Marvin Agustin jokes about "love scene" with Jolina Magdangal

"Parang ang tagal niyang inipon ano? Feeling ko nga talaga, ’na-motivate tong batang ’to.’ Pinagbigyan ko na lang. Kasi, malapit nang ikasal, e," says Marvin Agustin about his "love scene" with Jolina Magdangal.


Marvin Agustin was kidding us kung napipilitan lang kaming lapitan at kausapin siya during the press launch of GMA-7’s newest fantasy series Iglot held at the network’s Studio 7 last Tuesday night, August 23.

Katatapos lang kasi silang i-present isa-isa bilang cast ng nasabing fantaserye at nakihalo na ang ibang mga artista among press people.

Siya naman, tapos nang interbyuhin ng ilang kasama sa panulat at nakikipagkwentuhan na lang.

Nasamid pa siya habang umiinom bago nagsimula ang aming usapan na twice pang natigil dahil may nakiki-picture na staff and fans sa kanya.

"Mukha ba akong excited?" bungad niya. Sa bago niyang TV project ang ibig niyang sabihin.

"Kasi drama, e," sagot niya sa kanyang tanong.

Mas komportable nga raw kasi si Marvin sa drama na kilala naman talaga sa husay niya sa pag-arte.

ACTING WITH CLAUDINE. Natutuwa rin daw ang actor-businessman na makatambal si Claudine Barretto, na ayon sa kanya ay ngayon lang sila magsasama sa isang full-length drama series.

Nagkasama na raw sila noon sa ABS-CBN, pero sa isang episode lang ng Star Drama Presents Claudine. Nagkasama rin sila sa Flames: The Movie, pero magkaiba sila ng episode sa nasabing trilogy movie.

"Masarap kaeksena si Claudine," patuloy ni Marvin.

"Masarap kasi hinuhugot mo sa kanya. Hinuhugot mo sa acting niya. Nakakahawa."

Wala nga raw silang problema sa set ayon pa sa kanya.

"Okay kami. Okay si Claudine. Magaan yung set namin. Okay."

MY JOLENS. Yung sa kanila naman ni Jolina Magdangal na kanyang ka-loveteam, may eksena kasi sila na "lasing" ang actress-singer at todo-yakap at halik sa kanya.

"Parang ang tagal niyang inipon ano? Feeling ko nga talaga, ’na-motivate tong batang ’to.’

"Pinagbigyan ko na lang. Kasi, malapit nang ikasal, e. Parang ako yung ano ["sexy male gift"] niya sa bachelorette party [or bridal shower]," pagbibiro pa niya.

Engaged na si Jolina sa drummer ng bandang Rivermaya na si Mark Escueta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi," seryosong bawi ni Marvin. "Kami naman ni Jolina, habambuhay nang nakatatak sa tao. Na we’re partners. Napapasaya namin sila [fans].

"So, eto, hangga’t may projects na binibigay sa amin at kaya naming gampanan, we’ll do it."

WORKING WITH MY EX. Kasama sa cast ng Iglot si Pauleen Luna na nakarelasyon din ni Marvin before.

"Oo nga. Pero hindi kami magkasama sa eksena," mabilis niyang sagot.

"Magkaiba kami ng set, e," dagdag niya. Kasi mayaman daw ang role ni Pauleen at siya ay hindi.

"Okay kami ni Pauleen," pahabol pa niya.

MR. PRODUCER. Kapansin-pansin na tahimik ang personal life ni Marvin at walang intriga. Mukhang nakatuon ang isip niya sa kanyang business.

Naikuwento pa niya sa naunang interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya na may bubuksan siya at ng kanyang business partners na isang resto.

"Okay. Sumo Sam [name ng resto]. Tapos mero’n akong Comrade sa Eastwood.

"So, medyo dumadami-dami yung restaurants natin kasi pinapa-franchise na namin yung Sumo Sam," natutuwa niyang balita.

May production company na rin siya bringing named foreign acts para mag-show rito sa Pilipinas. Sino ang susunod nilang dadalhin after Bruno Mars?

"Black Eyed Peas. We’re bringing them on October 25," proud pa niyang sabi.

Hindi ba sila nahihirapan, considering malalaking performers ang mga dinadala nila rito?

"Pag malalaki yung mga stars, okay, e. Sila na mismong lumalapit, yung sponsors. Marketing mo, di na gano’n kabigat kasi idols na nila, e."

Lucrative nga siguro ang pagpu-produce nila ng concert?

"Okay siya. Okay siya. Di gano’n kalaki, pero okay naman," medyo nahihiya niyang sagot.

Paano niya mina-manage ang kanyang time sa pag-arte at sa pagnenegosyo?

"Sa tagal ko na siguro sa industriya, kayang-kaya ko na siyang i-juggle. Nagtatrabaho ako sa set," kuwento niya na nakita naming mismo pagdalaw naming sa set ng Iglot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dala niya ang kanyang laptop at nakikipag-usap with his partners pag wala siyang eksena.

MARVIN’S TWINS. Dumako naman ang usapan namin sa kanyang twins na pinaglalaanan niya ng kanyang pinagtatrabahuan. May time pa siya para makasama ang mga ito?

"Weekends or weekdays" nasa kanya raw ang mga bata.

"Pag yung mom nila nag-a-out-of-the country," dinadala rin daw ang kambal sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN