Eugene Domingo excited to work with Superstar Nora Aunor; explains "walk out" on The Buzz

The Buzz" data-url="https://www.pep.ph/news/30771/eugene-domingo-excited-to-work-with-superstar-nora-aunor-explains-walk-out-on-the-buzz" data-desc="Eugene considers herself a "Katrabaho."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/b843a4938.jpg"> The Buzz" data-url="https://www.pep.ph/news/30771/eugene-domingo-excited-to-work-with-superstar-nora-aunor-explains-walk-out-on-the-buzz" data-desc="Eugene considers herself a "Katrabaho."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/b843a4938.jpg"> The Buzz" data-url="https://www.pep.ph/news/30771/eugene-domingo-excited-to-work-with-superstar-nora-aunor-explains-walk-out-on-the-buzz" data-desc="Eugene considers herself a "Katrabaho."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/b843a4938.jpg">

The Buzz" data-url="https://www.pep.ph/news/30771/eugene-domingo-excited-to-work-with-superstar-nora-aunor-explains-walk-out-on-the-buzz" data-desc="Eugene considers herself a "Katrabaho."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/b843a4938.jpg"> The Buzz" data-url="https://www.pep.ph/news/30771/eugene-domingo-excited-to-work-with-superstar-nora-aunor-explains-walk-out-on-the-buzz" data-desc="Eugene considers herself a "Katrabaho."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/b843a4938.jpg"> The Buzz" data-url="https://www.pep.ph/news/30771/eugene-domingo-excited-to-work-with-superstar-nora-aunor-explains-walk-out-on-the-buzz" data-desc="Eugene considers herself a "Katrabaho."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/b843a4938.jpg"> The Buzz" data-url="https://www.pep.ph/news/30771/eugene-domingo-excited-to-work-with-superstar-nora-aunor-explains-walk-out-on-the-buzz" data-desc="Eugene considers herself a "Katrabaho."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/b843a4938.jpg">

"Katrabaho talaga ako," says Eugene Domingo clarifying the "walk out" incident on The Buzz after she was asked which among the three TV networks was the best. She further explains, "Lahat ’yan pinapakain ako, lahat sinuswelduhan ako. Para sa akin lahat sila katrabaho ko."


Masayang ikinuwento ng comedienne na si Eugene Domingo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press ang pagkikita nila ng kanyang iniidolong artista, ang Superstar na si Nora Aunor.

Nangyari ito nang magkaroon ng pictorial ang dalawa kamakailan para sa gagawin nilang mini series sa TV5, Sa Ngalan ng Ina.

"Hanggang dito ko lang siya [sabay turo sa noo]. Ang liit-liit lang pala ni Ate Guy?" natutuwang sabi ni Eugene media junket na inihanda para sa kanya at ng direktor ng Wedding Tayo, Wedding Hindi kagabi, Agosto 22.

Tinanong ng PEP kung kumusta ang una nilang pagkikita.

Sabi ni Eugene, "Pinakilala ko ang sarili ko. Sabi ko, ’Ate Guy, ako po si Eugene.’

"Tapos pinaalala ko sa kanya, ’Nagkita na po tayo sa Amerika, noong nag-show po kami ni Direk Wenn [Deramas].’

"Unti-unti nang bumabalik sa kanya. Ang dali naman niyang makaalala, e."

Bagamat walong taong nawala si Nora sa local showbiz, naging madali naman umano ang kanyang pag-adapt sa mga sitwasyon, ayon kay Eugene.

"Tapos parang naninibago rin siya.

"Noong pictorial, sabi niya, ’Ano ba ’to, ang tagal-tagal ko nang artista pero parang hindi ko na alam ang anggulo ko?’

"Tawa ako nang tawa kasi hindi ko naman akalain na gano’n siya.

"Di ba, para sa isang batikan, ang cute? Ang cute na makarinig ng gano’n, na nahihiya."

Hindi ikinaila ng award-winning actress na na-starstruck siya sa nagbabalik na award-winning actress.

Pero agad naman daw itong napalitan ng tuwa at sabik sa pagsisimula ng pagsasama nila sa trabaho.

Aniya, "’Yong pagka-starstruck ko naman din kasi ay may hangganan din. Siguro mga three minutes, four minutes, ganyan.

"Then, after a while, when you listen to them, they’re just like us. Ano rin sila, gusto nila na masaya.

"Hindi naman sila ’yong parang nakikita natin sa TV na, ’Naku, kailangan ano sila, santuhin.’ Hindi, normal na normal naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto niya lang masaya, magaan, maiintindihan ang pangangailangan nila. Simple lang sila talaga.

"Natutuwa naman ako kasi agad-agad sa pictorial, alam ko... I’m looking forward to working with Nora Aunor. Because I think she’s really fun to be with."

Sa kanyang katatapos lamang na pelikula, Ang Babae sa Septic Tank, ipinakita ni Eugene ang itinuturing niyang tatlong uri ng acting—ang "elevator acting," "TV Patrol acting," at "as is where is acting."

Kaya naman pabirong natanong si Eugene kung alin sa mga ito ang gagamitin niya para sa proyekto nila ni Nora.

"Combination ng tatlo!" bulalas ni Eugene.

"Dyusko! Si Nora Aunor ’yon, ’no! Kailangan mahanap ko ang tamang timpla!"

WALKOUT INCIDENT ON THE BUZZ. Samantala, kinuha na rin ang pagkakataong ito para mabigyang linaw ang ginawang pagwu-"walk out" ni Eugene sa The Buzz noong Hulyo 31.

Mapapansin na si Eugene ay ilang lamang sa mapalad na artista na nabibigyan ng pagkakataong makapagtrabaho sa tatlong kilalang TV networks sa bansa—ABS-CBN, TV5, at GMA-7.

Kaya naman hindi naiwasan ng The Buzz host na si Boy Abunda na tanungin si Eugene kung alin para sa kanya ang maituturing niyang best TV channel.

Sandaling nag-isip ang aktres at sa halip na sumagot ay tumayo siya’t nagsabing "taxi" sabay alis.

Hindi naman ito naging problema sa host ng programa. Sa katunayan, natawa pa si Boy sa ginawa ni Eugene.

Gayunman, ipinaliwanag ni Eugene kagabi ang kanyang ginawa pagwu-"walk out."

Para sa kanya, hindi dapat ikumpara sa isa’t isa ang tatlong TV networks.

"Katrabaho talaga ako," pabiro pa niyang sabi.

"Hindi, kasi alam mo, hindi talaga maganda magsabi na ito Kapatid, Kapamilya, o Kapuso.

"Alam mo ba, ’yong mga nasa Kapatid, nakatrabaho ko rin sa Kapuso, katrabaho ko rin sa Kapamilya?

"Pare-pareho lang ’yan, lahat ’yan kakampi mo.

"Lahat ’yan, dapat hindi mo bibigyan ng, ’Hindi ko alam. Ayaw ko sa inyo.’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At sa huli, idiniin ni Eugene, "Lahat ’yan pinapakain ako, lahat sinusuwelduhan ako.

"Para sa akin, lahat sila katrabaho ko."

The Buzz" data-url="https://www.pep.ph/news/30771/eugene-domingo-excited-to-work-with-superstar-nora-aunor-explains-walk-out-on-the-buzz" data-desc="Eugene considers herself a "Katrabaho."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/b843a4938.jpg"> The Buzz" data-url="https://www.pep.ph/news/30771/eugene-domingo-excited-to-work-with-superstar-nora-aunor-explains-walk-out-on-the-buzz" data-desc="Eugene considers herself a "Katrabaho."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/b843a4938.jpg"> The Buzz" data-url="https://www.pep.ph/news/30771/eugene-domingo-excited-to-work-with-superstar-nora-aunor-explains-walk-out-on-the-buzz" data-desc="Eugene considers herself a "Katrabaho."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/b843a4938.jpg">


The Buzz" data-url="https://www.pep.ph/news/30771/eugene-domingo-excited-to-work-with-superstar-nora-aunor-explains-walk-out-on-the-buzz" data-desc="Eugene considers herself a "Katrabaho."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/b843a4938.jpg"> The Buzz" data-url="https://www.pep.ph/news/30771/eugene-domingo-excited-to-work-with-superstar-nora-aunor-explains-walk-out-on-the-buzz" data-desc="Eugene considers herself a "Katrabaho."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/b843a4938.jpg"> The Buzz" data-url="https://www.pep.ph/news/30771/eugene-domingo-excited-to-work-with-superstar-nora-aunor-explains-walk-out-on-the-buzz" data-desc="Eugene considers herself a "Katrabaho."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/b843a4938.jpg"> The Buzz" data-url="https://www.pep.ph/news/30771/eugene-domingo-excited-to-work-with-superstar-nora-aunor-explains-walk-out-on-the-buzz" data-desc="Eugene considers herself a "Katrabaho."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/b843a4938.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN