Dennis Trillo admits cheating on a girl before; explains context of his remark about working with Jennylyn Mercado

"Na-trauma? Ayoko namang sabihing na-trauma. Gusto ko lang munang magpahinga dahil parang... medyo hindi rin maganda yung mga nangyari. Kaya minabuti kong maging tahimik, maging masaya muna for a while. And i-enjoy ko muna yung oras ko para sa sarili ko," says Dennis Trillo when asked if he was traumatized by his relationship with Jennylyn Mercado.


Sexy-drama ang tema ng latest movie ng aktor na si Dennis Trillo mula sa Regal Entertainment, ang My Neighbor’s Wife.

Gumaganap siya rito bilang mister ni Lovi Poe. Pero magkakaroon din siya ng kaugnayan kay Carla Abellana, na gumaganap naman bilang asawa ni Jake Cuenca sa pelikula.

Kung halimbawang may asawa na si Dennis at sakaling mangyari sa kanya sa tunay na buhay ang kanyang role sa My Neighbor’s Wife, paano kaya niya ito iha-handle?

"Itong pelikulang My Neighbor’s Wife, ipinapakita rito kung gaano kahalaga yung bond na binubuo ng kasal.

"At kung ano ang mangyayari, mga kumplikasyon kapag mayroon kang nilabag sa isa sa mga batas dito.

"So, ang bawat isa po sa mga characters namin dito, talagang napakahirap ng mga pinagdaanan.

"So, kung mangyayari sa akin yung mga nangyari mismo dun sa character ko, sa tingin ko, mahihirapan talaga ako dahil, palagay ko, pag ikinasal na, ano na yun, e, kumbaga, permanente na yun, e.

"E, dito pa nga lang sa mga relasyon ko na hindi pa ako kasal, marami na akong problema.

"So, lalo na siguro pag ikinasal pa ako, talagang mahihirapan ako," saad ni Dennis nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa presscon ng My Neighbor’s Wife kagabi, August 22, sa Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City.

Sa pelikula ay nagawang pagtaksilan ni Dennis si Lovi. Sa totoong buhay din ba ay nagawa na rin niyang magtaksil sa nakarelasyon niya?

"Dumating na rin yun sa akin na nag-cheat ako," pag-amin ni Dennis

"Pero sa ginawa kong yun ay may natutunan ako at hindi ko na ulit ginawa pa."

Ang karamihan ng nakarelasyon ni Dennis ay pawang mga artista—sina Cristine Reyes, Carlene Aguilar, Pauleen Luna, at Jennylyn Mercado.

Isa ba sa mga ito ang nagawa niyang pagtaksilan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayoko na lang idetalye kung ano man yung ginawa ko na yun," iwas ni Dennis.

"When it comes to giving details, medyo hindi yata maganda na magbigay pa ng detalye.

"I’m a very private person."

Siya ba yung tipo ng boyfriend na nagmamahal nang husto kapag nakikipagrelasyon, o mas gusto niya na siya ang mas minamahal?

"Madalas ako talaga yung... mapagmahal akong tao, e.

"So, masasabi ko na pag nasa isang relasyon ako, binibigay ko talaga lahat... minamahal ko nang husto yung girl."

Mapagmahal pala siyang boyfriend, pero bakit laging nauuwi sa wala ang pakikipagrelasyon niya?

"A, hindi ko alam," medyo natawang sabi ng aktor.

"Minsan talaga merong mga pagkakataon na hindi talaga uubra yung mga relasyon.

"Sa umpisa, akala mo okey. Pero siyempre as you go along the way, merong mga pagsubok na mangyayari.

"And sa tingin ko, yung mga pagsubok na yun, yun din ang naging cause ng breakup.

"Ganun talaga yung buhay, e. Siguro trial and error hanggang makilala mo talaga yung tamang babae para sa ’yo."

TIME FOR HIMSELF. Si Jennylyn Mercado ang huling nakarelasyon ni Dennis.

Mula nang maghiwalay ang dalawa ay hindi pa ulit pumapasok sa isang serious relationship si Dennis. Samantalang si Jennylyn naman ay nali-link ngayon sa TV host-actor na si Luis Manzano.

Hindi kaya na-trauma na siya sa pakikipagrelasyon?

"Na-trauma? Ayoko namang sabihing na-trauma," sagot ni Dennis.

"Gusto ko lang munang magpahinga dahil parang... medyo hindi rin maganda yung mga nangyari.

"Kaya minabuti kong maging tahimik, maging masaya muna for a while. And i-enjoy ko muna yung oras ko para sa sarili ko.

"Sa totoo lang, importante yung magkaroon ka rin ng oras para sa sarili mo, para alam n’yo yun, mai-assess mo kung ano yung mangyayari sa ’yo.

"Kumbaga, personal recollection. Kailangan mong magkaron ng time for yourself. Yun yung nangyayari sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And maganda yung epekto sa akin ngayon. Marami akong nari-realize and naisip ko na mas importante talaga yung trabaho and pamilya above anything else."

Kapag nakakarating kay Dennis ang sinasabi ni Jennylyn na masaya na siya with Luis, may konti pa bang hurt siyang nararamdaman?

"A, wala na talaga," sagot ni Dennis.

"Kasi like I’ve said before, talagang I’ve completely moved on.

"Hindi ko magagawa itong mga projects na ito kung na-stuck pa rin ako dun sa phase nung buhay ko na yun, na alam kong hindi na makakatulong sa akin.

"So, talagang minabuti ko and sinigurado kong i-set aside lahat ng mga negative na makakapagpabagal sa pag-unlad ko bilang isang tao."

So, masasabi niya na mas maayos ang buhay niya ngayon being single?

"Well, sa ngayon, ganun nga yung nagiging effect," sagot niya.

"Siguro itutuluy-tuloy ko muna na ganito ngayon dahil maganda naman yung nangyayari so far."

Sa tingin niya, parang mas okey yung ganoon na successful siya sa career kesa lovelife?

"Well, sa totoo lang, you can’t have the best of both worlds.

"Kaya siguro mamili ka na lang muna ng isa dun sa dalawang yun kung ano yung mas importante talaga sa ’yo.

"And sa akin sa ngayon, mas importante itong magandang nangyayaring ito dahil... hindi ko alam kung hanggang kelan mangyayari itong ganitong bumubuhos na mga blessings sa akin.

"So, might as well strike while the iron is hot."

INSTINCTIVE REACTION. Sa isang interview ni Jennylyn ay sinabi niya na tinanggihan daw niyang makatrabaho si Dennis sa isang proyekto.

Nang kunin ang reaction ni Dennis sa sinabing ito ng kanyang ex-girlfriend, ang naging pahayag niya ay mas nauna raw niyang tinanggihan si Jennylyn. (CLICK HERE to read related story.)

Na parang pinalabas ni Dennis na may offer sa kanya na proyekto with Jennylyn, pero tinanggihan niya ito dahil ayaw na niyang makatrabaho ang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa sinabing ito ni Dennis ay marami ang nag-react. Mayabang daw ang naging dating niya at napaka-ungentleman.

Ano ang masasabi ni Dennis tungkol dito?

"As much as possible, I wouldn’t like to talk about it that much dahil...

"First of all, kaya ko nasabi yun, it was an instinctive reaction dahil yun nga, may narinig akong may tinanggihan daw siyang project.

"Na parang wala namang ganoon, na parang wala naman talagang project na in-offer sa aming dalawa na posibleng tanggihan niya," paliwanag ni Dennis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN