Bea Alonzo confirms Zanjoe Marudo is her date for 2011 Star Magic Ball

Kapansin-pansin ang glowing beauty ni Bea Alonzo lately. Bukod sa bagong ine-endorsong makeup line, si Zanjoe Marudo daw ang isa sa mga nagpapasaya kay Bea sa ngayon. Ani Bea, masaya siya sa proud na pag-amin ni Zanjoe sa kanilang relasyon sa The Buzz noong Linggo, August 21, subalit tumangging magbigay ng pahayag ang aktres ukol sa status nila ng nali-link sa kanyang aktor.


Ibang-iba ang aura ni Bea Alonzo nang makaharap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa "Link Up" party ng Tupperware brands kahapon, August 23, sa Opus Bar sa Resorts World Manila.

Una siyang tinanong kung ano ang sikreto sa likod ng kakaiba niyang glow.

"Colour Collection," sagot ni Bea patungkol sa cosmetics and skin care line ng Tupperware na ine-endorse niya.

"Seriously, maybe good makeup and siguro it comes from within na rin kasi I’m happy, I’m content."

Masaya at contented nga raw si Bea sa dami ng blessings na dumarating sa kanya.

Bukod kasi sa TV at movie projects na naka-lineup para sa aktres ay halos sunud-sunod din ang pasok ng endorsement offers sa kanya.

Hindi maikakailang isa si Bea sa bankable actresses ng kanyang henerasyon, kaya naman maraming kumpanya ang kumukuha sa kanya para maging endorser.

Pihikan ba si Bea sa pagtanggap ng mge endorsement deals?

"Siyempre naman. Hindi ako nag-e-endorse ng hindi ko talaga ginagamit. I don’t endorse products that I don’t believe in.

"Kasi nga, may responsibility kami [celebrity endorsers] lalo na sa mga followers namin to recommend what’s best in the market.

"Especially kapag mga gamot or ganitong mga personal products kasi, di ba, mag-i-spend sila ng money?

"At alam mong mahirap ang buhay ngayon. Siyempre, hindi mo dapat sayangin yung pera nila.

"And napaka-crucial ng bawat endrorsement. Unang-una, pinagkakatiwalaan kami sa madaming... alam mo yun, marami silang gagastusin for us to promote the product. Siyempre, hindi namin sasayangin iyong efforts."

ZANJOE MARUDO. Bukod sa showbiz projects at endorsements ay marami pa raw ibang nagpapasaya ngayon sa Guns And Roses star.

Ang tinutukoy ba niya ay ang rumored boyfriend na si Zanjoe Marudo?

"Isa siya sa mga rason," ang maikli at diretsong sagot ni Bea.

Hiningan naman ng reaksiyon si Bea tungkol sa rebelasyon ni Zanjoe nang mag-guest ito sa The Buzz noong Linggo, August 21. Sinabi niyang "exclusively dating" na raw sila ng dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ano bang sabi niya?" balik-tanong ni Bea sa media.

"Kayo na daw," ang sabi naman ng isang reporter mula sa programang E-Live.

"Paanong sabi niya?" muling tanong ni Bea na tila ayaw magbitaw ng statement hangga’t hindi nakukuha ang buong detalye mula sa interview ni Zanjoe.

"Tinanong siya kung anong difference ng ’exclusively dating’ sa ’kayo na.’ Ang sabi niya, parehas lang daw yun," muling sagot ng reporter kay Bea.

"Sabi?" ang natatawa namang reaksiyon ng dalaga.

"Why do you need to know? Why do you ask?" muli niyang tanong sa media.

"Maraming nagtataka, maraming napa-puzzle [kung ano talaga ang status ninyo.]"

"Ako rin, puzzled. So, lahat na lang tayo puzzled!" pabiro namang saad ni Bea.

"Hayaan n’yo na lang siya yung sumagot. It’s best kung siya yung nagsabi, di ba?"

Kinumpirma naman ng reporters kung totoo ang sinabi ni Zanjoe sa kanyang interview na makailang beses na daw siyang nagsabi ng "I love you" kay Bea.

Napangiti lang ang aktres sa mga reporter na naghihintay sa kanyang sagot.

"Ganun lang [ang reaksiyon mo]?" muling tanong ng reporter.

"Oo."

Nagsabi na rin ba siya ng "I love you, too" kay Zanjoe?

Muli lang natawa ang aktres.

Sa huli ay nagbigay rin si Bea ng statement niya ukol sa lahat ng tanong about Zanjoe.

"Siyempre, ang sarap ng pakiramdam dahil proud siya at wala siyang pakialam sa sasabihin ng tao.

"Wala [akong ibang masasabi], basta I’m very happy na gano’n yung nararamdaman niya, na proud din siya," saad ng aktres.

STAR MAGIC BALL. Kinumpirma rin ni Bea na si Zanjoe ang kanyang date sa Star Magic Ball na magaganap ngayong Setyembre.

"Oo. Surprisingly, siya yung ka-date ko," pabirong sabi ni Bea.

"Nakakatawa naman kung may iba akong ka-date."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN