Angeline Quinto saving money for her dream house

"Para sa akin kasi gusto ko talaga na makapagpatayo ng bahay, kung sakaling makaipon ako, kasi ’yon talaga din ’yong pangarap ko para kay Mama, at saka siyempre para din sa sarili ko talaga," makahulugang sagot ni Angeline Quinto nang tanungin siya kung ano ang gusto niyang maging investment.


Sa one-on-one interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Angeline Quinto, naibahagi ng singer ang kanyang gustong maging investment pagkatapos niyang manalo sa Star Power: Search for the Next Female Pop Superstar.

"Sa ngayon kasi nag-iipon pa talaga ako," simula niya.

"Sinasabi nila parang investment na din ’yong Louis Vuitton na bag, hindi naman, di ba?

"Para sa akin kasi, gusto ko talaga na makapagpatayo ng bahay, kung sakaling makaipon ako.

"Kasi ’yon talaga din ’yong pangarap ko para kay Mama, at saka siyempre para din sa sarili ko talaga.

"Kahit ’yong... ’yong una, kahit lupa muna tapos saka na lang patatayuan ng bahay, ayun."

Dagdag pa ni Angeline, "Patuloy naman ’yong pag-iipon ko ngayon.

"Sana, sana next year kahit papaano makabili na ako ng lupa."

Nakausap ng PEP si Angeline noong Linggo, Agosto 21, papunta sa kanyang ASAP mall tour sa SM Marilao sa Bulacan.

Ano ba ang dream house niya?

"Dream house ko, hindi naman, hindi naman malaking bahay," sabi ng singer.

"Kumbaga, kasi may iba gano’n ang gusto, parang, palasyo na ’yong itsura, di ba?

"Sa akin naman basta... kahit mga tatlong kuwarto lang para sa akin, kay Mama, tapos siyempre kung may bisita na pupunta do’n.

"Kahit papaano, may guest room naman, gano’n."

Bukod sa bahay, ano pa ang gusto niyang pag-ipunan?

"Pag-ipunan? Hmmm…bukod sa bahay, gusto kong magkaroon ng isa pang sasakyan na medyo malaki. Kumbaga, parang van, gano’n."

SINGLE AND READY TO MINGLE? Single ba ngayon si Angeline?

"A, single po," maikling tugon ni Angeline.

Ano ba ang qualities na hinahanap niya sa isang guy?

"Ako naman, hindi naman ako gano’n kapihikan. Sa totoo nga, hindi ako mahilig sa guwapo.

"Gusto ko ’yong simple lang, gano’n po.

"At saka, gusto ko siyempre ’yong mamahalin din ’yong mga mahal ko po sa buhay, gano’n."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero open na ba siya to have a relationship o work muna?

"A, sa ngayon, siyempre trabaho muna talaga. Kahit na may nagpaparamdam naman kahit papaano.

"Kaya lang siguro hindi pa ito ’yong oras talaga, kasi pinaghirapan ko rin naman talaga ’yong kung nasaan man ako ngayon, di ba?

"Ayoko naman masayang lahat ’yon," saad niya.

Ano ang mas gusto niyang maging boyfriend—taga-showbiz o non-showbiz?

"Sa boyfriend po? A, para sa akin po, mas gusto ko rin ’yong ano, e, ’yong non-showbiz po.

"Para siguro kung pagdating sa trabaho, hindi naman siguro magkailangan, gano’n po."

Ang nagpaparamdam ba sa kanya ay taga-showbiz o non-showbiz?

"A, non-showbiz po," sagot ni Angeline.

"Pero sa showbiz naman… Hindi naman po gano’n, pero parang papunta doon, pero ayoko lang pong anuhin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN