Hiro Magalona admits getting closer to Tween Hearts co-star Kim Komatsu; hopes to start movie with Regal Films

"And besides, sa ganda ni Kim, wala naman sigurong lalaking hindi magkaka-crush sa kanya. Kasi sobrang bait at down-to-earth ni Kim," says Hiro Magalona about fellow tweener Kim Komatsu.


Happy si Hiro Magalona dahil extended ang Tween Hearts, kung saan isa siya sa cast members, until December.

"Kasi, isa ako sa bagong pasok [sa show] at gusto ko pang makasama nang matagal yung mga co-stars ko sa Tween Hearts.

"Kasi masaya silang kasama. Para kaming isang malaking pamilya.

"Kaya nga todo dasal kami na sana maaprubahan na mabigyan kami ng extension.

"Kaya naman sobra-sobrang saya namin nang sabihin sa amin na, ayun nga, extended kami hanggang December.

"Kaya abangan nila ang mga twist ng story at mangyayari sa bawat role na ginagampan namin," masayang kuwento ni Hiro sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

NEW CHALLENGE. Bukod sa Tween Hearts ay kasama rin si Hiro sa pinakabagong fantaserye ng GMA-7 na Iglot. Tampok dito sina Claudine Barretto, Jolina Magdangal, Marvin Agustin, Patrick Garcia, Luis Alandy, Pauleen Luna, at ang bagong child star na si Milkcah Wynn Nacion.

"Yun pa po ang isa sa pinagpapasalamat ko, ang mapasama ako sa Iglot.

"Bale pangatlo ko na itong show sa GMA-7. Una yung Walang Tulugan. Tapos Tween Hearts at itong Iglot, at makakatrabaho ko pa si Ms. Claudine Barretto.

"Bata pa kasi ako, napapanood ko na siya sa TV. Nagagandahan ako sa kanya at nagagalingang umarte.

"Kaya nga nung sinabi sa akin na makakasama ako sa show si Ms. Claudine, ang saya-saya ko.

"Na-starstruck nga ako no’ng makita ko siya. Kasi, ang bait-bait niya.

"Lagi pa siyang naka-smile. At hindi nagbabago ang hitsura niya, maganda pa rin [siya]."

Makakasama rin si Hiro sa Regal Films entry for Metro Manila Film Festival, Shake Rattle and Roll 13.

"Yun bale yung sabi ni Mother Lily. Isasama niya daw ako sa Shake , Rattle and Roll, at sa isa pang movie ng Regal Films.

"Kasi, nakakontrata ako sa kanila bilang new Regal baby.

"Bale four years yung pinirmahan ko [na contract for] 16 movies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit nga si Kuya Germs [German Moreno], sinasabi din sa akin na mag- ready na ako dahil nga mag-i-start na daw ako ng shooting ng Shake Rattle and Roll."

Dagdag pa ni Hiro, "Bukod sa TV, dream ko rin kasing i-try ang makaarte sa pelikula.

"Kaya sana matuloy yung pangako ni Mother Lily na isasama ako sa Shake Rattle and Roll para may pelikula na ako.

GETTING CLOSER WITH KIM? Medyo gumaganda ang career ni Hiro. How true na pati sa lovelife niya ay maganda rin ang tinutungo nito?

Balitang masyado na raw silang close ng co-star niya sa Tween Hearts na si Kim Komatsu ?

"Obvious ba?" natatawa niyang sagot.

"Hindi naman, lagi ko lang kasi siyang nakakasama kasi siya yung ka-loveteam ko sa Tween Hearts.

"Ngayon lang kami medyo nagkakausap nang matagal kasi nga kami ang laging magkaeksena.

"And besides, sa ganda ni Kim, wala naman sigurong lalaking hindi magkaka-crush sa kanya. Kasi sobrang bait at down-to-earth ni Kim."

So, type niya talaga si Kim?

"Hindi naman sa ganun. Friendship lang muna. Hanggang dun lang yun.

"Kasi bata pa kami at mas magandang mag-focus muna kami sa career namin. Lalo na’t pareho kaming nagsisimula pa lang sa showbiz.

"Mas magandang kilalanin muna namin yung isa’t isa. Who knows, di ba, from screen partners baka maging in real life na?" pabiro niyang sagot.

Sabi pa niya, "Career po muna talaga ang gusto kong atupagin.

"Kasi marami pa akong gustong gawin sa buhay ko. At marami pa akong dream na gusto kong matupad."

How about Lexi Fernandez na ka-partner niya sa Iglot?

"Si Lexi, maganda at mabait din. Pero ngayon ko lang kasi siya makakatrabaho nang medyo matagal-tagal.

"Kasi no’ng pumasok ako sa Tween Hearts, pa-exit na siya kaya hindi kami masyadong nagkakilanlan.

"Hopefully talaga sa Iglot, mas makilala ko siya nang mabuti," sabi ni Hiro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN