Katrina Halili happy that Hayden Kho’s medical license is cancelled on the basis of her complaint

Katrina is happy about the final decision of the Professional Regulation Commission to cancel the medical license of Hayden Kho. She clarifies that she’s happy about the result of her complaint, but sees no cause to celebrate.


Hindi na mapapanood sa mga susunod pang episodes ng nangungunang GMA-7 primetime show na Munting Heredera ang aktres na si Katrina Halili.

Bagamat extended pa ito ng ten more weeks, pinatay na ang karakter ni Katrina sa naturang palabas bilang Lynette.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Katrina sa thanksgiving mass ng Munting Heredera sa 17th floor ng GMA Network Center sa Quezon City kagabi, August 23.

Dito’y inamin niya na maski siya’y nagulat sa kinahinatnan ng kanyang karakter.

"Maging ako man po’y nakulangan sa pagkamatay ko!" natatawang sagot ng aktres.

"Biglang sigaw ko lang, ’Hindi totoo ’yan! Sakal, patay na!’"

Gayunman, itinanggi niya ang balitang may attitude problem daw siya kaya siya inalis sa naturang show.

"Hindi, a, naku, ha!" natatawang pagtanggi ni Katrina.

"Actually, lahat naman kami nagulat po, e.

"Pag tinanong n’yo po sila, maski si Direk [Maryo J. de los Reyes].

"Sabi nga sa akin ni Direk, ’Ano ba ginawa mo?’ Sabi ko, ’Wala po, direk.’

"’Bakit ka tinanggal? Papatayin ka daw.’ Hindi ko po alam."

PRC’S DECISION. Habang kausap ng press, halatang masaya’t masigla si Katrina. Game kasi itong sumagot sa mga tanong sa kanya, hindi tulad noon na wala siyang imik.

Ito kaya’y dahil may nagpapasaya sa kanya ngayon?

"E, sabi ko nga po, siguro natutunan ko sa mga nangyari sa akin," saad ni Katrina.

"Siguro, yung ma-inspire ako, hindi ko kailangan ng lalaki o ng boyfriend para ma-inspire ako sa buhay ko, para gumising na maging maganda ang araw ko, para maging positive ako.

"So, yun po yung natutunan ko na, ma-inspire ako sa buhay ko, sa mga taong nagmamahal sa akin, sa mga kaibigan ko.

"So, parang kailangan ko mag-catch up sa mga nakalimutan kong gawin dati."

Samantala, noong Lunes, August 22, lumabas na ang desisyon ng Professional Regulation Commission (PRC) na kinansela ang medical license ni Hayden Kho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang noong 2009, nag-file ng complaint sa PRC si Katrina laban kay Hayden at sa nobya nitong si Dra. Vicki Belo. Ito ay may kaugnayan sa sex video scandal kung saan kasangkot sina Hayden at Katrina.

Hiniling ni Katrina sa naturang complaint na makansela ang medical license ng dalawa dahil sa "malpractice of cosmetic surgery." (CLICK HERE for related article.)

Aminado naman daw si Katrina na naging masaya siya sa lumabas na desisyon ng PRC.

Wika niya, "Thankful naman po ako na, siyempre, may nangyari sa pinaglaban ko kahit papaano."

Pero giit nito, "Pero hindi naman po ako yung talagang nagse-celebrate o sinasabi ko buti nga sa ’yo, hindi po.

"Ako lang, ginawa ko lang po kung ano yung dapat kong gawin.

"Pero wala akong sinisising tao, wala akong sinasasabing ang sama-sama, ganun, wala po.

"Masaya lang po ako, pero hindi ako nagse-celebrate, a!"

Gayunman, nilinaw ng PRC na ang kanselasyon daw na iyon ng lisensiya ni Hayden ay hindi permanente. Maaari pa raw itong maibalik kung sakaling mag-apela si Hayden.

Ano ang masasabi niya rito?

"Wala na po akong comment dun," mabilis na sabi ni Katrina.

"Basta po ako, nagsalita na ako noon. Masaya lang po ako na kahit papaano may nangyari sa pinaglaban ko.

"Ayaw ko po kasi yung mag-ano, yung parang matutuwa ka dahil may nangyari dun sa isang tao, ayaw ko po ng ganun.

"So, kung ano po yung nangyari siguro sila na po yung [bahala dun]."

HAYDEN-VICKI ENGAGEMENT. Matunog ngayon ang mga usapan tungkol sa engagement nina Hayden at Dra. Belo.

Matatandaang noong Hunyo, inamin ni Dra. Vicki na matagal na silang engaged ni Hayden, na nangyari daw sa Amerika. (CLICK HERE to read related article.)

Aware daw si Katrina sa balitang ito, at masaya naman daw siya para sa soon-to-be-wed couple.

Sabi niya, "Kung ano man po yung gusto nilang gawin sa buhay nila, masaya na po ako kung masaya po sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, may sari-sarili na po tayong buhay, so ayoko pong manghimasok, ayoko po na ganito, ganyan.

"Kung saan po tayo masaya, gawin na lang natin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN