Baron Geisler now out from rehab, feels "separation anxiety"

"I know outside ang daming taong nakatingin sa akin and marami for sure na nag-aantay na tawanan ako, mag-stumble lang ako. Na sabihing, ’Sabi ko na hindi niya kaya, e!’ So, paglabas ko ng gate [ng rehab center], ang pinanghahawakan ko lang is my recovery and my relationship with my higher powers," says Baron Geisler.


Natapos na noong Miyerkules, August 17, ang rehabilitation program na boluntaryong kinuha ni Baron Geisler.

Anim na buwan at tatlong linggo ring sumailalim ang aktor sa naturang programa.

Pero ayon kay Baron, "bitin" pa ang panahong inilagi niya sa loob ng Penuel House.

"Feeling ko bitin, e. Parang ayokong lokohin ang sarili ko, kasi nasubukan ko nang maging ipokrito dati.

"So, parang dito, I really want to change and it’s a process hanggang... kahit paglabas ko," pahayag ni Baron sa interview sa kanya ng StarTalk TX host na si Ricky Lo.

Ayon naman sa ina ni Baron na si Mrs. Grace Geisler, todo ang suporta nila sa aktor sa panahong nasa loob ito ng rehab.

Sabi ni Mrs. Geisler, "Ako, every day, kung ano ang kailangan, nandiyan.

"Pag family day, nandito ang mga family kahit malalayo yung mga kapatid niya, from Pampanga, nandito lahat.

"Available ako twenty-four hours. Parang hindi rin siya nawala sa bahay."

Ano ang feeling ni Baron ngayong "malaya" na siya?

"Actually, the truth, may konting separation anxiety ako, e. Medyo na-attached talaga ako sa place na ito, e," sagot niya.

Nakapag-soul searching ba siya? Na-realize ba niya kung ano ang ugat ng mga problema niya?

"Unang-una, I was selfish siguro and ang dami kong mga kasalanan and ang daming pride," sabi niya.

CHERRY PIE & YASMIEN. Sa isang interview ay sinabi ni Cherry Pie Picache na okey umano sa kanya na makatrabaho muli si Baron. Isa ang aktres sa mga na-harass umano ni Baron noon.

"I really hope to work with her again, show her a different side naman siguro," sinabi ni Baron.

What about Yasmien Kurdi? Isa rin si Yasmien sa mga may reklamong harassment laban kay Baron na umabot pa nga sa korte.

Nasabi ni Yasmien sa isang interview dito na hindi pa rin nagso-sorry si Baron sa dalaga. Nakahanda na ba siyang mag-sorry kay Yasmien kapag nagkita sila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"That I cannot answer," sabi ni Baron.

"I will still leave that to my lawyers pa kasi may case pa. But bigyan ako ng right timing..."

Dagdag pa ng aktor, "I know outside ang daming taong nakatingin sa akin and marami for sure na nag-aantay na tawanan ako, mag-stumble lang ako. Na sabihing, ’Sabi ko na hindi niya kaya, e!’

"So, paglabas ko ng gate [ng rehab center], ang pinanghahawakan ko lang is my recovery and my relationship with my higher powers."

Matapos ang mga pinagdaanan ni Baron, ano ang tawag niya ngayon sa kanyang sarili?

"Baron Bago!" ang natatawang sagot ni Baron.

"Hindi na Baron Bado!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN