Eugene Domingo: "Wedding na wedding na ako!"

"Gusto ko ring maranasan ’yong [feeling ng ikinakasal]. At ikatutuwa ng mga magulang ko ’yon at mga kaibigan ko!" says Eugene Domingo about her dream to get married someday.


Matapos ang kanyang successful indie film na Ang Babae sa Septic Tank, muling magbabalik sa pelikula ang komedyanang si Eugene Domingo sa proyekto ng Star Cinema at OctoArts Film na Wedding Tayo, Wedding Hindi.

Naging sunud-sunod ang paggawa ng pelikula ni Eugene ngayong taon. Sa katunayan, ika-apat na niya ang Wedding Tayo, Wedding Hindi na ipalalabas sa Agosto 31.

"Nagkataon lang talaga na ang gaganda ng mga ino-offer," sabi ni Eugene nang pinuri siya ng ilang batikang entertainment writers kagabi, Agosto 22, sa Burgoo Restaurant, Tomas Morato, Quezon City.

Dagdag pa niya, "Hindi ko talaga mapapalampas [ang mga offer]. Iba’t ibang rason, lalo na at gustung-gusto ko talaga gumawa ng pelikula more than TV right now."

Pagkatapos ay pinasalamatan din niya ang suportang ibinigay ng publiko sa kanyang mga naging pelikula, lalo na ang mga nanonood ng Ang Babae sa Septic Tank.

Ito ay ipalalabas sa Busan Film Festival sa South Korea at nominado naman sa Vancouver International Film Festival.

Ayon kay Eugene, "Sa akin, talagang very evident na ang audience natin, kailangang bigyan natin ng bago.

"They’re really very hungry and thirsty, let’s give them something new.

"Sa tingin ko kasi, ’yong bumibili ng ticket sa sine ay those who watch Hollywood films.

"Parang tinitingnan din nila. ’Manonood din naman kami. Kaya lang parang pare-pareho lang din ang binibigay ninyo, e.’

"Susuporta naman talaga sila, kaya lang bigyan naman natin sila ng bago."

READY FOR A WEDDING. Samantala, nabanggit naman ni Eugene na bago para sa kanya ang karakter na gagampanan niya sa Wedding Tayo, Wedding Hindi.

Aniya, "Ngayon lang ako nagkaroon ng character na ayaw ko nang mag-asawa at ayaw ko na sa asawa ko. Dahil kadalasan, kung hindi naman palagi, ay atat na atat na akong magkaasawa."

Sobrang kabaligtaran daw ito sa kanyang tunay na pagkatao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung noon ay hindi niya inaalala ang pagiging single, ngayon naman, "Sa totoong buhay, wedding na wedding tayo ako. Wedding na wedding na ako!"

Bakit tila nagbago ang pananaw ni Eugene sa pagpasok sa isang relasyon?

"Ako rin, e, parang nagulat ako," sagot niya.

"Dati parang okay lang sa akin na maging mag-isa, didiretso na ako sa kumbento. Naisip ko ’yon.

"Pero dumarating pala ang panahon na parang nakukuntento ka. ’Tapos handa ka nang maging selfless.

"Handa ka nang maging supporting actress talaga sa mapapangasawa mo.

"Talagang dumarating ka sa point na, malamang okay na.

"Kung mayroon mang lalaki talaga na iibig sa akin, nandito lang ako sa likod niya to support him. Ready naman na ako."

Tumango si Eugene nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung handa na siyang bitawan ang showbiz career kung sakaling dumating ang lalaking para sa kanya.

Paliwanag pa niya, "Being married talaga is a career."

Aminado na siya na maaring masyado nakatuon ang atensyon niya noon sa trabaho kaya hindi niya alintana ang pagiging single.

Dagdag pa niya, "Nabaling talaga sa passion ko, e, sa pagiging artista. Siguro, nauna akong ikasal sa aking karera.

Gayunman, naniniwala ang award-winning actress na darating din ang panahon na makikita niya ang kanyang kapareha sa buhay.

"At the end of the day, after all this glitz and glamour, there’s still one person in life," pagtatapos ni Eugene.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN