Claudine Barretto says her dad is now okay after heart attack

"Kasi, hindi na siya puwedeng i-open. Nakadalawang beses na siyang i-open heart surgery. The first one was just an open heart surgery, the second one was a triple bypass naman," says Claudine on why her dad can’t have heart surgery anymore.


Ang Optimum Star na si Claudine Barretto ang sumalang sa "Don’t Lie To Me" segment ng Showbiz Central hosted by John "Sweet" Lapus noong Linggo, August 21.

Puspusan ang acting workshop ni Claudine kay Beverly Vergel sa pagsabak niya sa taping ng Iglot, at marami ang na-impress sa mga bagong ipinakitang akting ni Claudine sa upcoming fantasy series ng GMA-7.

SHE’S INTIMIDATING. Ang unang tanong kay Claudine ay kung totoong nai-intimidate daw sa kanya ang co-stars niya sa Iglot tuwing nakakaeksena siya.

"Yes" ang sagot ni Claudine at "Truth" ang resulta nito sa truth verifier machine.

Sa palagay niya, bakit nai-intimidate ang mga co-stars niya sa kanya?

"A, kasi nung bago kami nag-start [mag-taping], nagkaroon ng acting workshop under coach Beverly Vergel rin.

"And sinabi nila na ninenerbiyos daw sila na makasama ako at makatrabaho. Dahil for a long time, na yung mga oras na hindi ako nakapag-taping, medyo matagal-tagal na rin yun.

"Talagang inilaan ko yung oras ko sa workshops, sa acting workshops."

Mga kaibigan niya ang mga kasama niya sa Iglot. Sina Jolina Magdangal, Marvin Agustin, Luis Alandy, at Patrick Garcia.

"At siyempre, nandiyan sina Miss Celia Rodriguez," dagdag ni Claudine.

"Pero, talagang ayoko talagang tumigil sa pag-aaral. Kasi acting is a process and under Ms. Beverly Vergel, talagang ang dami ko pang natutunan.

"Next level na ’to."

KISSING SCENE WITH MARVIN. Ang sumunod na tanong kay Claudine ay kung totoong natulala si Jolina sa kissing scene nina Claudine at Marvin sa Iglot?

"No" ang sagot ni Claudine at "Truth" din ang naging resulta ng kanyang sagot.

Medyo matagal ba ang naturang kissing scene?

"Medyo nakailang takes rin," sagot ni Claudine.

Bakit nagkaroon ng isyu na natulala si Jolina?

"Kasama kasi siya sa eksena, although hindi ko nakita yung reaksyon ni Jolens [nickname ni Jolina]. Kasi kami ni Marvin ang magkaharap. Nakatalikod ako kay Jolina. Hindi ko nakita ang reaksyon niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero kanina, tinawagan ko siya, sabi ko, ’Mare, baka itanong lang sa akin kung ano ang reaksyon mo.

"’Nagselos ka ba, o nailang ka ba na ka-partner ko yung ka-partner mo noon? Ganyan-ganyan.’

"So sabi naman niya, ’Hindi, hindi talaga, mare!’

"Sabi ko, ’Okay! So, iyon ang isasagot ko pag tinanong ako.’"

RAYMART’S REACTION. Ang huling tanong kay Claudine ay kung totoo bang dito sa Iglot ay magseselos din ang mister niyang si Raymart Santiago sa kissing scene nila ni Marvin?

Noon kasi sa pelikulang In Your Eyes ay balitang nagselos si Raymart sa kissing scene nina Claudine at Richard Gutierrez.

"No" ang sagot ni Claudine at "Truth" din ang naging resulta nito.

Bakit walang dapat ipagselos si Raymart?

"Sa tingin ko kasi, iba kasi pag sa TV ginagawa ang mga [kissing scenes], mas wholesome.

"Hindi naman puwedeng ibigay nang todo-todo, di ba? At siya rin naman, may mga kissing scenes.

"At bilang alam niyang nakasama ko na si Marvin at si Luis [Alandy], na matagal nang kaibigan, dating kaibigan, mas kumportable siya.

"Kasi si Richard, kasi dito [GMA-7] ko lang rin nakilala. So, parang biglaan, tapos may love scene.

"May ano, para sigurong na-overwhelm si Raymart," ang paliwanag ni Claudine.

Wala raw kahit isa sa kanilang mag-asawa ang nagtatanong kung ano at sino ang kaeksena sa isang proyekto ng bawat isa.

Incidentally, ipapalabas ang Iglot sa primetime block ng GMA-7 simula sa August 29, sa direksyon ni Gil Tejada Jr.

DADDY’S OKAY. Kinumusta naman ni Sweet kay Claudine ang daddy niya na balitang nagka-heart attack kamakailan.

"Yes. Two weeks ago, nagka-heart attack yung daddy ko," pagkumpirma ng aktres tungkol kay G. Miguel Alvier Barretto.

"Pero, okay na siya. Na-stent [tube] na siya. Na-angioram. Na-angioplasty na siya, lahat ng kinailangan.

"Kasi, hindi na siya puwedeng i-open. Nakadalawang beses na siyang i-open heart surgery.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The first one was just an open heart surgery, the second one was a triple bypass naman.

"And yun, seventy-three years old na yung dad ko, and siyempre lahat kami ninerbiyos nang sobra.

"Inatake siya sa Subic nun, August... ano ba yun? Two weeks ago, pero nakalabas na siya ng ICU. Nasa bahay na siya.

"Pero, every day kailangan niyang pumunta ng St. Luke’s. Kasi may ini-inject yata para lumabas... kasi may water pa siya sa lungs.

"But thank God he’s safe. Out of danger.

"Pero siyempre, he’s still not off the hook. Kailangan ang observation and full recovery talaga for my dad," sabi ni Claudine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN