Jake Cuenca likens Lovi Poe to a red juicy apple; invites her to attend Star Magic Ball

"Para siyang ano, e, mansanas! Mamula-mula. Masarap kagatin. Juicy," Jake Cuenca describes co-star Lovi Poe.


Malaking move ang ginawa ni Jake Cuenca na imbitahan si Lovi Poe sa Star Magic Ball sa September 3.

Kapamilya si Jake at Kapuso naman si Lovi. At ang Star Magic Ball ay isang taunang pagdiriwang ng talents ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN.

"Kapuso? Wala naman akong nakikitang masama kasi," sabi ni Jake nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng My Neighbor’s Wife ng Regal Entertainment, Inc. sa Imperial Palace Suites kagabi, August 22.

First time yata na ang isang taga-GMA-7 ay dadalo sa isang event ng mga taga-ABS-CBN.

"Oo, first time. Ipinaalam ko, tapos excited rin naman sila," sabi ni Jake.

"Na-excite din naman sila na pupunta siya sa Star Magic Ball. So, ipinaalam ko kina Mr. M [Johnny Manahan], kina Tita Mariolle [Alberto]."

Ano ang sabi nila?

"Walang problema! Walang problema."

Bakit si Lovi?

"Okay kasi yung pinagsamahan namin sa movie. Sobra nga yung pinagsamahan namin sa movie.

"And yun, napagkukuwentuhan namin yung ball isang beses.

"Tinanong ko siya, ’Gusto mo bang pumunta? Wala rin naman akong date. Gusto mong ma-experience yung Star Magic Ball?’

"Sabi niya, ’Hindi ba nakakahiya?’

"Sabi ko, ’Hindi, okay lang ’yan. Ako’ng bahala sa ’yo.’

"Talagang aalagaan ko din naman siya dun."

Hindi kaya ma-out of place si Lovi? Hindi kaya ito pagtaasan ng kilay ng iba?

"Hindi. Hindi. Hindi, ako na ang bahala dun.

"Hindi ko naman hahayaan na malagay sa alanganin ang isang tao," paniniguro ni Jake.

Deretsong tanong—nililigawan ba ni Jake si Lovi?

"Nililigawan?" balik-tanong naman ng young actor.

At this point ay biglang dumaan si Lovi sa harap ni Jake at narinig ang tanong namin. Hindi ito umalis at nag-stay sa harap ni Jake at hinintay ang sagot ng binata.

Tongue-tied naman si Jake at hindi malaman ang isasagot sa tanong namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nililigawan ba niya si Lovi?" ulit naming tanong.

"Ayan siya. Ayan siya, e," sabi ni Jake na nagba-blush.

Which made Lovi ask Jake kung bakit siya nagba-blush. Sabay pangungulit na rin kay Jake na sagutin niya ang tanong namin.

Sumagot lang si Jake nang umalis na ang aktres para magpunta sa comfort room.

"Hindi, ano lang... Ano, alam mo, okay talaga yung pinagsamahan namin sa pelikula.

"Ligaw? Kaibigan muna, kaibigan."

Balak niyang ligawan ang dalaga?

"Basta okay talaga pinagsamahan namin sa set. So, ayun. Sa akin naman magkaibigan kami," paliguy-ligoy na sagot niya.

CAN YOU LOVE HER MORE? Kaya ba ni Jake, if ever, na tapatan or lampasan ang naging pagmamahal at pag-aalaga ni Ronald Singson kay Lovi noon?

"Basta walang planu-plano. Magkaibigan kami, okay ang samahan namin sa set. Masaya kami palagi.

"Wala naman akong ginagawang mali, di ba? Wala namang masama sa pagiging kaibigan.

"Sa akin naman, sa totoo lang, magkaibigan kami. Hindi rin naman ako nagmamadali ngayon.

"Kasi, di ba, I just came out from a two-year relationship. I’m not rushing into anything. Hindi ako nagmamadali.

"And aaminin ko, maganda talaga ang pinagsamahan namin sa movie.

"Natapos yung movie today. Bitin na bitin ako sa shooting. Bitin talaga!" saad niya.

BE MY DATE. Ipalalabas ang My Neighbor’s Wife, sa direksyon ni Jun Lana, sa September 14 at kasama rin nila sa pelikula sina Carla Abellana at Dennis Trillo.

Ani Jake, "I love this movie and I gained three very good friends. Tulad sa ball, I asked her [Lovi].

"Napag-usapan namin yung ball, tapos kinukuwento ko sa kanya yung Star Magic Ball at ayun sinabi ko.

"Parang, ’Gusto mong sumama? Gusto mong subukan?’

"Tapos ipinaalam ko," patuloy pang kuwento ni Jake.

Sa tingin ba ni Jake, if ever magkaroon sila ng relasyon ni Lovi ay magiging isang malaking challenge na siya ay Kapamilya at si Lovi ay Kapuso?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m not even thinking of going there. I mean, sa ngayon, parang you know what? Kasi, I’m just not rushing anything.

"Hindi lang talaga ako nagmamadali ng kahit ano. At the same time, alam mo yun? Siguro...

"I just came out... I just came out of a relationship and, you know, I am just cherishing a friendship. And you know, enjoying a friendship."

Pero ready na ba siyang magmahal ulit after Melissa Ricks?

"Ngayon? Kaka-break ko lang. Parang it’s been only what, five months?"

Pareho sila ni Lovi na kakagaling lang sa breakup kaya tugma.

"Tugma ba yun?" at tumawa si Jake.

"Hindi, ano, siyempre sa akin lang talaga, I’m not rushing."

LOVING LOVI? Pero, type niya si Lovi?

"Sobrang gandang babae! Sobrang bait kasama. Sobrang nakakatuwa," sambit ni Jake.

Napapasaya siya ni Lovi?

"Masaya talaga siyang kasama, sobra!"

May mga qualities ba ang ex-girlfriend niya na nakikita niya kay Lovi?

"Hindi naman tama na ikumpara.

"Basta sobrang dami niyang good qualities. Parang hands down, sobrang bait niya."

Ano ang pinakagusto niyang quality ni Lovi?

"Masaya siyang kasama. Sobrang saya niyang kasama. Mahilig siyang magpatawa."

Nag-date na ba sila?

"Sa Star Magic Ball, dun pa lang," sagot niya.

Kung ikukumpara niya si Lovi sa isang pagkain, ano si Lovi?

"Para siyang ano, e, mansanas! Mamula-mula. Masarap kagatin.

"Juicy!" tawa nang tawang sabi ni Jake.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN