula.

"Si Mother, classic talaga iyan. Nag-iisa lang si Mother Lily sa industriyang ito. Talagang mahal na mahal namin siya. We love her completely just the way she is. Don’t ever change, Mother. Mahal na mahal namin kayo," sabi ni Jake nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa party.

Ang first experience daw niya nang makilala niya si Mother Lily was way back noong ang manager niya ay ang namayapa nang si Douglas Quijano.

"Matagal na yun, hindi pa ako artista, ipinakilala na ako ni Tito Dougs kay Mother. Kaya gustung-gusto kong nagtatrabaho sa Regal kasi may sentimental value na sa akin, lalo na sa pinagsamahan nina Tito Dougs at Mother.

"At noong buhay pa si Tito Dougs, siya yung nagsabi sa akin to do movies sa Regal. And thankful ako kay Mother Lily dahil tinanggap niya ako at pinagkatiwalaan."

Ano ang birthday wish niya for Mother Lily?

"Nasa kanya na lahat e. Ang wish ko lang maging successful lahat ng pelikulang ginagawa niya at gagawin pa. More blessings to come and God bless you always, Mother."

MOST DARING AND SEXIEST MOVIE. Ang latest movie nga ni Jake na My Neighbor’s Wife ay produced by Regal Entertainment.

Kasama niya rito sina Dennis Trillo, Carla Abellana at Lovi Poe. Directed by Jun Lana, ang My Neighbor’s Wife ay ipalalabas na sa mga sinehan simula sa September 14.

"Para sa akin dapat talagang mapanood itong pelikula na ito, kasi itong combination na ito, itong tambalang ito, minsan lang iyan e. Noong inalok sa akin ito, sabi ko, bihira lang makarating sa akin yung ganitong oportunidad na maidirek ni Jun Lana, na taga-Channel 7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos makatrabaho ko ang pinakamaiinit na mga artista ng GMA-7. Kaya sana, panoorin at suportahan ito ng mga tao."

Ayon kay Jake, ang pelikulang ito ang pinaka-daring at pinaka-sexy na nagawa niya.

"Oo, very daring yung movie. To tell you honestly, yung mga love scene na nagawa na namin, ito talaga yung pinaka-daring na nagawa ko.

"Na-challenge kami kay Direk na gawing natural at totoo, na maging professional sa set pagdating sa mga love scene namin.

"Alam mo, sa totoo lang, walang ilangan, talagang priority namin ni Dennis na alagaan yung leading ladies namin, na protektahan sila. At yung leading ladies namin, ang sarap katrabaho dahil madali naming natatapos ang mga eksena."

Totoo bang may butt exposure daw siya sa movie?

"Iyan ang abangan n’yo!" natatawang sabi ni Jake.

WORKING WITH AWARD-WINNERS. Si Carla raw talaga ang ka-partner ni Jake sa movie at si Lovi naman ang kay Dennis. Pero may mainit daw na palitan ng partners na magaganap sa pelikula.

"Yung istorya namin, kaya ko rin nagustuhan at tinanggap kasi yung topic niya, yung premise ng istorya, very mature yung content.

"For young couples na nag-a-aspire na magpakasal nang maaga, feeling ko kailangan muna nilang panoorin ito. Kasi ang ikinukuwento ng pelikula namin ay yung mga hindi maikuwento ng mag-asawa.

"Siyempre hindi ibig sabihin na ikinasal ka na ay happy ending na ang kapupuntahan nun. Siyempre, a marriage needs work para magtagal ang pagsasama. So, yun ang ipinapakita sa pelikula namin."

Pareho niyang naka-eksena at naka-love scene sina Carla at Lovi. Natural lang na lalabas ang isyu kung sino ang mas magaling humalik at makipag-love scene sa dalawa. Paano niya sasagutin ang isyung ito?

"Naku, mahirap. Kasi pareho silang magaling at professional na artista. Basta ang masasabi ko lang ginawa namin ng maayos ang trabaho namin."

Humanga raw talaga si Jake sa dalawang leading ladies nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, revelation si Carla dito. Kasi first time niyang ginawa lahat ito e. Alam ko, first time niyang mag-swimsuit, first time sa love scene. Ako, I’ve done a few daring roles already. But for Carla, this is a first.

"Yung sa amin naman ni Lovi, dati sa Bench [fashion show] lang kami nagkikita e. First time ko siyang makatrabaho sa pelikula. After working with her, bumilib ako sa kanya, ang galing niya talagang umarte. Very good actress, very supportive. Silang dalawa ni Carla, pareho silang magaling."

Ano naman ang comment niya na muntik na raw ma-insecure si Dennis sa kanya pagdating sa pagandahan ng katawan?

"Maganda rin ang katawan ni Dennis ha. Sabay nga kaming nagdyi-gym nun e. Basta ako nung sinabi sa akin na si Dennis ang makakatrabaho ko, best friend ko si Dennis, parang game na agad ako.

"E, napakagaling at professional din ni Dennis e. Tapos dagdagan pa ng Carla, dagdagan ng Lovi, wow talagang go na go. Bihira ko lang sila makatrabaho dahil puro taga-Channel 7 nga sila."

Aminado naman si Jake na kabado siya dahil puro awardees sa acting ang mga kasama niya sa pelikula.

"Ang gagaling nila, ako yung nahiya kasi lahat sila award-winning. Siyempre ako, aminin ko na hindi pa ako nananalo ng award, so mataas ang respeto ko sa kanila. May natutunan din ako sa kanila."

NEXT TV PROJECT. Busy man sa paggawa ng pelikula, hindi rin nawawalan ng project si Jake sa telebisyon.

"May gagawin akong soap starting next month sa ABS-CBN. Kasama ko si Shaina Magdayao."

Pang-primetime ba ito o sa afternoon slot?

"Hindi ko pa pwedeng idetalye e. Ang ABS ang nakakaalam kung sa primetime ba ito o sa hapon. Ako kahit saan mo ilagay yan, basta maganda ang project, gagawin ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN