Kathryn Bernardo and Julia Montes tone down their dramatic acting for new teen-oriented show

Julia Montes (left) and Kathryn Bernardo topbill ABS-CBN’s new youth-oriented series, Growing Up, where they play typical teenagers—a far cry from their heavy drama roles in Mara Clara.


Pagkatapos ng kanilang matagumpay na seryeng Mara Clara ay muling mapapanood sa telebisyon sina Kathryn Bernardo at Julia Montes via Growing Up, ang bagong teen-oriented show ng ABS-CBN na magsisimula na sa September 4.

Kasama nila rito sina, Diego Loyzaga, Yen Santos, Neil Coleta, EJ Falurin, Kiray, Daniel Padilla, at Maricar Reyes. Mula ito sa direksiyon ni Lino Cayetano.

Paano ba idi-describe nina Julia at Kathryn ang bago nilang show na Growing Up?

Sabi ni Julia, "Ano po kasi siya, e, yung mga pinagdadaanan ng teenagers ngayon, iba-ibang characters na pag nagsama-sama, ano ang magiging hitsura.

"Volleyball team kasi kami rito na parang ano... yung typical na life ng volleyball team na teenager."

Ayon naman kay Kathryn,"Dito kasi pag pinanood nila, makikita nila yung iba’t ibang personality ng teenagers mula sa pananamit, sa mga ugali, iba-iba po kami bawat cast.

"So, yun ang dapat nilang abangan. Kakaiba po itong teen show na ito."

Sabay na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Julia at Kathryn kagabi, August 23, sa presscon ng Growing Up na ginanap sa ELJ Building ng ABS-CBN.

SIMILARITIES AND DIFFERENCES. Ano naman ang kaibahan ng characters nila sa Growing Up sa naging character nila sa Mara Clara?

Ayon kay Julia, "Ang laki ng kaibahan ng character ko dito sa Growing Up.

"Kasi ang character ko dito ay isang sweet, pero parang martir sa pag-ibig. Kumbaga, parang hopeless romantic ako rito."

Sagot naman ni Kathryn, "Ang character ko sa Growing Up ay parang tough girl with a big heart.

"Kasi parang manhater po ako rito, na parang ang layo kay Mara, kasi parang boyish kung kumilos.

"Parang siya yung pinaka-conservative, ’tsaka nanay sa barkada.

"So, ibang Kathryn yung makikita nila rito, ibang personality, ibang pag-arte at ibang lahat."

Dito ba sa Growing Up ay mag-aaway rin sila, gaya sa Mara Clara at sa launching movie nilang Way Back Home?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi po," sagot ni Julia.

"Pero siyempre magkakaroon din po kami ng tampuhan na hindi naman po yun nawawala sa mga magkakaibigan.

"Tampuhan lang po talaga at hindi yung away na gaya ng ginagawa namin sa previous characters namin.

"So, ibang-iba talaga."

Paliwanag naman ni Kathryn, "Ginawa po namin yung Growing Up para mapaiba.

"Hindi namin ito binigatan. Sobrang light lang po talaga ng pag-arte namin. At saka yung istorya niya, para masarap siyang panoorin.

"So, wala kayong mapapanood na sampalan, lubluban sa drum, mga ganyan.

"Typical lang po na tampuhan ng mga magbabarkada ang mapapanood dito."

Paano sila nakaka-relate sa characters nila sa Growing Up? Ano ang pagkakaiba at pagkakapareho sa personalities nila sa totoong buhay?

Ani Julia, "Siguro ako kasi, sa character ko bilang Tammy, pareho kaming sweet. Yun yung hindi alam ng mga tao.

"Kasi pag nakikita nila ako, akala nila talagang kontrabida ako, pero hindi po.

"Mapagmahal ako sa kaibigan na yun talaga ako. So, yun yung pareho kami ni Tammy."

Sabi naman ni Kathryn, "Ako yung parang... siguro yung relationship ko kay Tammy, pati sa iba kong mga barkada, na parang ako yung sa mga kaibigan ko na, ’Ano ka ba, hayaan mo silang mag-first move!’ Ako yung ganyan.

"Tapos, ako yung... minsan pinagsasabihan ko yung mga kaibigan ko at saka ako yung medyo hindi pa-girlie.

"Ayan, mapalit po sa totoong Kathryn yung character ko bilang si Ella."


THE COMPETITION. May pressure ba na ang makakatapat ng kanilang programa ay ang sikat na teen show ng GMA-7 na Tween Hearts?

Sagot ni Kathryn, "Siguro may pressure pa rin po kasi siyempre ang tagal din ng itinakbo ng kabilang show na makakatapat namin.

"And siguro ano na lang po talaga... yung best lang po namin and yung natural na ibinibigay namin bilang magbabarkada talaga kami.

"Yun lang talaga yung mabibigay namin dito sa show na ito sa Growing Up.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro yun lang yung edge namin sa kabila."

Dagdag naman ni Julia, "Natutuwa po kami na kami yung pinagkatiwalaan ng management na ipantapat dun sa kabila.

"Pero siyempre po, malaki talaga yung pressure kasi ang tagal na nga nila.

"Pero ginagawa naman po namin yung lahat para magustuhan ng tao yung show namin."


FIVE YEARS FROM NOW. Five years from now, anong nakikinita nilang mangyayari sa kanila?

Si Julia ang unang sumagot. Aniya, "Ako siguro... Sinisimulan ko na kasing mag-ipon. Gusto kong magtayo ng sarili kong restaurant.

"Kaya ayun, in five years time, nakikita ko ang sarili ko na magkakaroon ako ng sarili kong restaurant.

"O, di ba, kini-claim ko na yun?" tawa pa niya.

Sabi naman ni Kathryn, "Ako siguro po, five years from now, ayun, nagka-college na ako.

"Siguro nagti-take na ako ng related to advertising. So far, yun yung gusto ko.

"Tapos kung nasa showbiz pa ako, ayun, thankful.

"Siyempre gusto ko pa ring ipagpapatuloy yung career ko."

In five years time kaya ay may boyfriend na sila?

Sabi ni Kathryn, "Hindi ko pa rin po masasabi kasi paano kung that time ay hindi pa rin po dumating yung right guy para sa akin?

"Maghihintay na lang siguro ako after five years ulit!"

Ayon naman kay Julia, "Ako rin po, hindi ko pa rin alam kung may boyfriend na ako five years from now."

Pero kung magkakaroon na sila ng boyfriend, mas preferred ba nila yung mas may edad sa kanila?

Ang crush kasi ni Kathryn ay si Piolo Pascual at si Julia naman ay si John Lloyd Cruz.

"Ang hirap magsabi, pero okey lang din po parang maganda rin yung mas mature," sagot ni Julia.

Sabi naman ni Kathryn, "Siguro mas gusto ko naman yung hindi masyadong malayo yung edad namin.

"Bahala na po kung sino yung dumating. Age doesn’t matter naman po para sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN