Carla Abellana says it was not her intention to hurt veteran writer’s feelings

"Like what I said, kung na-hurt ko siya or na-offend ko siya in any way, at least tapusin na natin sa apology," says Carla Abellana about an incident involving veteran columnist Mario Bautista at the presscon of My Neighbor’s Wife.


Pagkatapos ng mainit na open forum sa presscon ng My Neighbor’s Wife kagabi, August 23, sa Imperial Palace Suites, inasahan nang iinterbyuhin agad ng press si Carla Abellana.

Kinastigo kasi ng veteran showbiz columnist na si Mario Bautista si Carla dahil sa paninita sa lumabas sa column nito at diumano’y pagti-threaten at paghingi ng erratum at retraction mula rito. (CLICK HERE to read related article.)

Aminado si Carla na nagulat talaga siya sa nangyari.

Gayunpaman, poised at composed pa rin nitong sinagot ang mga pag-uusisa sa kanya ng showbiz press at pati na rin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Nakakagulat lang. Pero tapusin na natin. Apology! Hanggang doon na lang," una munang nasabi ni Carla sa harap ng mga kausap na press.

Nilinaw ni Carla na wala siyang threat sa letter na ipinadala niya kay Mario.

"I admit naman na I wrote letter to him, which I thought would be the best way to communicate with him.

"Pero ang pangit naman kung ite-text ko or what, or kung sa iba ko pa sasabihin para umabot sa kanya.

"But of course, walang threat. Dyuskopo! Carla Abellana magte-threats? Wala, wala namang threats na ganun?" paglilinaw pa ni Carla.

Ayaw namang magbigay ng detalye ng 25-year-old Kapuso artist kung ano ang laman ng email niya kay Mario.

"Hindi na, huwag na nating pag-usapan.

"Like what I said, kung na-hurt ko siya or na-offend ko siya in any way, at least tapusin na natin sa apology.

"Pero it is not my intention na i-offend ko siya," diin niya.

MISQUOTED. Although sanay na raw siya sa mga hindi magandang nasusulat sa kanya, o mga article na hindi totoo tungkol sa kanya, first time niya naman daw na masita ng isang writer.

"Oo, first time ’to, siyempre. Dyusko!

"I’m not I’m saying that what he wrote was bad. Hindi talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Walang masama dun sa sinulat niya about me. Talagang misquoted lang.

"But of course, he explained his part na press release yun na, nakuha niya yung information na yun sa Regal [Films, My Neighbor’s Wife producer].

"At least klaro na hindi galing sa kanya. Ayun.

"Siguro mali lang talaga yung information, yung quotation na nasa article that never even came from my mouth. So, yun lang.

"If he thought that it was the way to make a statement, kung yun ang gusto niyang gawin, during the presscon nga niya sasabihin yung mga nararamdaman niya, well, we respect that."

Ano nga ba ang pakiramdam niya nang mga sandaling iyon na nagpapalitan sila ng salita ni Mario?

"Wala. Parang ano lang, hindi lang naman... parang I feel guilty?

"Basta nag-apologize na lang ako sa kanya for hurting him.

"We’ll fix it, you know, kung maayos pa?

"Ayusin na lang natin. After the presscon na lang."

Pero hindi na nga sila nagkausap pa ni Mario dahil umalis na agad ito bago pa man matapos ang presscon.

CALM PERSONALITY. Nakadama ba siya ng lungkot na nangyari iyon sa presscon pa ng pelikula niya?

"Hindi! Ang saya-saya ko nga!" natawa pagkatapos na biro ni Carla.

"Siyempre, nakakagulat lang. Not that I’m hurt, but nagulat lang talaga ako.

"Pati nga sina Jake [Cuenca], Lovi [Poe], at Dennis [Trillo], nagulat din sa nangyari.

"Pero natuwa naman ako na very supportive sila."

Obserbasyon ng mga nasa presscon, kalmado lang at hindi umiyak o nag-walkout si Carla, habang kinakastigo ng beteranong showbiz columnist.

"Bakit naman ako magwu-walkout? Saka ganun ako, ganun talaga ’ko talaga, kahit anong mangyari, kalmado ako talaga.

"Kahit nga lasing ako, kalmado ako.

"Kasi yun ang personality ko, na whatever happens, you compose yourself, e.

"Hindi mo na palalakihin, hindi mo na dadagdagan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LESSON LEARNED. Ano naman ang natutunan niya sa pangyayaring ito?

"Na ’wag na lang magsalita, even if it means having to defend yourself, and having to defend the truth.

"Actually, hindi nga ’yan yung turo sa akin. Ang turo sa akin ay to always defend the truth.

"But in this case, hindi na lang, never mind na lang.

"We’ll just respect whatever people do, di ba?" nasabi na lang ni Carla.

May hakbang ba silang gagawin ng manager niyang si Arnold Vegafria dahil sa nangyaring ito?

"We’ll see, we’ll see," sabi niya.

"Ang importante, he [Mario] won’t feel bad anymore now that he accepted my apology.

"Yun lang muna, di na natin muna pag-uusapan or ano man yung nangyari.

"Siyempre, ang importante ay ma-accept niya yung apology ko for hurting him unintentionally."

Alam din daw ng manager niya ang ginawa niyang letter para kay Mario. Kinonsulta niya rin daw ang kanyang pamilya tungkol dito.

"Yes, he knows about it. Hindi naman ako gagawa ng isang bagay na hindi alam ni Tito Arnold, or ng family ko na own my own na walang paalam.

"So, anything I do is with good intention," saad niya.

ARNOLD VEGAFRIA. Napag-uusapan na rin lang ang manager niyang si Arnold Vegafria, tinanong na rin si Carla tungkol sa sinasabi ni Mother Lily Monteverde sa presscon na diumano’y "breach of contract" na ginawa ni Arnold at pang-iisnab nito sa Regal matriarch.

"Mag-usap-usap sila. I mean, kung nagkakaproblema, sana maayos nila.

"Si Tito Arnold naman is very professional, he knows what’s the best for me.

"So, sana mag-usap-usap sila bago umabot sa akin yung balita.

"With the decision-making process, sa kanila na ’yan. So, ayusin na lang nila.

"Mother Lily naman loves me and I love her very much, what’s good will come out.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung may problema man sila ni Tito Arnold, kung ano man yung issue problem, or with my contract or decision-making, sa kanilang dalawa na yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN