Rayver Cruz says girlfriend Cristine Reyes now recovering from illness

"Meningitis? Di ko pa masabi, e. May mga hinihintay pang mga results mula sa ibang ospital din. So, malalaman ninyo naman," says Rayver Cruz regarding illness of his girlfriend, Cristine Reyes.


Bilang boyfriend sa totoong buhay at leading man ni Cristine Reyes sa seryeng Reputasyon ng Kapamilya network, si Rayver Cruz ay hiningan ng reaksyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal] sa totoong kundisyon ng girlfriend na nasa hospital.

May katotohanan ba ang lumabas na mga balita na meningitis ang na-diagnose na karamdaman ng aktres.

"Meningitis? Di ko pa masabi, e. May mga hinihintay pang mga results mula sa ibang ospital din.

"So, malalaman n’yo naman," sabi ni Rayver nang makausap namin siya kahapon, August 21, sa ASAP Rocks.

Tiniyak naman ni Rayver na nasa maayos na kalagayan si Cristine, bagamat hanggang ngayon ay wala pang naibibigay talaga na findings ang doctor sa hospital kung saan naka-confine ang kanyang girlfriend.

"Ngayon, okay na siya. May mga hinihintay pang mga results.

"Pero sa ngayon, she’s recovering naman.

"Pag walang work nandun ako. Pati family ko dumadalaw din kay AA [palayaw ni Christine].

"Dun sa mga nagwu-worry," patuloy ni Rayver, "huwag silang mag-alala.

"Malakas na si AA, anytime, makakalabas na siya. Abangan ninyo, di naman siya ganun katagal na nawala."

SHE’S BETTER NOW. Sa ngayon ay medyo nakahinga na nang maluwag si Rayver sa kalagayan ng girlfriend. Pero aminado siya na sobra talaga siyang nag-aalala nung una.

"Nung una, siyempre. Tapos hinigpitan din na walang masyadong mga bisita na dadalaw para makapagpahinga talaga siya.

"Ngayon, medyo maluwag na. Nakakabisita na ngayon. Okay naman siya."

Ayon pa kay Rayver, nalulungkot at naiinip na si Cristine sa halos isang linggo na rin nitong pamamalagi sa ospital.

"Siyempre, kahit sino naman, yung tatlong araw na makulong ka, sobrang nakakainip na. Isang linggo pa?

"Basta ako, lagi ko naman siyang dinadalaw," sabi niya.

Sa Reputasyon taping nangyari ang pagsugod sa hospital kay Cristine. Isa rin si Rayver sa nagsugod sa young actress sa pinakamalpit na hospital sa Malolos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, siguro sinumpong na talaga ng sakit niya. Sobrang busy din kasi talaga yung tao.

"Pag lagare sa trabaho, talagang lagare. Bibigay talaga ang katawan ng kahit na sino pag sobrang trabaho. Di naman tayo robot, e.

"Si AA kasi, siguro mabilis sumama ang pakiramdam niya, humina na yung immune system niya. So, maambunan lang, tinatamaan agad ng sakit.

"Nung time na yun talaga, sobrang taas ng lagnat niya.

"Isa ako sa nagsugod, kahit nasa ibang lokasyon ako. Di puwedeng di ako tatakbo dun."

REPUTASYON CONTINUES. Nilinaw rin ni Rayver ang isyung lumabas na baka putulin daw sa ere ang Reputasyon dahil nga nahihirapan silang mag-taping na wala ang pinakabida.

"Hindi naman. Hindi namin inaasahan yung nangyari, pero tuloy pa rin. Hindi ito puputulin.

"Actually, marami ngang magagandang twists [sa story] na naiisip ang mga writers namin. So, tuloy pa rin siya.

"Tuloy pa rin ang Reputasyon at hindi naman puwedeng tapusin ito na wala ang bida," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN