Aiko Melendez says Reputasyon taping continues although lead actress Cristine Reyes is still in hospital

"Naiintindihan ko naman kung hindi siya prepared, kanya-kanyang time, e. Basta ako, maluwag na sa loob ko na wala na sa akin, tapos na yun. Kumbaga, masyado nang lumang issue ’yan for me. I think next level is to move on," says Aiko Melendez (in photo) about Ara Mina.


Sa pagkaka-confine ni Cristine Reyes sa hospital dahil sa isang sakit na di pa nada-diagnose kung ano hanggang ngayon, balitang namomroblema daw ang staff and crew ng ABS-CBN afternoon soap na Reputasyon na pinagbibidahan ng aktres.

Ayon sa bali-balita, kung tatagal pa sa hospital si Cristine, tatapusin na lang daw ang teleserye ng mas maaga at mawawala na ito sa ere.

Ayon sa isang report posted sa abs-cbnnews.com noong August 15, naka-confine si Cristine sa hospital due to high fever. Mababa rin daw ang blood platelet count ng aktres.

Hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng reaksiyon ang isa sa cast members ng Reputasyon na si Aiko Melendez noong Sabado, August 20, tungkol sa balitang ito.

Nilinaw ng aktres na tuloy-tuloy pa rin ang kanilang serye at walang katotohanan ang mga lumabas na balita na baka ihinto na lang ang Reputasyon dahil hindi makapag-taping si Cristine.

"No, actually nung Tuesday nag-taping ako nang wala si Cristine," sabi ni Aiko.

"Si Rayver [Cruz] kasi went to the States and then he was back yesterday, and tomorrow naka-set kami to tape.

"I think may kaunting revisions lang kasi si Cristine is in the hospital pa. But I think they are looking for a way.

"Nag-ready na nga yung mga scriptwriters namin na ipasok na yung week namin na script, tapos nakapag-taping naman kami the last time na wala si Cristine.

"So, hindi totoo na maho-hold ang Reputasyon."

Nadalaw na ba ni Aiko si Cristine sa ospital?

"No, kasi hindi pa rin namin alam kung open ba for visitors yung kanya. Kasi hindi namin talaga alam kung ano yung sakit niya pa.

"Actually, nung gabing ni-rush siya sa hospital, kami yung magka-eksena. Ang taas ng lagnat niya saka sobrang nilalamig siya.

"Kaya nung bandang 7:30 or 8 ng gabi, nag-decide na yung EP [executive producer] namin to send her na to the nearest hospital in Malolos [Bulacan].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And after nung Malolos, in-advise nga siya na pauwiin na siya at dalhin sa hospital sa Manila."

Sa kabila ng mga lumalabas na mga balita, tiniyak ni Aiko na mas marami pang dapat abangan na mga kaganapan sa Reputasyon.

"Marami in terms of sa mga eksena namin ni Cristine, sa mga revelations and mga twists.

"Parang wala pa yata sa half na nakikita na ng mga tao kasi mas marami pang highlights towards the middle part of the story."

ARA MINA. Naging bukas dati si Aiko sa pagsasabi na hindi siya nagsasarado ng pakikipagbati sa dating nakaalitan na si Ara Mina.

Pero sa nakaraang interview naman kay Ara, tila hindi pa ito handang makipagbati kay Aiko.

Ayon naman kay Aiko. "I respect it naman, if she feels that way, nirerespeto ko yun.

"Kaya nga even in my interviews, as much as possible ayokong i-mention siya kasi I don’t want yung dating na parang pinipilit.

"Ako rin, I want it to happen in a natural way, without yung may nag-ayos sa amin.

"Kasi kung mangyayari yun, mangyayari naman talaga yun, e.

"Naiintindihan ko naman kung hindi siya prepared, kanya-kanyang time, e.

"Basta ako, maluwag na sa loob ko na wala na sa akin, tapos na yun.

"Kumbaga, masyado nang lumang issue ’yan for me. I think next level is to move on."

Pinabulaanan naman ni Aiko ang nabalitang nagkita raw sila ni Ara sa isang okasyon, pero hindi sila nagpansinan at nagdeadmahan lang.

"Wala, wala pa kaming napagsasabayan na event or anything, wala.

"The last was I think during elction time pa, that was the last.

"Pero ang layo ng pagitan namin to even say hello or whatever," sabi niya.

Hindi kaya puwedeng si Jomari Yllana na lang ang maging tulay para magkabati sina Aiko at Ara, lalo’t ang aktor naman ang naging rason ng samaan ng loob ng dalawang aktres?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pareho kasing naugnay sina Aiko at Ara kay Jomari. Si Jomari ay dating asawa ni Aiko, samantalang naging girlfriend naman ng aktor si Ara.

"Ayaw niya, e," sagot ni Aiko.

"As much as possible, kami naman ni Jom, we don’t talk about Ara, we talk about yung sarili namin.

"Ayaw din naman naming ipilit, di ba?"

Pinabulaanan naman ni Aiko ang balitang kasama raw niya si Jomari na um-attend sa isa sa hearing sa kasong isinampa sa kanya ng dating karelasyon na si Mayor Patrick Meneses.

"Hindi, wala pa kaming hearing na nase-set. So, walang ganun na nasamahan niya ako," paglilinaw niya.

BOY ABUNDA. Bilang isang talent ng Backroom, sinabi ni Aiko na mananatili siya sa rito kahit na umalis na rito ang dati niyang manager na si Boy Abunda.

"Actually, two weeks ago pa kinausap na kami isa-isa. Sabi nga, if we still want to remain sa Backroom.

"Pero si Tito Boy will not be that hands on nga kasi may sakit si Nanay [Lesing, Boy’s mother].

"Siyempre malungkot kaming lahat. Pero ako, my word is I will still stick with Backroom.

"Kung sino ang handler ko, yun pa rin ang magiging handler ng career ko.

"With Tito Boy, kailangan naming irespeto yun dahil gusto lang naman niyang mag-spend ng time kay Nanay and we all understand that.

"Nakapag-usap na kami ni Tito Boy. Nung kausap ko siya, he feels sad kasi ang dami naming talents na under talaga sa kanya.

"Pero hindi naman talaga siya totally mawawala, na wala na siyang pakialam sa amin.

"Siyempre magla-lie low lang, kailangan lang niya is asikasuhin si Nanay and yung mga personal ano niya.

"But you know, we can still run [to him] kung may mga personal kaming problema, I think it’s still Tito Boy na puwede naming takbuhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako naman, tutal I’m still staying with Backroom, so wala namang problema dun. Naiintindihan ko yun.

"Backroom pa rin ako. Hanggang may natitira akong lugar dito sa industriya, I think I’ll still would want Backroom to handle it."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN