PEP EXCLUSIVE: Camille Prats admits her husband is now undergoing treatment for undisclosed illness

With a calm heart, Camille Prats affirmed the rumors that her husband, Anthony Lansangan, is sick. She said, "Well, yes, yes, that’s true... he got sick."


Magkahalong saya at pressure ang nararamdaman ni Camille Prats, na gumaganap bilang Sandra sa nangungunang primetime show ng GMA-7 na Munting Heredera.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Camille sa thanksgiving mass para sa tagumpay ng kanilang serye, na ginanap kagabi, August 23, sa 17th floor ng GMA Network Center, sinabi niyang napakasaya talaga nila sa ten-week extension ng Munting Heredera.

"Very happy, very happy!" bulalas ng dating child star.

"Kasi, hindi naman namin ine-expect na magiging ganito yung pagtanggap ng tao sa amin.

"We’re very happy, we’re very excited kung ano pa yung mga stories na magaganap, kung ano pa yung mga maisusulat ng mga writer na makaka-excite ng story for Munting Heredera."

Pero aminado siya na ang tagumpay na ito’y may kaakibat na pressure para buong staff ng kanilang programa.

"At the same time, we’re pressured," pag-amin ni Camille.

"Kasi dahil extended kami, we know na kailangan pa naming mas pagbutihan pa.

"Kailangan, hindi lang namin ma-extend, e, kailangan mahigitan namin yung bawat scenes na pinapalabas namin para hindi talaga kami bitawan ng mga manonood."

HUSBAND’S CONDITION. Bukod sa magandang career, fulfilling din ang married life ni Camille dahil sa three years na itong kasal sa businessman na si Anthony Linsangan.

Dalawang beses pang nakasal ang mag-asawa. Una’y sa Los Angeles, California, samantalang sa Santuario de San Antonio, Forbes Park, Makati City naman ang ikalawa. (CLICK HERE for related article.)

Ngunit tila may kinakaharap na pagsubok ngayon ang mag-asawa. Nitong mga nakaraang araw kasi ay may kumalat na usap-usapang may sakit daw ang asawa ni Camille.

Totoo ba ang mga usap-usapan na ito?

"Well, yes, yes... that’s true, he got sick," mahinahon na pag-amin ni Camille.

"We’re undergoing a lot of treatments now, and we’re hoping that he’ll recover from it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But now, he’s better, he’s getting better, he’s getting stronger every day. Okey naman."

Umamin man sa totoong kalagayan ng kanyang asawa, ayaw pa raw pag-usapan sa ngayon ni Camille kung ano talaga ang sakit nito.

Aniya, "Siguro I don’t want to talk. I’m not ready to talk about that, yet.

"Siguro eventually, in time, I’ll be able to talk about that.

"But right now, oo, totoo yun na nagkasakit siya. Pero yun nga, nagti-treatment kami for him to be okay."

Bakas man sa mukha ni Camille ang pag-aalala sa kanyang asawa, buong paniniwala pa rin niyang nasabi na, "You know, he’s a fighter, so kaya niya ’to, kaya niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN