Nora Aunor clarifies movie offer from Mother Lily; determined to undergo operation to fix her vocal cords

"Ako na lang ang hinihintay na umoo para makagawa na ng kontrata si Mother Lily. Kasi gusto niya dalawa yatang pelikula ang gagawin ko; isang pang-festival at isang pang-Mother’s Day [next year]," says Nora Aunor about the film offer of Regal Films’ Mother Lily Monteverde.


Maagang nag-report si Nora Aunor sa unang araw ng taping niya para sa TV5 mini-series na Sa Ngalan Ng Ina kahapon, August 22, sa Taal, Batangas.

Sa paanyaya ng direktor ng serye na si Mario O’Hara, nagpunta ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa unang location ng taping sa isang nearby hotel, ang Casa Cecilia, in the vicinity of the town poblacion.

Ala-una ng hapon ang call time ni Ate Guy, at bandang ika-4 ng hapon ang naitakdang pagsisimula ng kukunang eksena niya.

Bago mag-ala una ay nasa nasabing location na si Nora. She was accompanied on the set by one of her confidantes and former manager, Boy Palma.

When Guy arrived on the set, busy na si Direk Mario sa sunud-sunod na mga eksenang kinukunan, starting at 9 a.m.

Sandaling nag-usap sina Guy at Mario, matapos bumati ni Guy sa direktor.

Naunang kunan ni Direk Mario ang malaking eksenang involved ang maraming extras bilang townspeople na sumusuporta sa Partido Obrero; kasama rito sina Leo Rialp at Racquel Villavicencio, ang mga pulitikong kalaban ni Ate Guy.

Sa mini-series, si Nora ay si Donya Elena Deogracias, ang asawa ng character ni Bembol Roco as the incumbent Governor Deogracias.

Sa mga young stars, sina Nadine Samonte at Joross Gamboa ang nasa eksena.

Si Nadine ay si Andrea Deogracias, ang anak ni Bembol sa una nitong asawa, na magiging kalaban din ni Ate Guy.

AWARD-WINNERS. Ang award-winning actress na si Racquel Villavicencio ay siyang ipinalit kay Suzette Ranillo para sa papel ng vice governor na nagpaplanong tumakbong gobernadora, matapos ma-assassinate si Gov. Deogracias (Bembol Roco).

May ibang commitment na hindi mabitiwan ni Suzette kaya she backed out of her supposed participation in the mini-series.

Pagdating sa set ay agad kinausap si Nora ni Joey Luna, premyadong production designer para sa last-minute details hinggil sa kanyang wardrobe; mostly black dresses na dinisenyo ng couturier na si Miki Hahn of Hahn Manila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Everything is provided for [by the production], from head to foot, including accessories," Joey stressed about Ate Guy’s wardrobe/costume requirement.

Natutuwa si Joey sa muling pagtatrabaho nila ni Ate Guy, matapos siyang maging production designer ng Bona at makeup artist ng Bongga Ka, ’Day!.

Aniya pa, "As the widow of Bembol, lagi siyang naka-itim dito; casual na dress na itim.

"She was fighting for justice sa pagkakapatay ng politician husband niya, so she decided to wear black hangga’t walang hustisya.

"Nakakaiyak nga, e."

Meanwhile, isang premyado ring production designer si Racquel, bago naging screenwriter at aktres. Kamakailan ay naparangalan siyang Best Actress sa Cinemalaya Filmfest for Bisperas (directed by Jeffrey Jeturian).

Ang pagganap ngayon ni Racquel sa mini-series ay isang katuparan ng pangarap din niyang makatrabaho si Nora.

Naging production designer si Racquel ng Aunor-starrers, like Himala (1982) by Ishmael Bernal and Kung Ako’y Iiwan Mo (1980) by Laurice Guillen.

"As screenwriter, pinagsulat naman ako ni Elwood [Perez] ng mga dialogues nina Nora at Tirso [Cruz III] sa Bilangin Ang Bituin Sa Langit (1989); isang eksena lang naman ’yon.

"Yung confrontation scene nila, the first time na magkita sila after a long time... Naku, hindi ko na maalala!" natatawang sambit pa ni Racquel, who was so glad to be reunited with the actress in a scene na kinunan that evening.

Bukod kay Racquel, kasali rin sa mini-series si Edgar Allan Guzman bilang si Angelo Deogracias, stepson ni Donya Elena (Nora).

Recent winner din sa Cinemalaya Filmfest si Edgar Allan for Best Actor para sa Ligo Na U, Lapit Na Me.

On this, executive producer Jo-Ann Cabalda-Banaga happily noted: "Gathering of [Cinemalaya] winners ang mini-series na ito!

"We have Racquel and Edgar Allan; Eugene Domingo [Best Actress for Ang Babae sa Septic Tank] and Bembol Roco [Best Actor for Isda].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Of course, even the other actors are award-winners; we have Christopher de Leon, Rosanna Roces, Ian de Leon.

"And we have Eula Caballero [TV5’s Star Factor grand champion], among others.

"Pati ang staff, we have Joey Luna, award-winning production designer ko ’yan sa Rosario.

"Of course, we have Direk Mario O’Hara... and Nora Aunor!

"Saan ka pa pupunta?"

CHANGED. True to her earlier promise, tila nagbago na sa pagtatrabaho niya si Nora. And, again, nobody can fault the Superstar for being punctual with her commitments, as she reported ahead of her call time on the Sa Ngalan ng Ina set.

Tulad din ito ng maaga niyang pagdating sa set in Kawit, Cavite noong unang araw ng shooting niya, on August 8, para sa El Presidente with Gov. ER Ejercito and director Tikoy Aguiluz.

In fact, mula sa shooting niya ng nasabing pelikula, na natapos ng madaling-araw ng August 22, ay sandali lang nagpahinga at nag-freshen up si Ate Guy sa kanyang tinutuluyang condo unit sa Eastwood City.


Sabi ni Boy Palma, "Halos wala siyang tulog. Alas-nuwebe ng umaga, punta na kami dito [sa Taal, Batangas location].

"Tanong ko, ’Guy, wala ka pang tulog, tutuloy ba tayo, o gusto mong magpa-schedule later para makatulog ka muna?’

"E, ang sabi, ’Kuya Boy, tuloy na tayo. First taping day ngayon, nakakahiya pag late.’"

Upon arrival on the set, inasikaso si Ate Guy ng taga-TV5 para sa room na tutuluyan.

Panay ang tanong niya sa production assistants, "Basta, hindi ako late, ha?" aniya. Na ikinatuwa naman ng mga nag-a-assist na PAs ng show.

Nag-lunch muna sina Guy at Boy sa ground floor ng nasabing hotel and in between, casual na nakipagkuwentuhan ang dalawa sa PEP.

Sabi ni Boy, "Ang ganda kagabi, tinapos niya lahat ng mga eksena niya [sa El Presidente].

"Gusto ni Guy pag nag-start siya dito [Sa Ngalan ng Ina], wala nang ibang schedules.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero hindi rin siya nakahindi sa request ni Tikoy, kasi gusto rin i-stretch yung role niya as Maria Agoncillo.

Pumayag si Guy, sige, one more [shooting day]. Bale pang-fifth [shooting] day niya ’yon.

"Pero puwede naman i-schedule by September, hahanapan na lang ng mas maluwag na araw.

"Basta ito [Sa Ngalan ng Ina] ang priority niya ngayon, 20 days taping lang ito. Tuwing MWF."

SA NGALAN NG INA THEME SONG. Matapos mag-lunch ay sandali ring nakipag-usap sa PEP si Ate Guy.

Higit sa epekto ng pagod at puyat sa magdamagang trabaho ng sinundang araw, mas may pagdaing si Nora hinggil sa kanyang boses.

"Kagabi, nagda-dialogue ako, hirap na hirap ako.

"Kasi ang sama ng mag-talkies na ganito ang boses. Kahit i-dub ko ’yan, ganyan ’yan.

"Kahit pa [rested], kasi tinamaan yung balat, nadikit yung balat sa buto," sabi ni Nora, showing her small scar sa may gitna ng kanyang leeg, kung saan naroon ang kanyang vocal cords.

Pero gaya rin ng nabanggit ni Ate Guy sa naunang interviews, may pag-asang manumbalik ang kanyang tinig at ang mas maayos na pagsasalita at pagkanta sa bisa ng isang operasyon.

"Oo, sana nga," asam niya.

"Kasi, awa ng Diyos, hindi naman tinamaan yung vocal cords.

"Ito lang, sa labas lang. Hindi kasi maganda yung pagkakasara nila.

"E, hindi ko naman inakala na gaganituhin ako, ano!

"Five days yata ako hindi nagising... three to five days."

Nagbiro pa ang Superstar, pagkasabi nun. "Maganda yata yung mga pelikula ko, pipi ako!"

Ang balita, mayroon nang theme song ang Sa Ngalan ng Ina.

Maaari din kayang si Nora Aunor ang kumanta niyon kung bababaan ang areglo ng musika?

Napailing naman si Ate Guy. Walang kasiguruhan ang tungkol dito dahil hirap siyang kumanta ngayon.

"Hindi, as in wala talaga. Hindi pa talaga [puwede].

"Kailangan kong magpagamot, ooperahan uli," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinubukan ba niya uling kumanta kahit bahagya kapag nag-iisa siya?

"Kahit nga umpisa pa lang, hindi ako makakanta, e," malungkot na pahayag ni Nora.

"Gano’n kagrabe."

Determinado naman si Ate Guy sa binabalak na pagkonsulta o pagpapaopera sa Boston, Massachusetts, when she again leaves for the U.S. to renew her green card in November this year.

"Oo, kasi baka pag tumagal, masama [ang maging resulta]. Dapat nga, nung pagka-aksidente, naopera kaagad, e."

REGAL MOVIE. Inusisa rin ng PEP kay Ate Guy ang tungkol sa napapabalitang paggawa niya ng pelikula sa Regal Entertainment, o sa offer ng producer na si Mother Lily Monteverde.

Hindi malinaw ang mga ulat tungkol dito. Bagamat may posibilidad, wala namang konkreto pang matukoy na project.

May napag-alaman din ang PEP na, diumano, may "problema" sa kontrata ni Nora sa TV5, na kabilang din ang paggawa niya ng pelikula sa film outfit ng Kapatid network.

Ito nga ba ang nagiging sagabal sa offer sa aktres ng Regal outfit ni Mother Lily?

"Hindi naman. Kasi basta’t may kukuha sa akin, kailangan magpaalam sila sa 5.

"Kasi, exclusive contract ako do’n, sa 5. Papayag naman sila, e, basta’t magpaalam sila.

"Ang gusto lang ni Perci [Intalan, TV 5 executive]... Kasi sa festival [Metro Manila Filmfest], sabi niya, ’Ang daming maglalaban-laban, di ba? Iniingatan naman ako ng 5."

Sa pangyayari na may immediate offer si Nora from Regal Films na intended for the MMFF, siya ang naiipit.

"E, hindi ko mahindian si Kuya Germs [German Moreno]," sabi pa ni Ate Guy.

Si Kuya Germs ang nakikipag-usap sa Regal Films para sa movie deal.

"Ako na lang ang hinihintay na umoo para makagawa na ng kontrata si Mother Lily.

"Kasi gusto niya dalawa yatang pelikula ang gagawin ko; isang pang-festival at isang pang-Mother’s Day [next year]," pagtukoy rin ni Nora.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

INDIE FILM OFFERS. Itinanong din ng PEP kay Nora ang ilan pang proyektong nabalita about a year or two before she finally came back, na diumano’y gagawin niya sa States.

Tulad ng Do Filipinos Cry In America?, an indie film supposedly ay ididirek ni Celso Ad. Castillo.

"Wala ’yon," sagot ni Ate Guy. She did not elaborate on anything.

How about Reclusion Perpetua, na sabi’y isang three-hour indie film project ng premyadong direktor sa abroad na si Lav Diaz?

"A, si Lav, pinuntahan ako nun sa LA. Wala rin," maikling pahayag ni Ate Guy.

Ang isa pang supposedly malaking proyekto ni Nora titled The Actress ay napabalitang kukunan sa Canada at ipi-finance ng isang ahensiyang pang-kultura sa nasabing bansa.

Hindi rin natuloy ang isang ’yon habang nasa abroad pa si Ate Guy.

PRODUCT ENDORSEMENT OFFERS. But Nora is ever thankful sa mga naging kapalit na proyekto para sa kanya ngayon, tulad ng El Presidente (movie) at Sa Ngalan ng Ina (mini-series) ay worth all her wait and sacrifices.

Samantala, may mas malaking posibilidad na matuloy gawin ni Nora ang Luna Rosa ni Mario O’Hara.

Umano’y mayroon nang prospective producer na interesado sa proyekto at nakatakdang makipag-usap kay Direk Mario and, eventually, kay Ate Guy.

When informed, walang masyadong hesitation si Ate Guy.

Inalam lang niya ang magdidirek. Nalaman din niyang laan ang pelikula sa balik-tambalan nila ni Tirso Cruz III.

"Tingnan natin," nakangiting sambit ni Nora.

Lastly, ayon din kay Boy Palma, tatlong product endorsement offers ngayon ang pinag-aaralan nila ni Nora.

"Isang instant noodle, shampoo product, at isang mobile company ang may offers ngayon kay Guy.

"Pinag-aaralan pa namin," masayang sabi ni Boy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN