Diether Ocampo on unending question about his lovelife: "I’m taking my time. I’m not in a rush."

Masaya raw ang aktor na si Diether Ocampo sa takbo ng kanyang career sa ngayon. Bunga na rin ng kanyang busy work schedule, sinabi nitong hindi pa siguro oras para magkaroon siya ng nobya. "I guess it’s not the perfect time for me to get involved with someone," sabi ng aktor.


Maganda ang takbo ng career ng aktor na si Diether Ocampo. Bukod sa kanyang currently airing show na Guns and Roses, naging successful din ang kinabibilangan niyang independent film na RakenRol.

Kaya naman ang tanong ng lahat, paano naman ang lovelife niya?

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment press si Diether noong Sabado, August 20, sa presscon ng Pizza Hut sa Ali Mall store branch sa Cubao, Quezon City.

Dito’y sinabi ni Diet (palayaw ni Diether) na sa ngayon, wala siyang panahon para sa lovelife.

Nangingiting sinabi ni Diether, "Ganun talaga, pasensiya na ho.

"Kasi, pinag-iipunan ko ho yung bahay kung saan titira yung ano, yung kung sino man ang ipagkakaloob sa akin ng Diyos."

WORK SCHEDULE. Ilan na rin ang naging karelasyon ni Diether.

Isa’y ang dati niyang girlfriend na si Kristine Hermosa, na ngayo’y kasal na sa aktor na si Oyo Sotto.

Ang pinakahuli naman’y ang half-Syrian print model na si Rima Ostwani.

Sa naging interview ng aktor sa The Buzz noong nakaraang taon, sinabi nitong tila nahirapan siyang balansehin ang relasyon nila ni Rima at ang trabaho niya. (CLICK HERE for related article.)

Kaya naman hindi nakapagtataka nang sabihin ni Diether na isang dahilan kung bakit wala pa siyang lovelife ngayon ay kanyang busy work schedule.

Kuwento niya, "Katunayan, kakatapos lang namin mag-shoot ng umaga. So, sa mga ganitong klaseng sitwasyon, e, mahirap naman maging unfair.

"So, I guess it’s not the perfect time for me to get involved with someone."

Pero pag-amin niya, "You know, it’s also nice to have an inspiration. I would like to have someone right there na I can talk to, or willing to motivate me to work harder.

"So, kailangan natin ng babae na magbibigay sa atin ng magandang direksyon, dahil minsan pag puro trabaho, hindi rin okey, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang kailangan mo din ng bonus, na may nagpapatibok ng puso mo."

Hindi naman daw mahalaga kay Diet kung showbiz o non-showbiz ang kanyang makakatuluyan. Ang mahalaga raw ay maunawaan nito ang kanyang trabaho.

"Para sa akin, I think yung makakasundo ko, hindi magiging mahirap para sa amin pareho.

"[Yung] mamahalin din yung trabaho ko at yung mga taong nakakasama ko sa trabaho tulad n’yo [press].

"Dahil kung hindi niya matatanggap yun, mahirap po yun."

STAR MAGIC BALL. Sa September 3 ay magaganap ang ika-limang Star Magic Ball sa Manila Peninsula Hotel.

May ka-date na ba si Diether sa upcoming event na ito ng talent arm ng ABS-CBN?

"Yun nga, that’s the biggest question! So, I guess, yung available diyan na walang pananagutan sa buhay..." natatawang sagot ni Diether.

Dahil sa naging sagot niya, muli tuloy siyang inintriga sa Queen of All Media na si Kris Aquino.

Matatandaang ilang beses na niyang nilinaw na walang anumang namamagitan sa kanila ni Kris, at sinabing magkaibigan lamang sila. (CLICK HERE for related article)

Gayunman, kapansin-pansin kasi ang pagiging malapit nila. Kaya naman, may posibilidad kaya na si Kris ang maging date niya sa naturang event?

"Wala pa kaming napag-uusapan," mabilis na sagot ng aktor.

"Kung sino puwede, di ba, why not? Hindi ko alam kung ano yung ano, e.

"Kasi, yun yung event [para] na lahat Star Magic artists, siyempre lahat nagkakatipon-tipon, yung mga kaibigan namin na celebrity also sa industriya din, diyan kami nagkikita-kita."

Pero kahit anong kulit pa ng press sa kanya, sinabi niyang sa ngayon ay masaya siya sa takbo ng kanyang career, at hindi niya minamadali ang kanyang lovelife.

"Kumbaga sa akin, I’m taking my time, I’m not in a rush.

"For me kasi, it’s very important na magawa ko muna yung mga responsibilidad ko dahil, di ba, ang dami ko nang pinagdaanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nasubaybayan n’yo naman siguro yung lovelife ko, di ba?

"And this time, hindi naman ako nagmamadali."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN