Maja Salvador cries over intrigues hurled against her; very upset on issue linking her to Direk Paul Soriano

"Alam kong nagtatrabaho lang ako. Nagpapakahirap ka para makagawa ng magandang pelikula at makatulong sa pamilya ko. Tapos, maglalabas ng isyu na playgirl, lasenggera... Tapos heto, inaagaw ko naman daw ang boyfriend ng isang katrabaho ko," says Maja Salvador about successive intrigues thrown at her.


Sa presscon ng pelikulang Thelma kaninang tanghali, August 24, ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press ang bida ritong si Maja Salvador.

For a start, tuwang-tuwa si Maja dahil napakaganda raw ng pagkakagawa ng nasabing indie movie. Sa direksiyon ito ni Paul Soriano at Star Cinema ang magri-release ng first venture na ito ni Maja as film producer.

"Hindi lang naman ako ang producer. Part lang ng talent fee ko ang isinama namin sa paggawa ng movie na ito," panimula niyang paglilinaw.

"Excited ako [kasi] hindi lang ako artista dito. I’m one of the producers din. So, yun po," kuwento pa niya.

LET ME SING. Masusundan pa kaya ang pagpu-produce ng aktres?

"Hindi muna siguro ako magpu-produce ng pelikula sa ngayon.

"Gusto ko munang mag-produce muna ng concert ko!" napatawang sagot ni Maja sa panibagong challenge na gusto niyang tahakin.

"One of my dreams kasi, e, yung makapag-concert din ako," patuloy niya.

"Kasi, after po kasi ng Minsan Lang Kita Iibigin, I’m planning to take voice lessons.

"Para kahit papaano, e, maiba naman yung makita sa akin ng mga tao."

Tapos, gagawa na siya ng record album?

"Yes, sana. Kaya magbu-voice lessons muna ako."

NON-STOP INTRIGUE. Maganda ang initial reviews for her movie Thelma. Pero hindi maganda ang bali-balitang nauugnay ang pangalan niya sa boyfriend ni Toni Gonzaga na kanyang direktor sa nasabing pelikula.

"Nakakatawa lang dahil every time na may film na ipapalabas, parang kung hindi ka mali-link sa ka loveteam mo... and since wala akong ka-loveteam dito [sa director naman].

"Kasi si Jason [Abalos] naman, e, kokonti lang ang mga eksena namin. So, ngayon, sa director naman ako naili-link.

"Ang masasabi ko lang po, sana, e, puro positive na lang ang isusulat nila dito sa Thelma. At saka isa pa, e, malaki ang respeto ko kay Toni Gonzaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At saka di naman ako gumagawa ng pelikula para makipaglandian sa kung kanino mang kasama ko sa pagbuo ng pelikula," sunud-sunod niyang depensa.

Ano ang nararamdaman niya na parang walang patid na pang-iintriga sa kanya?

"Siyempre po sa akin, masakit. Ang dami kasing intriga na ibinabato nila sa akin na parang hindi ba nauubusan.

"Parang halos lahat ng intriga nasa akin na.

"Laging may lalaki raw... Lasenggera, at halos lahat-lahat, e, sa akin na nila ibinigay," sabi ni Maja, na sa puntong ito ay nangingilid na ang luha.

Patuloy niya, "Yung hindi na po tumitigil ang mga negative issues na lang lagi sa akin.

"Parang sobra na at nasasaktan na talaga ako nang husto. May isyu naman ako ngayon with my director.

"Ang pangit naman talaga. Lalo na’t wala naman talaga akong ginawang masama at hindi totoo ang pang-iintriga nila sa akin.

"Alam kong nagtatrabaho lang ako. Nagpapakahirap ka para makagawa ng magandang pelikula at makatulong sa pamilya ko.

"Tapos, maglalabas ng isyu na playgirl, lasenggera... Tapos, heto, inaagaw ko naman daw ang boyfriend ng isang katrabaho ko.

"Sobra na. Masyado na talaga yun," tuluy-tuloy na sagot na Maja na tuluyan na ring napaiyak.

TONI SAYS... Sa isyu sa kanila ni Direk Paul, wala namang dapat ikabahala si Maja dahil si Toni Gonzaga mismo ang nagpaliwanag na walang katotohanan ang intriga. (CLICK HERE to read related story.)

"Wala naman talaga, e. Sobrang okey ako kay Toni, kay Direk Paul," sabi ni Maja.

"Kaya sana naman, kung isusulat nila ang pelikula, e, positivie na lang sana at huwag na kaming intrigahin nila."

Hindi na raw kailangang magharap-harap pa silang tatlo nina Toni at Direk Paul. Wala raw naman kasing isyu sa kanilang tatlo.

"Walang kuwenta naman kasing pag-usapan pa namin ang mga ganung klaseng bagay. Kasi alam naman naming hindi totoo talaga," lahad pa rin ni Maja.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaya dahil sikat na siya kaya tuluy-tuloy na rin ang pang-iintriga sa kanya?

"Hindi ko alam, e. Kasi nung nag-i-start pa lang naman ako, e, ang dami na ring nang-iintriga sa akin.

"Katulad nga rin naman ng sinasabi ko, ’E, sige lang sila. E, hindi rin naman nila ako mapapasuko sa ganyang isyu lang, e,’" pailing-iling pa ring pagkukuwento ni Maja na walang tigil sa kapupunas ng luha niya.

MY COUSIN DEBORAH. Isa pa rin sa ibinabato na intriga kay Maja ay ang tungkol sa pinsan niyang aktres na si Deborah Sun na sinabihan siyang "plastic." (CLICK HERE to read related story.)

Nagkausap na ba sila at naayos na ang tampo nito sa kanya?

"Tapos na po yun. Inaantay ko lang si Tito Jojo [Salvador] na dumating from the States.

"May plano kami to have lunch sa cousin kong si Ms. Deborah. Pero, okey na kami at wala nang problema.

"Na-introduce na kami nang malinaw sa amin. And after po nun, e, hindi na namin pinag-uusapan [pa ang nangyari]. Yun.

"Hindi nagkakaisnaban no’ng magkasalubong kami. Kasi hindi lang kami na-introduce [nang maayos] sa isa’t isa. So, okey na yun.

"Basta ako, gandang-ganda sa kanya. Nakatitig ako sa kanya. Iba ang color ng eyes niya na ang ganda-ganda.

"Nagkatsikahan na kami. Nagkuwentuhan na kami at wala na talagang isyu," paliwanag pa rin ni Maja, na unti-unti nang nakangiti at nawala na ang lungkot sa mukha.

I WON’T GIVE UP! Ano ba ang naiisip niyang rason kung bakit patuloy ang pang-iintriga sa kanya?

"Di ko po alam. Basta ako po, e, nagtatrabaho po nang maige," sagot ni Maja.

"Hindi lang para sa akin at sa pamilya ko, kundi para rin sa mga taong nandiyan na nagmamahal at nagtitiwala sa talent ko.

"Gusto ko kasing laging nagpapasaya sa mga tao. Hindi po talaga ako susuko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit parang masyado siyang emosyonal ngayon?

"Tinatapakan na kasi masyado ang pagkatao ko. Tao lang din naman kasi ako na nasasaktan.

"Hindi porke artista or what... Basta ako, hindi ako playgirl. Hindi ako lasenggera. Hindi marunong mang-agaw ng boyfriend," madiin niyang pagtatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN