PEP EXCLUSIVE: Camille Prats still friends with brother John’s ex-girlfriend Rachelle Ann Go; says her brother is not a cheater

"Basta ako, kung saan sila mas masaya. Hindi ako nakialam kahit kailan sa relationship ng brother ko. I would always want to be friends with the exes, magkatuluyan man o hindi. Ayaw kong masira yung pagkakaibigan ko na ’yon sa mga naging girlfriend ng kapatid ko. So, I really don’t want to meddle with his relationships," says Camille Prats.


Isang bagong challenge daw para kay Camille Prats at sa buong team ng Munting Heredera ang ten weeks extension nito.

Noong Martes ng gabi, August 23, ay isang thanksgiving mass ang ginanap para sa tagumpay ng primetime series na ito ng Kapuso network sa 17th floor ng GMA Network Center sa Timog Ave., Quezon City.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Camille, sinabi nitong challenging pero more of a blessing ang extension na ito ng kanilang palabas.

"It’s really a challenge," pag-amin ng aktres.

Pero giit niya, "But more than that, we see it as a blessing. Kasi, we came this far, we worked as a family, it’s a teamwork from the writers to the production staff, to the people behind the camera, to the actors and actresses.

"So, parang alam naman namin na iisa yung aim namin, iisa yung goal namin—ang mapasaya ang bawat manonood, ang mag-enjoy sila, ang mabigyan sila ng magandang kuwento na kakapitan nila gabi-gabi.

"And in knowing that, masaya na kami dun."

RACHELLE-JOHN BREAKUP. Samantala, naging tahimik si Camille sa kabila ng mga balitang lumabas tungkol sa hiwalayan ng kapatid niyang si John Prats at ng dating nobya nitong si Rachelle Ann Go.

Maaalalang sa show ni John Prats na Happy Yipee Yehey! ay sinabi nitong single na siya, na ang ibig sabihin ay break na sila ni Rachelle. (CLICK HERE for related article.)

Personal choice daw ni Camille na manatiling tahimik matapos ang pagputok ng balitang ito.

"Well, para sa akin, like I’ve said before, ayoko talagang mag-comment regarding that because I am not in the position to say anything about it," pahayag niya.

"The relationship is between the both of them, even me as John’s sister, di ko din alam kung ano yung pinanggalingan, kung ano yung naging cause nung breakup."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Camille, iniiwasan niya rin magkomento dahil gusto niyang mapanatili ang nasimulan niyang friendship sa mga nakakarelasyon ni John.

Aniya, "Basta ako, kung saan sila mas masaya. Hindi ako nakialam kahit kailan sa relationship ng brother ko.

"I would always want to be friends with the exes, magkatuluyan man o hindi.

"Ayaw kong masira yung pagkakaibigan ko na ’yon sa mga naging girlfriend ng kapatid ko.

"So, I really don’t want to meddle with his relationships."

Kuwento pa ni Camille, hanggang ngayon daw ay nagkaka-text pa sila ni Rachelle Ann.

"Yeah, oo! Nag-text nga siya sa akin sa mga gigs niya, kapag may concerts siya, pag may shows siya.

"I tell her na if I have time pupunta talaga ako because she’s really an amazing singer.

"We know how talented she is, and you know she’s a great person.

"She’s really a good person."

ON BIANCA MANALO. Matapos ang nangyaring breakup kina John at Rachelle, naging vocal naman si John sa paghanga nito sa 2009 Binibining Pilipinas-Universe na si Bianca Manalo. Magkasama ang dalawa sa Happy Yipee Yehey!.

Si Bianca ang itinuturong dahilan ng breakup nila Rachelle Ann at John, na mariin namang itinanggi nito. (CLICK HERE for related article.)

Ayon kay Camille, ilang beses na raw silang nagkausap ni Bianca.

Minsan daw ay sa mga gatherings o di kaya’y sa tuwing pumupunta ito sa kanilang bahay.

Maayos naman daw ang kanilang relasyon ni Bianca. Wala rin daw siyang ano mang sama ng loob dito, matapos ang nangyari kina John at Rachelle.

"Not at all, not at all!" mariing pagtanggi ni Camille.

"Just like what I’ve said, I’m not supposed to meddle with their relationship.

"My brother, he’s always been very ano naman, e. Kumbaga, yung pag-iisip naman niya, when it come to relationships, he was never a cheater.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He was never a two-timer, and that’s one thing that I can siguro be proud about my brother."

Biro pa ni Camille, "Pag ganun ang ginawa niya, ako talagang unang-unang papatay sa kanya, at alam niya yun bilang dalawa kaming kapatid niyang babae."

Kaya naman ang masasabi niya lang sa mga balitang cheater daw ang kanyang kapatid:

"Hindi siya ganun klaseng tao, hindi siya dapat manloko ng babae and hindi naman niya ginagawa yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN