Carla Abellana is castigated by veteran entertainment writer

My Neighbor’s Wife star Carla Abellana gets a mouthful from veteran showbiz columnist Mario E. Bautista last night at the movie’s press conference.


Mainit ang naging takbo ng diskusyon kagabi, August 22, sa presscon ng My Neighbor’s Wife sa Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City.

Matapos kasi ang mga pagtatanong tungkol sa mga maiinit na eksena ng stars ng pelikula na sina Carla Abellana, Lovi Poe, Dennis Trillo, at Jake Cuenca, uminit ang presscon dahil sa tensyon na dulot ng pagpapalitan ng salita ni Carla at ng beteranong showbiz writer at columnist na si Mario E. Bautista.

Pangalawa sa huling magtatanong sana si Mario at magtatanong din sa iba pang stars ng pelikula ng Regal Films, pero inuna niya si Carla.

Una muna’y tinanong nito si Carla kung may gusto raw ba itong sabihin sa kanya.

"Hi, oo. Na hindi n’yo pa po ako nai-interview. Tapos may lumabas na article... So, ’eto na po," sagot ni Carla.

Tinanong ng beteranong showbiz writer kung nabasa na ba ni Carla ang e-mail naman niya sa dalaga na sinagot naman nito ng "Hindi pa."

Tila hindi nagustuhan ni Mario ang sagot ni Carla kaya sinabi nito na sasabihin na lang niya kung ano ang in-email niya rito.

"What I said was I used to be fond of you. When you signed up with Regal, I was there.

"And I think I was the first one who wrote a full article on you ever since you started," sabi ni Mario.

Binanggit din ni Mario kung gaanong sinuportahan niya ang naging takbo ng career ni Carla base sa performances nito sa mga proyektong nagawa na nito mula sa Rosalinda hanggang sa "Funeraria" episode ng aktres sa Shake Rattle & Roll X.

Sabi ni Carla, very thankful daw siya sa mga ginawang ito ni Mario.

Nagprotesta naman si Mario sa sinabing ito ni Carla, "No. You didn’t say that. Not once did you acknowledge that I wrote anything positive about you!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nangatwiran naman si Carla na very positive naman daw ang article na isinulat ni Mario tungkol sa kanya. Kaya nga lang ay di pa raw sila nagkakausap uli ni Mario, therefore, wala silang interview na basehan ng article na inilabas.

"You quoted me po, when in fact, you haven’t interviewed me," sabi ni Carla.

Pero agad siyang binara ni Mario.

"Makinig ka sa akin. Yung nilabas kong sinasabi mo na hindi kita kinausap, galing lahat ’yon sa Regal.

"So, hindi mo alam ang slant ng Regal para sa promo ng movie?"

"Okay..." nasabi na lang ng tila nalilinawan na si Carla.

"Tapos susulat ka sa akin... Minsan lang ako may naisulat sa iyo na parang hindi mo nagustuhan, magrereklamo ka.

"And all the while, I’ve been writing positive things about you that you never even acknowledge it or even said thank you, kahit minsan?" tuluy-tuloy na pagkastigo ng beteranong writer kay Carla.

Dito ay panay naman ang sabi ni Carla ng "Opo, opo."

THE WRITEUP THAT CAUSED IT ALL. Ang pinagtatalunan nina Carla at Mario ay ang write up na ito na lumabas sa column ni Mario sa People’s Journal, kunsaan lumabas ang quotes na ito:

"It’s true, when I joined showbiz, I said I won’t do torrid kissing scenes at hindi ako magbibikini," she says. "Pero heto, ngayon, ginawa ko. When the shooting started, wala naman sinabi sa ’kin si Direk Jun Lana that I’ll be made to do such scenes. But in the course of the shooting, I was pushed to the limits. The biggest challenge here for me is Lovi Poe. Kasi all out siya sa sexy scenes niya so I felt obligated na pantayan yung ginagawa niya kasi kung hindi, ano na lang ang mangyayari sa ’kin sa movie? Mapag-iiwanan ako. The first time I did a love scene with Dennis Trillo, grabe ang kaba ko. But I have to thank Dennis kasi magaling siya magdala ng eksena. He can make the scene appear really sensual. Ganun din si Jake Cuenca, mahusay in doing bed scenes."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tweet naman ni Carla sa kanyang Twitter account pagkabasa ng write up ni Mario:

"Hi Carlaholics, Careoffsters and Carlanatics! Just thought it would be important for all of you to know that this article is untrue. Not a single word Mario Bautista (the writer) supposedly ’quoted’ from me is true.

"Don’t worry, I have called his attention and messaged him. Hopefully he corrects this mistake or at least acknowledge it. I just think this is unfair for me because I am the subject of his article, and unfair for all of you because you are all receiving the wrong news and information.

"For him to use such words as ’... biggest challenge here for me is Lovi Poe...’ and ’... I feel obligated na pantayan yung ginagawa niya...’ are words that never even crossed my mind, all the more come out of my mouth.

"Fourth, the supposed quotation in the last line of his first paragraph says, ’Ganu’n din si Jake Cuenca, mahusay in doing bed scenes.’ How can I possibly say that when Jake and I haven’t even done a love scene?"

Sa pag-uusap nga nina Carla at Mario, habang tahimik namang nakikinig ang stars at producer ng pelikula na si Mother Lily Monteverde at iba pang press, sinabi ni Mario na ginamit niya lang ang press release na bigay sa kanya ng Regal, habang patuloy ang pagdidiin ng tila hindi magandang pagsita sa kanya ni Carla dahil sa inilabas niya sa kanyang kolumn.

"Ang ibig kong sabihin, pagka may mga naisusulat na magaganda sa iyo, wala kang reaksyon. Meron lang akong naisulat na binase ko lang sa press release ng Regal, sinulatan mo agad ako.

"You even went out of your way to find out my email address!" paglalabas pa ng sama ng loob ng beteranong writer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero pangangatwiran pa uli ni Carla, nagpapasalamat naman daw siya sa pagsuportang ginawa ni Mario mula nung nagsimula pa siya.

Ang ikinaaayaw niya lang ay yung na-quote daw siya.

"I hope, Sir, na you will understand po na I am reacting because I was quoted in the article," ani Carla.

Pero katwiran naman ni Mario, marami na siyang naisulat tungkol kay Carla na galing din sa press releases ng GMA-7, pero wala raw itong naging reklamo si Carla.

Ang ikinasasama pa raw ng loob ni Mario ay kung bakit siya lang daw ang sinita ni Carla gayong lumabas din naman sa iba pang columnists ang press release ng Regal.

"Hindi na lang po ako makikipag-away..." nasabi na lang ni Carla.

Pagtutuwid naman ni Mario, hindi raw siya nakikipag-away, gusto lang daw niyang linawin na hindi niya nagustuhan ang pagrereklamo ni Carla.

COMPARING CARLA TO LOVI. Ikinumpara pa ni Mario si Carla sa co-star nitong si Lovi Poe na laging nagpapasalamat sa lahat ng nasusulat sa kanya.

"She has more manners than you," dagdag na pasaring pa ni Mario kay Carla.

Humingi na lang ng patawad si Carla sa na-offend na showbiz writer.

"Okay, so, sige po. I guess I will just finish this by apologizing kung kayo po ay na-offend.

"In a way, ako din po, I was just reacting because na-misquote po ako.

"So I hope you will understand me, coming from my end po kung bakit po ako nagre-react.

"But it was not my intention to make you feel bad.

"Never ko pong intention to make you feel bad, Sir.

"Sana po maayos po natin ito, kung ano po ang nangyari. Kung bakit umabot sa ganitong comment.

"So, sorry po. Sorry po if I made you feel bad.

"Sorry if you feel that I am not thankful. I am po. Very much thankful for all your support. All the good article that you have written about me..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi pa rito natatapos ang mainit na pagkastigo kay Carla dahil may isa pang ikinasasama ng loob si Mario.

THREAT AND DEMAND. Ito ay ang pagti-threat at ang pag-demand daw ng dalaga ng erratum at retraction mula sa kanya at kung paano niya isusulat ang kanyang column.

"You cannot make that work against me!" sabi ni Mario.

Itinanggi naman ni Carla na sinabi niya nga ang mga ito sa kanyang mensahe kay Mario, na binara uli ng writer.

"Basahin mo nga yung e-mail mo!" inis sabi pa ni Mario. (CLICK HERE to read Carla’s email.)

Singit naman ng publicist ng Regal at host ng presscon na si Jun Nardo, "Nakita ko nga yung email, may threat nga doon."

"Ayusin na lang po natin ito after the presscon," ang nasabi na lang ni Carla.

Pero hindi na uli nagkausap sina Carla at Mario pagkatapos ng presscon dahil nag-walkout na ang beteranong manunulat pagkatapos magsalita ng aktres.

Si Carla naman ay hindi mapigilang mapaluha habang kinakausap ng press pagkatapos ng open forum.

CLICK HERE to watch the video clip of Carla’s exchange of words with Mario.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN