Diego Loyzaga admits having a dad like Cesar Montano is a tough act to follow

"Lagpas pressure po. Anong word ang lagpas pressure? Yun yung feeling ko po," says Diego Loyzaga about having an award-winning dad like Cesar Montano


Bago pinasok ng baguhang young actor na si Diego Loyzaga ang showbiz ay binigyan daw muna siya ng advice para sa kanyang career ng inang si Teresa Loyzaga, dating aktres at singer.

Sobrang dami nga raw ng advice nito sa kanya.

"Isang book ito. Isang makapal na book na parang novel ito!"natatawang sabi ni Diego nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa presscon ng Growing Up, ang bagong teen-oriented show ng ABS-CBN.

Anong hindi niya malilimutan na advice ng kanyang mommy?

"A, yung be careful lang po. Paano ko ba sasabihin ito? Basta ang sabi niya po, mag-ingat ako.

"Kasi, kung ako raw po ay hindi umiinom [ng alak], tapos may kasama akong mga barkda na umiinom, kung may makakakita raw, iisipin na umiinom din ako. Ganyan, ganyan.

"Lahat ng pinagdaanan ni Mommy nung nasa showbiz pa siya, lahat ’yan sinabi niya sa akin.

"At sinabi niya, ’Huwag mong gawin ito. ’Ako natuto na ako rito. Ngayon, ikaw, it’s your turn naman,’" sabi pa raw ng kanyang mommy.

"Pero, of course naman, as ano, hindi naman ako hard-headed as a child.

"Pero, of course naman as a teenager, I say to her, ’Mom naman... I mean, we all go through this, di ba? So, dapat ako rin maranasan ko in my own way.’

"’Alam ko na sinasabi mo sa akin. Pero naman, kahit ilang beses mong ulit-ulitin sa akin, hindi pa rin ano... maiiwasan. Pagdadaanan ko pa rin. So, parang ano [tanggapin na natin].’

"Pero salamat na lang at binibigyan niya ako ng advice. At araw-araw itong advice na ito.

"Siguradong pag-check ko ng phone ko mamaya, ’Ano, kamusta na? Ano, sumagot ka ba ng tama?’ Ganyan, ganyan.

"Ganyan po talaga yung mommy ko po. She’s always checking on me. So every day, laging may advice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko na maisip kung anong mero’n sa book na yun na puwede kong sabihin dito.

"Lahat na po, buong buhay ko may advice siya po."

BIG EXPECTATION. Ang daddy ni Diego na si Cesar Montano ay isang award-winning actor. Hindi na nga mabilang ang acting trophies na natanggap nito.

Dahil anak siya ni Cesar, hindi maiiwasang i-compare siya rito. May pressure ba kapag ikinukumpara siya sa kanyang ama?

"Lagpas pressure po. Anong word ang lagpas pressure? Yun yung feeling ko po!" natatawang sagot ni Diego

"Kapag tinatanong po ako, ’Ano ba ang mga talents mo? Yung mommy mo marunong kumanta. Marunong ka bang kumanta?’

"Medyo po!’ Gaganyan lang ako. ’Konti naman. Oo naman. Kapag pinilit mo, puwede naman.’

"’Daddy mo, action star, ikaw marunong ka bang umakting?’

"’Medyo po. Okey naman po.’ Palaging ganyan po ang sagot ko."

GOOD ANSWER! Baguhan pa nga lang sa showbiz si Diego, pero maraming nakakapansin na magaling at marunong siyang sumagot sa mga intriga sa kanya.

Sino ba ang nagturo sa kanya at parang sanay na sanay na nga siyang harapin ang mga intriga sa kanya, lalo na kung may kinalaman sa kanyang ama?

"Actually, ako lang po," sagot ni Diego.

"A, when I was in [Sydney] Australia, a... Australia is a very liberated country and a very ano...

"Paano ba [sasabihin]? Yung mga kabataan doon, sobrang tigas ng ulo. Pag sumasama ako sa kanila, pag may ginagawa akong masama, ’yan na yung nanay ko, ’Ano na naman ang ginawa mo?’

"Pilosopo po ako nun. So, palaging may sagot po ako.

"Kaya kapag may intriga naman, palaging may sagot din ako. Nasanay na ako dun sa ano, sa kasasagot.

"Palaging sinasabi ng mommy ko, ’Alam mo Diego, kapag tumanda ka na, baka maging abogado ka. Kasi ang pilosopo mo, e.’ Ganyan lagi ang sinasabi niya sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, ayun, parang natuto ako dun para sumagot sa mga intriga," saad ni Diego.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN